PROLOGO
Amiel POV
" Ayoko, ilang beses ko ba na sasabihin sa inyo, isa lang hinahanap ko, 'yun lang ang mate ko! " Galit na bulyaw ko sa mga nakatatanda--or mas kilala sa tawag na Elders-- ng aming lipon.
" Pero Alpha, dumaan na ang ilang taon, hindi niyo pa rin nahahanap ang itinakda sa inyo. Hindi naman natin pwedeng iwan na lang ang bakanteng posisyon na iyan. " pagpupumilit sa akin ni Elder Vianna. Siya ang nagiisang babae sa lipon ng mga nakatatanda sa aming lahi.
Alam ko naman ang nais nila. Nais nilang magkaroon na ako ng asawa upang makasama ko sa pamumuno ng aming lahi dito sa isla. Peo sa kasamaang palad, taon-taon ko na silang tinatanggihan, hindi pa rin sila tumitgil sa gusto nila na ipakasal
ako. Wala rin naman silang mapapala sa akin. Hinihintay ko kasi ang pagdating ng taong itinakda sa akin.Ang kinaiinisan ko lang sa kanilang lipon ay ng kanilang pagpupumilit na ipakasal ako kay Vinna, ang nag iisang anak na babae ni Vianna. Hinding hindi ko masikmura ang pagiisip ko na pakikipagtalik kay Vinna. Hindi Dahil sa hindi siya maganda, kundi dahil sa isa siyang makating babae.
Ilang taon na ang nakaraan nung di pa ako yung pumalit sa akung ama, ilang beses ko siyang nahuling nakikipagtalik sa ibat iabng lalake, kalahi man namin o hindi.
" I despise the idea of having to mate with someone rather than my mate. " isang pangaral ko sa kanila at dumeratso na ako sa aking opisina upang gawin ang naiwan kong trabaho.
..........
Kairo POV
" Tumakas ka anak, wag kang magpahuli sa kanila. "
" Ikaw na lang ang natitira sa ating lahi na nakatira dito. "
Nangibabaw ang tinig ng aking mga magulang sa kasagsagan ng aking pagtakas mula sa mga humahabol sa akin.
Hindi ko alm kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, ang tangi ko lang na alam ay kailangan kong tumakbo kundi mahuhuli nila ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa akin. Ayoko na matulad sa nangyari sa aking magulang ang mangyari sa akin.
Isang malakas na pagpitik ang umalingawngaw sa paligid, hinahayaan ko na ang aking sarili na magbaging anyo. Unti unti kong naramdaman ang pagbali ng aking mga buto senyales ng pagbabaging anyo ko.
Ako na ang bahala dito Kairo.
Nakipag-usap ang aking kahati sa katawan na ito. Siya ang kadalasang tinatawag na Alternate personality , pero para sa akin siya ang aking tagapagligtas. Di ko alam kung ano ako, at bakit nila ako hinahabol.
Hindi ko napansin na nasanay na ako sa ganitong buhay. Yung tatakbo ako papalayo sa mga humahabol sa akin, mannatali sa gubat ng ilang araw. Babalik nagan sa siyudad kung saan makahkasalamuha na namn ako ng mga tao na gusto akong hulihin. Pabalikbalik lang naman ang naraanasan ko, simula nung atakihin ang aming lugar ng isang grupo ng mangangaso.
Ang huling alaala ko lang ng aking mga magulang ay ang huling pagkakataon na nakita ko silang buhay.
" Espesyal ka anak, hindi mo man magamit ang lakas mo sa ngayon, dadating din ang panahon na makikilala mo ang nilalang na kayang ipalabas kung ano ang hangganan ng taglay mong abilidad, siya rin ang handang pumrotekta sayo sa lahat ng panahon. Pagdating ng panahon na iyon huwag mo siyang bibitawan." Habilin ni mama sa akin.
Bumuntonghininga ako sa makalawa upang masigurado ko na hindi pa nila pinutol ang hininga ko.
" Lumabas ka na puting lobo, hindi ka makakatakas sa amin ,mahuhuli at mahuhuli din kita. " narinig ko ang boses ng lalake habang papalapit ito ng papalapit sa pinagtataguan ko.
Napatingin ako sa paligid ko , wala akong malusutan, nakapalibit sila sa akin.
Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi nilang katapusan ng buhay ko? Ni hindi ko pa nakikilala o kaya ay nakikita ang nilalang na magbibigay ng halaga sa buhay ko.
Mama, patawad, mukhang hanggang dito nalang po yata ang takbo ng buhay ng inyong anak.
May tiwala ka ba sa akin Kairo?
Pinagkakatiwalaan kita Akia.
Kung ganon, dadalhin kita sa lugar na makapamumuhay ka ng mabuti na hindi ka hinahabol ng masasamang budhi ng nilalang.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
Jun ♡ eiramslove
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...