Chapter 2Aedrien
Unti-unti ay nasasanay na ako sa aking pamumuhay sa palasyo. Nasasanay na ako na katabi si Prinsipe Remus sa aking pagtulog. Hindi ko man sya makagisnan sa umaga ay naghihintay na sa aking paggising si Angelica na ayon kay Prinsipe Remus ay akin ng personal na alipin. May naghihintay na ring masarap na almusal para sa akin na kapag wala si Remus ay pinagsasaluhan namin ni Angelica. Itinuring ko na syang aking kaibigan at nakatatandang kapatid. Sya ang aking kakuwentuhan habang hinihintay ko ang pagdating ni Remus. Sya ang aking tagapag-alaga, tagabihis, taga-ayos ng aking buhok, tagalinis at tagapaghanda ng aking katawan para sa pagniniig namin ng prinsipe.
Kahit na nasa loob lamang ako ng silid ay kontento na ako. Nasasanay na rin ako sa pakikipagniig kay Remus. Matiyaga nyang itinuturo tuwing nagniniig kami ang mga paraan kung paano ko sya mapapasaya bukod sa pagpasok nya sa aking katawan. Noong una ay nandidiri ako ngunit dahil gusto ko syang mapasaya, ginagawa ko na lang ang mga nais nya.
Unti-unti na ring sumisibol ang pagmamahal ko para sa prinsipe. Napakabait nya naman kasi sa akin. Napakamaasikaso. Lagi nyang sinisigurado na kumportable ako. Binibilhan nya ako ng magagandang damit. Pinasusuot nya ako ng mga gintong alahas na kaming dalawa lamang naman ni Angelica ang nakakakita.
Isang araw, halos malapit na ang tanghalian nang ako ay magising. Paano ay nakailang ulit kami ni Remus ng pagniniig. Aalis daw kasi sya upang pamunuan ang isang pagsakop. Napakalungkot ko nang marinig ko ang balita ngunit wala akong magagawa dahil responsibilidad nya iyon bilang susunod na hari ng kanilang kaharian. Nag-aalala din ako para sa kanyang kaligtasan. Nang makita nyang malungkot ako ay sinabi nyang gagawin nya ang lahat upang makabalik agad. Ibinilin din nya na dito lamang ako sa aming silid at sasamahan ako ni Angelica sa pagtulog sa bawat gabing wala sya.
"Napakatamlay mong gumising, Mahal na Aedrien. Wag kang mag-alala, matapang at magaling sa pakikipaglaban ang prinsipe. Hindi sya mapapahamak at makakabalik sya agad dito gaya ng ipinangako nya sayo." Nakangiting sabi sa akin ni Angelica. Tinulungan nya akong bumangon. Tinulungan din nya akong maisuot ang roba sa aking hubad na katawan.
"Hindi ba lubhang makakaabala ako sayo kung pati sa aking pagtulog ay sasamahan mo ako? Paano na ang iyong asawa at mga anak?" Nahihiya kong sabi sa kanya.
"Naiintindihan naman ng aking asawa na kailangan kong sundin ang lahat ng ipinag-uutos ng prinsipe. Wag ka nang mabahala. Maliit na bagay lamang ito." Tinulungan nya akong makapunta sa banyo dahil nanginginig ang aking mga tuhod nang ako ay tumayo. Mahapdi rin ang ilang bahagi ng aking katawan dahil pinanggigilan ang mga iyon ni Remus kagabi.
"Mukhang may mga sugat ka." Nag-aalalang sabi ni Angelica habang nakatingin sa aking dibdib na may mga bakas pa ng pagsipsip at mga marka ng mga ngipin ni Remus.
"Wag mo na lang silang pansinin." Nahihiya kong tugon sa kanya. Totoong naging marahas ang naging pag-angkin ni Remus sa aking katawan kagabi. Waring sinusulit nya ang mga gabing hindi kami magsasama.
"Patawad sa aking pakikialam, Mahal na Aedrien. Nag-aalala lamang ako. Hayaan mo at gagamutin natin ang iyong mga sugat at pasa mamaya pagkatapos mong kumain." Buong pagpapakumbaba nyang sagot. Hindi na ako sumagot pa. Hinayaan ko na lang syang linisan ang aking katawan. At gaya ng araw-araw nyang ginagawa, pinuri nya ang aking katawan, ang ganda ng aking mukha lalo na ang kakaibang kislap ng aking mga mata. Nakakaakit daw ang mga ito kahit na magkaiba ang kanilang mga kulay.
Pagkatapos nya akong paliguan ay pinagsaluhan namin ang pagkaing nakahanda. Ginamot nya ang aking mga sugat at pasa. Naubusan na raw kasi ng Salvo at hindi pa nagbibigay ang mga taga-Chromia.
Sa pagbanggit nya sa aking dating tahanan ay nagdala sa akin ng lubos na lungkot. Hindi ko maiwasan ang makadama ng pananabik sa aking pamilya, kay Tito Amiel at sa aking mga kaibigan. Nag-aala rin ako sa aking alaga na si Halio. Isa syang malaking paro-paro na kaya kong sakyan kapag nais kong mamasyal sa kagubatan.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...