The Vengeful Past 6

53 3 0
                                    

CHAPTER VI: Death of the Stars

Sa kanilang paglalakbay patungo sa kinaroroonan ng pangkat ng Pulang Buwan ay dinaanan nila ang isang malawak na kakahuyan, at ang kakahuyang iyon ay kilala bilang kakahuyan ng gabi, tinawag na ganoon ang kakahuyang iyon dahil sa taas ng mga puno at lago ng mga dahon nito ay wala nang liwanag ng araw ang pumapasok rito, kilala din ang kakahuyang iyon bilang isang mapanganib na kakahuyan dahil sa mababangis na nilalang na naninirahan dito kaya naman bago pa lamang sila pumasok rito ay nagbigay na ng babala si Hathos at agad din niyang inilapit sa kanya si Xeneon upang masiguro na ligtas ito.

Sa loob ng kakahuyan ng gabi ay patuloy sila sa kanilang paglalakad, gamit ang salamangka ni Ravi ay nakalikha ito ng isang tila bola ng kulay lilang liwanag na siyang magtuturo sa kanila ng tamang direksiyon papalabas ng malawak na kakahuyang iyon, sa kanilang pagpapatuloy sa paglalakad sa loob ng kakahuyan ay mas dumidilim na din na tila ba sumapit na ang gabi kahit na sa labas ng gubat ay maliwanag pa, nakakarinig na din silang ng mga ingay mula sa mga nilalang na naninirahan doon kaya naman mas tinaasan nila ang kanilang pagiging alerto.

"Masiyado nang dumidilim mahihirapan tayo na magpatuloy kung ganito." Ang sabi ni Lorelei.

"Sa tingin ko ay tama ka Lorelei." Ang sabi ni Wicker at kasabay noon ay nagpalabas siya ng apoy sa kanyang kanang kamay at ito ay nagsilbing sulo ng grupo na siya ding nagbigay ng kaunting liwanag sa kanila.

"Sa tingin ko ay may maitutulong din ako para makapagbigay ng liwanag sa atin." Ang sabi ni Xeneon, "bulbim globa lumina!" ang sabi ni Xeneon at mula sa kawalan ay isang lumulutang sa hangin na bulaklak na hugis globo ang lumabas at naglalabas ito ng kulay luntian na liwanag na siyang mas nagdagdag liwanag upang mas makita nila ang kanilang paligid at dinaraanan.

"Mabuti na lang pala at sumama ka talaga sa amin." Ang sabi ni Nimbus na masayang naging mas maliwanag na ang kanilang dinaraanan.

"Isang karangalan na makasama kayo na maglakbay at makatulong sa inyo sa abot ng aking makakaya." Ang sabi naman ni Xeneon bilang tugon.

"Mabuti pa wag na tayong mag-aksaya ng oras sa pag-uusap dito dahil hindi ito ang tamang lugar para diyan, magpatuloy na tayo." Ang sabi ni Ravi na may inis pa ding nararamdaman kay Xeneon.

"Tama si Ravi mabuti pa ay magpatuloy na tayo, hindi din ako mapalagay sa kakahuyan na ito kahit na ilang beses na din tayo nakadaan dito noong mga panahon na naglalakbay tayo." Ang sabi ni Garette bilang pagsang-ayon kay Ravi, at dahil doon ay nagpatuloy na nga sila sa kanilang paglakad, muli ay tahimik silang naglakad at pinakiramdaman ang kanilang paligid.

Sa kanilang patuloy na paglalakad sa loob ng kakahuyan ng gabi, ay nakaramdam si Nimbus na kakaiba sa hangin na para bang balisa ito at may kakaibang lamig, bilang isang Clotona ay hindi na mahirap kay Nimbus na pakiramdaman ang palig sa pamamgitan ng sirkulasyon ng hangin kaya naman noong maramdaman niya na tila kakaiba ang sirkulasyon ng hangin sa kakahuyang iyon ay napahinto siya sa kanyang paglalakad na napansin naman ng kanyang mga kasama dahilan para mapahinto din sila.

"Nimbus bakit ka huminto? May problema ba?" ang tanong ni Garette na nasa likuran niya.

"Hindi niyo ba nararamdaman ang nararamdaman kong kakaiba?" ang sabi ni Nimbus bilang tanong sa mga kasama niya.

"Nararamdaman? Ano bang sinasabi mo Nimbus, mas makakabuti kung magpapatuloy tayo sa paglakad para makalabas na tayo rito." Ang sabi naman ni Hathos.

"Hindi Hathos, hindi tayo pwedeng tumuloy sa paglalakad." Ang sabi ni Nimbus at napayakap siya sa kanyang sarili dahil tila nanunuot na ang lamig sa kanyang katawan, at nakita nila ang takot sa ekspresyon nito.

"Ano bang sinasabi mo Nimbus, ano bang nangyayari sayo? Kung hindi pa tayo magpapatuloy ay maaaring mapahamak na talaga tayo dito, alam mo namang hindi basta basta ang kakahuyang kinaroroonan natin ngayon." Ang sabi ni Ravi na tila naiinis sa inaasal na iyon ni Nimbus.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon