Chapter 1: Secret of the Dawn..............
"Ama,ano po ang ginagawa nila?" Tanong ng isang siyam na taong gulang na bata sa kanyang ama habang sila ay namamasyal sa pagawaan ng mga armas ng kanilang angkan.
"Gumagawa sila ng mga armas anak,gamit ang dalawang mineral na natatagpuan sa ating teretoryo." Sagot ng ama sa kanyang anak.
Ang dalawang mineral na ito ay ang Lead at Iron. Ayun sa pagsusuri ng mga sayantipiko ng kanilang angkan, nakakagawa sila ng ginto kapag napagsama ang mga ito. Ang mga gumagawa ay ang mga Alchemists na Lycan. Sila ay may malaking kaalaman sa syensya at dahil na rin sa mabusisi nilang pag-iimbestiga sa mga likas na yaman ng Chromia.
Dahil hindi sanay ang mga Fianna sa labanan, napag-isip ng kanilang Alpha na dapat may proteksyon sila o pwedeng gamitin sa oras ng labanan. Dahil sa kanilang talino, nakakagawa sila ng isang malakas na armas o mga kagamitang pwede nilang gamitin sa oras ng kagipitan at ito ay tinatawag nilang Renkin. Ang mga Renkin ay ang mga sandatang gawa sa dalawang mineral na hinaluan pa ng mahika upang maging mas matibay ito sa oras ng labanan.
"Pero ama, hindi na natin magagamit yan mga yan. Maayos naman ang ating relasyon sa iba pang lahi, 'di po ba?" Sambit ng bata sa kanyang ama.
"Alam mo anak, sa bawat segundo ay may nagbabago. Sabihin na nating maganda ang relasyon natin ngayon sa ibang lahi pero paano na lamang kapag nagbago ang kanilang pag-iisip at bigla nila tayong sugurin?" Nakikinig lamang ang bata sa paliwanag ng kanyang ama.
"Naninigurado lamang tayo anak sa pwedeng mangyari sa susunod pang panahon." Pagtatapos ng kanyang ama. Napatango na lamang ang bata sa paliwanag ng kanyang ama.
Nagsimula na muli silang maglakad. Ipinapasyal ng Alpha ng mga Fianna ang kanyang nag-iisang anak upang maging handa ito kapag siya na ang uupo bilang Alpha. Alam niyang malaking responsibilidad ang ibibigay niya sa kanyang anak ngunit wala na siyang magagawa kundi ang sanayin ito, pangaralan sa mga bagay-bagay sa kanilang angkan at sa pakikidigma.
Matapos nilang mapasyal lahat at maituro ng Alpha ang pwedeng matutunan ng anak, nagpasya ang Alpha na dalhin ang kanyang anak sa pinakasagradong lugar ng kanilng teretoryo. Ito ay ang kinalalagyan ng Elixer ng buhay.
"Ama, ang ganda ng kulay at anyo ng bagay na yan. Ano po ang tawag diyan?" Manghang tanong ng bata sa kanyang ama. Ngumiti lamang ang Alpha sa kanyang anak at ipinaliwanag kung gaano kahalaga ang bagay na yun.
Ang Elixer ng buhay ay ang pinakapuso ng kanilang lahi. Ito ay nagawa pa noong panahon pa ng pinakaunang Alpha na namuno sa kanilang angkan. Ang Elixer ng buhay ay may kakayahang magbigay ng kakaibang lakas kung sino mang Lycan na makahawak nito. Bukod sa lakas, meron ding kakayan ito na pagalingin na kahit gaano pa kalalang sugat pero ang pinakamahalaga ay ito ay nagbibigay Ito ng buhay sa isang patak lamang ng langis nasa loob nito. Pero hindi lang yan ang kakayahan ng Elixer ng buhay dahil kaya niya ring gawin immortal kung sino man ang iinum ng lahat ng langis na nakapaloob dito.
"Ang galing ama, pwede ba akong uminom niyan para maging imortal ako at magkaroon ng buhay na walang hanggan?" Sabi ng kanyang anak sa kanyang ama. Napailing na lamang ang Alpha sa gusto ng anak.
"Hindi maari anak. Ang buhay na walang hanggan o pagiging imortal ay may kaakibat na malaking kabayaran. Ang pagiging imortal ay magbibigay sayo ng lungkot at hinagpis." Sagot ng Alpha sa kanyang anak.
"Paano po magiging ganun,ama? 'Di ba kapag imortal ka ay magiging masaya ka dahil hindi ka na mamatay?"
"Lahat ng bagay sa ating mundo ay may katapusan,anak. Huwag mong hangarin na magkaroon ng buhay na walang hanggan dahil siguradong hindi mo magugustuhan. Gusto mo ba na makita yung mga magiging anak mo, apo mo o sa mga henerasyon ng ating pamilya na unang mamatay kaysa sayo? Malungkot at masakit yun,anak. Gusto mo bang darating ang panahon na mag-isa ka na lamang nabubuhay dito sa mundo?" Dahil sa sinabi ng Alpha sa kanyang anak ay napag-isip ng bata na walang importansya ang magkaroon ng buhay na walang hanggan kung yun ang mga magiging kapalit kaya umiling na lamang ang bata sa kanyang ama.
Pabalik na ang mag-ama sa kanilang kaharian pero maybtanong na naiwan sa bata.
Bakit pa nagawa ang Elixer ng buhay kung ganun pala ang magiging bunga nito?
Ano pa ang halaga nito kung hindi rin namang magagamit?
Dumaan pa ang mga taon at nasa wastong edad na ang anak ng Alpha ng Fianna. naging maayos ang kaharian ng Fianna. Matiwasay silang nabubuhay. Walang gulo o kahit na ano pa. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, bilang bumisita ang Alpha ng mga Ukteta.
Maraming kasamang mandirigma ang Alpha ng Uktera na nagpunta sa kaharian ng Fianna kasama pa niya ang anak niyang si Viktor. Nagulat man ang Alpha ng Fianna sa biglaang pagbisita nito pero wala na siyang magawa pa kundi ang harapin ito.
"Ano ang maipaglilingkod ko sayo,Argos?" Tanong ng Alpha ng Fianna sa Alpha ng Ukteta.
"Nais sana kitang makausap ng pribado, Lycous." Pahintulot ng Alpha ng Uktera. Agad namang pinagbigyan ni Lycous ang hilin ni Argos. Pinaalis niya ang mga mangdirigma ng Fianna sa bulwagan atbpati na rin ang mga mandirigma ng Uktera. Tanging si Argos at Lycous na lamang ang natira dahil ang kanyang anak na si Viktor ay sinamahan ng isang tagasilbi sa isang kwarto ng kaharian.
"Ano ang nais mo at bigla kang napasyal dito sa aming kaharian, Argos?" Agad na tanong ni Lycous sa kanya.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa,Lycous. Maari mo bang ipahiram sa amin ang Elixer ng buhay? Sa nakaraang linggo ay nanganganib ang aming lahi dahil sa pagkakaroon ng isang malakas na epidemya sa aming kaharian. Marami na ang nagkakasakit at namamatay at patuloy pa rin ang paglaganap nito. Ang aming mga manggamot ay walang magawa sa kumakalat at alam naming kayo lamang ang makakatulong sa amin." Pahayag ng Alpha ng Ukteta na si Argos. Napaisip si Lycous sa sinabi ni Argos at nagkaroon siya ng isang desisyon.
"Maari kitang bigyan ng kaunting patak ng Elixer na buhay Argos,ngunit hindi ko ibibigay sa inyo ang buo nito." Sagot ni Lycous sa kanya.
Wala ng magagawa pa si Argos kundi ang pumayag sa sinabi ni Lycous. Kung magpapatuloy ang epidemya sa kanilang lugar ay siguradong mawawala ang kanilang lahi kaya kahit na ano ang maibigay ng Fianna sa kanila ay tatanggapin nila.
Umalis ang mga Uktera sa kahariaan ng mga Fianna dala ang kaunting patak ng Elixer ng buhay upang gamutin ang mga lahi nilang natamaan ng sakit. Ginamit ng Uktera ang Elixer ng buhay sa mga lahi nilang natamaan nito at nagtagumpay nga. Nawala ang sakit nila ngunit kulang ang ibinigay ng mga Fianna dahil marami pa rin ang apektado sa kanilang lahi.
Muling bumalik ang mga Uktera sa kahariaan ng Fianna para muling humingi ng Elixer ng buhay ngunit hindi na nila ito pinagbigayan.
Tumama na rin kasi ang epidemya sa kaharian ng Fianna at marami na rin ang may kailang nito. Nagkasagutan ang dalawang Alpha dahil sa pagtanggi ni Lycous na muling bigyan ang mga Uktera.
"Kakaunti na lamang ang langis sa Elixer ng buhay. Maraming mga Fianna ang may kailangan nito ngayon." Sabi ni Lycous kay Argos.
"Hindi ba dumadami naman ang langis nito?" Tanong ni Argos kay Lycous.
"Dumarami nga pero bibilang tayo ng maraming taon para lamang mapuno ulit iyon. Kaya pasensya na Argos, wala na akong maiibigay pa sayo."
Umalis ang mga Uktera na may galit sa mukha. Hindi nila matanggap na hindi sila pinagbigyan ng Alpha ng Fianna.
Pagdating ni Argos sa kanilang kaharian, pinulong niya ang mga mandirigma ng Ukteta. Napagdesisyonan niyang nakawin ang Elixer ng buhay sa kaharian ng Fianna. Wala siya pakialam kung maraming mamatay sa lahi ng Fianna dahil ang mahalaga sa kanya ay ang kanilang lahi na Ukteta.
Dalawang gabi naghanda ang mga Uktera para sa paglusob. Sa kabilugan ng buwan kung saan malakas ang kanilang kapangyarian, lumusob ang mga Ukteta sa Fianna.
"Alpha! Ang mga Ukteta lumulusob!" Sigaw ng isang mandirigma sa Alpha ng Fianna. Agad na napatayo ito at inutos na maghanda. Lahat ng Renkin ay kuhanin para gamitin sa pakikidigma na agad namang sinunod lahat ng mandirigma ng Fianna.
Dumating ang mga Ukteta sa kaharian ng Fianna.
Sabay sabay nag-iba ang anyo ng mga Uktera. Naging mas malaki sila, napalibutan ang kanilang katawan ng maitim na balahibo at ang matutulis na kuko at pangil nila ay naglabasan. Nagbagong-anyo na rin ang mga Fianna ngunit hindi kasing bagsik ng mga Uktera. Lumabas ang puting balahibi nola. Ang kanilang mga kuko at pangil ay lumabas din ngunit hindi kasing tulis at laki sa mga Uktera.
Inilabas ng mga Fianna ang kanilang mga Renkin. Isang pindot lamang nila ay biglang nag-iba ang anyo ng Renkin. Kung sa una ay isa lamang simpleng polygon na may walong sulok, ngayon ay nagkorte na bilang mga sandata. May mga espada, palakol, at ang pinakamarami ay pana.
Naging madugo ang labanan ng dalawang lahi. Wala ni kahit sino sa kanila ang susuko pero lamang pa rin ang mga Uktera sa mga Fianna. Dahil pagdating sa labanan, ang mga Uktera ang sanay dito.
Nakapasok ang mga Uktera sa kaharian ng Fianna at nagtungo sa Alpha na si Lycous. Napatayo si Lycous nang makita niya ang mga malilisik na mata ng mga Uktera. May kulay dugo ang kanilang mga mata at ang kanilang bibig ay naglalabas ng maraming laway.
"Hindi niyo makukuha ang Elixer ng buhay!" Sigaw ni Lycous sa kanila. Nagpalit na rin ng anyo si Lycous. Gaya ng ibang mga Fianna, kulay puti rin ang kanyang balahibo at hindi kasing laki ng mga Uktera ngunit ang mata ng Alpha ay kakaiba. May mata ito na aasing asul ng karagatan.
Naglabas ng Renkin si Lycous at naging isang malaking sibat ito na umaapoy. Sumugod si Lycous sa mga Uktera. Ilang sa mga ito ay napabagsak niya ngunit nahuli siya ng dalawang Uktera. Inangat nila ito paitaas.
Nabitawan ni Lycous ang kanyang Renkin at may isa pang Uktera ang lumapit sa kanya at agad na dinakma ang kanyang leeg at ingat pataas, ito ay ang Alpha ng Uktera na si Argos.
"Ar..Argos."Nahihirapang pagsambit ng Lycous sa pangalan niya.
"Hindi ako papayag na ang lahi namin ang mawala,Lycous kaya pasensyahan na lang!" Sambit ni Argos sa kanya sabay dukot sa kanyang tiyan.
Muling bumalik ang anyong tao ni Lycous na may butas na ang tiyan. Namilipit sa sakit si Lycous dahil sa matinding sugat na kanyang natamo.
Umalis na ang mga Uktera upang hanapin kung nasaan ang Elixer ng buhay na agad naman nilang nakita sa sagradong lugar. Nang makuha nila ang Elixer ng buhay ay umalis na ang mga buhay pang mga Uktera. Halos kalahati rin ang nawala sa lahi ng Ukteta sa labanan pero ang lahi ng Fianna ay halos wala na.
Sa isang kwarto ng kaharian ng Fianna, nagising ang isang binata. Wala siyang alam sa lahat ng nangyari sa kaharian nila dahil sa panahon yun ay nataman siya ng epidemya at nagpapagaling pa lamang matapos malapatan ng lunas. Mahinang lumabas ang binata sa kanyang kwarto. Sa paglabas niya, laking gulat niya ng makita niya ang kanyang mga lahi na wala nang buhay. Gumalaw ang binata para hanapin ang kanyang ama at nadatnan niya itong nakahandusay sa lapag. Tumakbo ang binata patungo sa kanyang ama.
"Ama!ama!!" Pagsigaw ng binata sa kanyang ama. Dahang dahang iminulat ng Alpha ang kanyang mga mata at nakita niya ang kanyang anak na lumuluha.
" Laxius,anak." Pagtawag ng Alpha sa kanyang anak na patuloy pa rin sa pagluha.
Kahit na nahihirapan, iginalaw ng Alpha ang kanyang kamay at isinuksok sa kanyang bulsa. Inilabas niya ang kulay lilang krystal at ibinigay ito sa kanyang anak.
"Kunin mo itong huling Elixer ng buhay na pinagawa ko simula noong umupo ako bilang Alpha. May isang patak lamang yan, anak." Nahihirapang sambit ng Alpha sa kanyang anak.
"Huwag ka na muna magsalita,ama. Gagamitin natin ito para gumaling ka." Naluluhang sabi ng anak sa ama pero pinigilan siya nito.
"Huwag na anak. Gamitin mo yan para sa susunod pa nating lahi. Alam kong mahirap pero ikaw na lamang ang pag-asa na ating lahi." Pagtanggi ng Alpha sa kanyang anak.
"Kunin mo ang mga Renkin sa gilid ng aking trona. May dalawang Renkin doon. Ang isa ay Renkin ng teleportasyon at ang isa ay sandata. Gamitin mo yun para sa ating lahi." Utos pa niya pa sa anak.
Pagkatapos mabigkas lahat ng Alpha ang lahat, pumikit na ang kanyang mga mata at nalagutan na siya ng hininga.
"Ama! Ama!!" Umiiyak na sigaw ng kanyang anak sa nakahandusay ng ama.
Dahil sa lakas ng kanyang sigaw, narinig siya ng mga Uktera na hindi pa nakakalayo sa kaharian. Bumalik sila dito para patayin pa ang natitirang Fianna.
Dahil sa bilis ng kilos ng mga Uktera, agad nilang narating ito. Gulat na gulat ang binatang anak ng Alpha dahil sa paglitaw ng mga Uktera. Napaatras siya dahil sa takot. Unti unti namang lumalapit ang tatlong Uktera sa binata.
Nang masagi niya ang trono ng kanyang ama, nakita niya ang dalawang Renkin sa gilid nito. Agad niya itong kinuha at nagpalit-anyo bilang taong-lobo.
Alam niyang wala siyang binatbat sa mga ito kaya mabilis siyang kumilos at tumakbo. Sinundan siya ng talong Uktera para patayin.
Dumaan ang binata sa likod at pumasok sa kagubatan. Kahit na mabilis ang mga Uktera, hindi hinayahan ng binata na maabutan siya ng mga ito. Nakakita siya ng pwedeng mataguan. Isang maliit lamang na kweba ito. Nagkulong siya dito at pinigal ang paghinga. Matatalas din ang pandinig ng mga Ukteta kaya kahit na ang paghinga ay naririnig nila.
Halos mawalan na siya ng hangin bago lumisan ang tatlong Uktera. Nakahinga siya ng matiwasay at muling nanumbalik ang pagkamatay ng kanyang ama.
"Ipaghihiganti ko ang pagkamatay mo ama! Ipaghihiganti ko ang ating lahi! Magbabayad sila ng malaki sa kinuha nila sa atin!" Mga katagang isinaulo ng binata.
Dalawang linggo ang nakalipas matapos ang labanan. Naging palaboy ang binata sa kanilang teretoryo. Pinasyalan niya ang ilang mga tribo ng Fianna pero wala siyang makita na buhay. Galit at puot ang nararamdaman niya! Wala ng natira kahit ano sa kanya. Ang kanyang ama, ang kanyang mga kalahi! Pakiramdam niya ay mag-isa na lamang siya.
Sa hindi inaasahan, may mga Ukterang nagreresponde sa lugar at nakita nila ito. Agad na nagpalit anyo ang mga Uktera na nagpalingon sa binata dahil sa kanilang mga ungol. Nagsimula na namang matakot muli ang binata at umatras. Muling siyang tumakbo ng mabilis upang takasan ang mga ito pero naabutan nila ito at nasungaban ng pag-atake.
Bumagsak ang binata sa lupa habang ang mga Uktera ay lumalapit sa kanya. Naaalala ng Binata ang Renkin na sinabi ng kanyang ama. Inilabas niya ito at humarap sa mga Uktera. Sa pagharap niya, pinindot niya ito at lumabas ang isang sandata na sibat. Ginamit niya ito upang kalabanin ang mga Uktera at napatay nga niya ang ilan sa mga ito pero hindi pa rin yun sapat.
Muli siyang tumakbo upang takasan ang mga Ukteta. Inabot na sila ng gabi sa pagtakbo hanggang sa maalala niya ang Renkin ng Teleportasyon. Pinindot niya ito at agad na may lumabas na lagusan. Hindi na siya nagdalawang isip pa at pumasok siya dito. Sa pagpasok niya, hindi niya alam kung saan siya pupunta.
Bumagsak ang isang hinata sa isang lupa. Dahil sa pagod at sa kanyang mga sugat, hindi na niya nagawa pang imulat ang kanyang mga mata at sa pagpikit ng kanyang mata, ang kanyang ama ang hinahanap niya.
.............
"Ama!"
"Ama!!"
"Teka lang,mama! Gising na siya!" Sigaw ng isang binata.
Agad naman may pumasok na isang babae sa kwarto at nagtungo sa sugatang nilalang.
"Anak, kumuha ka ng tubig na maiinom." Utos ng babae sa kanyang anak na agad naman niyang sinunod.
Lumabas ang binate sa kwarto at kumuha ng tubig.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Ok ka na ba?" Tanong ng babae sa nilalang. Pinagmasdan laman ng nilalang ang anuo ng babae.
"Huwag kang matakot, nasa bahay ka namin." Sabi ng babae sa kanya.
"Nasaan ako? Sino kayo?" Tanong ng nilalang sa babae.
"Nasa mundo ka namin, sa mundo ng mga tao. Alam kong kakaiba. Alam kong galing ka sa isla ng Chromia dahil sa mga Renkin na dala mo, alam kong isa kang Lycan at isa ka sa lahing Fianna!"
Natulala ang nilalang sa sinabi ng babae.
Paano niya nalaman ang tungkol sa Chromia?
Bakit niya alam na isa siyang Lycan at ang lahi at angkan nitong Fianna?
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...