Larynx, The Somnium

36 3 0
                                    


KABANATA ANIM

"Ano bang ginagawa na'tin dito? Tirik na tirik ang araw e."

Sabado ng hapon, a las dos ng hapon eksakto. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinatawag gayong wala namang pasok.

Nakaupo siya sa duyan na gulong na nakasabit naman sa malaki at matayog na puno.

"Hoy! Ano ba? Ang init-init e. Ano bang gagawin na'tin?" Sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa isang puno na para bang may ginto roon.

Tumingin siya sa'kin saka siya ngumiti. Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin saka hinawakan ang kamay ko. "May pupuntahan tayo."

Naguluhan ako sa sinabi niya, hindi ko alam ang gagawin ko ngunit hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay habang magkakayakap ang aming daliri sa bawat isa.

"S-saan naman?" Kinakabahan kong tanong. Hindi ko alam ang gagawin ko, para bang naging sunod-sunuran ako sa kanya. Ang tagal niyang nakatitig sa puno samantalang ako, hindi ko alam kung anong meron 'dun o sadyang maykakaiba ba. Hindi ko alam, para kaming mga gago na nakatingin lang 'dun habang sinasampay ng hangin ang aming mga maiikling buhok. Tiningnan ko siya, nakatingin lang ako sa mata niya na 'tila kinakausap ang puno't mga halaman. Wala akong maintindihan, isa akong bobo sa mga nangyayari. Wala namang kakaiba, pero bakit kakaiba ang nararamdaman ko? Ano bang pakulo 'to?

Nagulat ako ng biglang kumidlat ng malakas, humangin ng pagkalakas-lakas. Tinatangay ang mga puno sabay buhos rin ng malakas na ulan. May bagyo.

Sobrang lakas ng hangin na anumang oras ay maari na kaming tangayin ngunit nanatili lang kaming nakatayo. "JC! Tara na! Ang lakas ng bagyo!"

Hinawakan ko 'yung kamay niya ng pagkahigpit-higpit at hinila para sabay kaming tumakbo ngunit hindi siya natinag. May isang malaking ipo-ipo sa 'di kalayuan na kumakain ng mga bahay na papunta sa'min. Kinakabahan ako, buong-buo ang aking pawis na siya namang nababasa ng ulan. Ano bang nangyayari?

Nagdilim ang buong paligid, ang sakit sa mata ng liwanag na nangagaling sa 'di kalayuan. Bakit walang mga tao?

Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti kasabay ng paghiwa ng puno. Literal na lumaki ang mata ko ng makita ko 'tong nahati sa dalawa habang naglalabas ng mga taong paru-paro na paikot-ikot. Kakaiba ang mga tao mula sa ibaba. Ito 'yun. Ito 'yung kinwento ni Dad sa'kin. Ang kaisa-isahang fairytale na nag-eexist.

Hinawakan niya ako sa kamay tapos nginitian. "Gusto ko makita si Tito, samahan mo ko."

Hindi ako nakapayag, hindi ko nasabing "Oo" hindi ako nakatango. Ang huli ko na lang natandaan, naglakad kami papalapit saka ang paghari ng liwanag sa aking mata.

Kinain kami ng liwanag.

~*~

Dalawang buwan ang lumipas.

Sa isang pitik ng kamay ng orasan, gano'n na lamang ang bilis ng mga pangyayari. Gano'n na lamang kabilis ang mga pangyayaring kahit hindi ko gusto, patuloy paring tumatakbo. 'Tila isang gulong sa bisekleta na para manatiling balanse, kailangan mong ipadyak and pedalan para tumakbo.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko, hindi ko rin gusto. Alam kong mali, pero pinagpapatuloy ko. Ano bang nangyayari? O dapat bang tanong; bakit ganito ba ang nangyayari? Hindi ko alam. Wala akong alam. Alam kong masaya ako pero ang dami kong tanong sa aking isipan. Bakit ganito? Ano ba talaga ang nangyayari? Ito ba ang dapat? Tama ba 'to? Siguro, pero hindi. Hindi ko alam ang gagawin ko, wala akong alam gawin kundi magbuntong hininga at isaliw sa hangin ang aking mga tanong, ang aking magugulong kaisipan. Ako ba ang biktima? O ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyayari? Gusto ko ng tumakas, sa mundo ng pantasiya at bumalik na lamang sa reyalidad.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon