The Dark Eyed Rebel 3

35 3 0
                                    

♡♥♡

Nagpakilala ang lalakeng sumakal kay Earth at ipinaliwanag niya kung paano naging prinsipe si Earth Sebastian. Si Heros ay isang dark eyed person na taga kapitolyo na ipinatapon ni Haring Efraim dahil nahuli ng hari ang totoo niyang pagkatao. Nagulat at 'di makapaniwala si Earth sa kanyang mga nalaman kay Heros kaya naman hindi niya maiwasang ilabas ang galit kasabay nang pag dilim ng kanyang mga mata, nag dilim ang kalangitan at yinanig ang buong Chromia nang mga kulog at kidlat na nanggling sa kalangitan. Nagalit siya sa kaharian dahil nalaman niyang pinatay ng dating hari ang kanyang ina na si reyna Elenor.

Naghahanda na ang buong kapitolyo at kaharian para sa dadausing Maharlika festival kinabukasan. Lahat ay nagulat nang biglang nag dilim ang kalangitan at yinanig ng mga kulog at kidlat ang isla Chromia, kaya naman pinaimbestigahan agad ni haring Efraim kung saan nanggaling ang malakas na kapangyarihan na iyon.

"Imbestigahan ninyo ang kung sino ang nagpakawala ng kapangyarihang iyon!" Sigaw ko sa aking mga heneral na magagaling at magigiting.

"Ama ako'y natatakot sa maaring mangyari sa atin." Wika ng anak ko na si prinsipe Henna. Siya kaisa-isa kong anak at ipapakasal ko siya sa Diyos ng hangin at mga bituin upang siya ang maging pinaka makapangyarihang tao sa Chromia.

"Wag kang mag-alala anak nalalapit na ang kasal mo sa Diyos ng hangin at mga bituin." Yinakap ko siya upang ipahatid ang pagmamahal ko sa kanya.

"Mahal na hari!" Tawag sa akin ng isa sa mga heneral ko, mukhang mayroon na siyang balita tungkol sa nangyari.

"Ano iyon heneral? May balita ka na ba?" Untag ko.

"Opo mahal na hari." Tugon niya at ikinampay niya sa hangin ang kanyang hawak na tungkod saka lumabas ang isang hitsura ng isang lalake. "Siya po ang nagpakawala kanina ng malakas na kapangyarihan mahal na hari." Malaki ang kanyang pangangatawan, may maikli at puting buhok, matangos ang ilong, isa siyang dark eyed person. Tang ina. Siya ang gustong asawahin ng aking ama noon dahil nagtataglay siya ng malakas na kapangyarihan, sa oras na makipag talik si ama sa kanya ay maisasalin kay ama ang lahat ng kapangyarihan na nasa kanya ngunit nabigo si ama dahil namatay siya dahil sa sobrang kaswapangan sa kapangyarihan.

"Ihanda ang isanlibong kawal at mga mamamayan na may kakayahan na kontrolin ang lupa. Lulusubin natin ang District Zero bukas!" Utos ko.

"Ngunit mahal na hari ipagdidiwang natin ang kapistahan ng mga maharlika." Tugon ng heneral.

"Wala akong pakialam... gusto ko ubusin ang lahi ng mga pesteng iyan!"

Nagulat ang mga taga District Zero maging si Heros, sa ipinakitang kapangyarihan ni Earth Sebastian...

"I-ikaw na ang sugo ng Diyos! Ikaw na ang magliligtas sa amin!" Sigaw ng pinuno nila. Hindi ko alam, pero sa tuwing nagagalit ako ay nararamdaman ko ang ganitong lakas nang kapangyarihan, ito ba talaga ang kapangyarihan naming mga dark eyed people?

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" Takhang tanong ko.

"Isa kang dark eyed person. Ang bawat dark eyed person ay nagtataglay ng isa hanggang tatlong kapangyarihan at ikaw..." Tumigil siya sa palakad-lakad at tumingin ng diretso sa akin. "Espesyal ka, nararamdaman ko na may lima kang kapangyarihan at... ibang-iba talaga sa ibang dark eyed person na tulad mo."

"Ngunit dalawa pa lang ho ang aking natutuklasan na kapangyarihan." Lumuhod ako sa matanda sa harap ng mga tao. "Turuan niyo po ako kung paano ilalabas ang mga kapangyarihan ko, gusto kong pabagsakin ang kaharian! Bibigyan ko nang hustisya ang pagkamatay ng aking mga magulang!"

Hindi nagdalawang isip ang matanda na turuan si Earth na palabasin ang kanyang kapangyarihan dahil magagamit niya ang binata sa pag lusob sa kaharian. Habang nag eensayo si Earth Sebastian ay naisip niya ang kanyang iniibig na si prinsipe Henna, paano kung madamay sa galit niya ang prinsipe? na kanyang mahal.

♡♥♡

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon