CHAPTER I: The Existence
"Lola Kada, sige na po pakiusap, inyo po muling ikuwento sa akin ang alamat ng isla nating ito, gusto ko po muli marinig kung paano tinalo ng magkakasama ng lahat ng lahi ang lahi ng Luneria at Chronoa." Ang sabi ng isang batang lalaki na Elpa bilang pangngulit sa isang matandang Elpa na noon ay nakaupo sa isang silya at natutuwang pinakikinggan ang pangungulit sa kanya ng batang Elpa.
"Chipaka, narito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap ng iyong ina." Ang sabi ng isang lalaking Elpa na may kakisigan at matipunong pangangatawan nang pumasok ito sa kubol na kinaroroonan ng batang Elpa na tinawag niyang Chipaka at ng matandang Elpa na tinawag naman ng batang lola Kada.
"Uhm, eh papa gusto ko pa madinig na ikwento ni lola Kada ulit ang kwento ng islang ito." Ang nakangusong sabi ni Chipaka, at sabay tingin sa matandang nakangiti pa din.
"Ikaw talaga Chipaka, huwag mo nang kulitin si lola Kada, magiging abala siya ngayong araw na ito dahil may pagpupulong na gaganapin ang konseho ng lahi, kaya halika na sumama ka nang umuwi sa akin." Ang sabi naman ng ama ni Chipaka.
"Ganon po ba, nakakalungkot naman, akala ko ay madidinig ko muli ang kwento niyo." Ang sabi ni Chipaka na tila nalungkot, at napayuko ito habang hawak pa din ang laylayan ng mahabang manggas ng kasuotan ni lola Kada. Napatingin si Chipaka sa matanda nang maramdaman nito na ipinatong ng matandang Elpa ang kamay nito sa kanyang ulo, nakita nito ang nakangiting matanda at ang kulay luntian at tsokolateng mata nito na halos itago na ng mga mata nitong nagsasara na dahil sa katandaan.
"Chipaka, Chipaka, wag ka nang malungkot apo." Ang malumanay na sabi ni lola Kada, "huwag kang mag-alala pagkatapos ng pagpupulong ng konseho ng lahi ako'y bibisita sa inyo at aking ikukuwento muli sa iyo ang alamat ng islang ito." Ang dagdag na sabi ni lola Kada at nang madinig iyon ni Chipaka ay nagliwanag ang mukha nito, kuminang din sa tuwa ang mga mata nito na kulay luntian at asul, at pagkatapos ay mabilis na humalik sa pisngi ng matanda at nagmamadaling tumakbo palabas ng kubol na iyon si Chipaka.
"Pinunong Kada pagpasensiyahan niyo na po ang aking anak na si Chipaka masiyado lang po talagang makulit iyon." Ang sabi ng ama ni Chipaka na naiwan sa loob ng kubol.
"Sycamora wala kang dapat na ipag-alala tungkol doon, masaya ako na makasama ang iyong anak at magkuwento sa kanya, sa lahat ng Elpa na nabibilang sa ating lahi ng mga Forestinas ay siya na lamang ang batang Elpa na walang sawa na bumibisita sa akin." Ang nakangiting sabi ni lola Kada na siya din palang pinuno ng kanilang lahi.
"Kung ganoon po ay nagagalak po ako na malaman na masaya kayong makasama ang aming anak pinunong Kada, paano po pinuno ako po'y magpapaalam na upang sundan ang aking anak, baka hindi na naman dumiretso iyon sa aming tahanan." Ang sabi ni Sycamora.
"Sige na Sycamora sundan mo na ang iyong anak, ako rin ay maghahanda na para sa pagpupulong ng konseho." Ang sabi ni lola Kada, yumuko si Sycamora upang magpaalam sa matandang pinuno at pagkatapos ay agad na ding lumabas ng kubol na iyon.
Nang makaalis si Sycamora ay tumayo sa kanyang pagkakaupo si lola Kada at mabagal na lumakad palabas sa kanyang kubol, nang makalabas ang matandang Elpa ay tiningala niya ang asul na kalangitan, tahimik niya itong pinagmasdan at dinama ang malumanay na hanging umihip, "ang asul na langit ay malapit na muling maging pula." Ang bulong ng matandang Elpa at kasunod ay napabuntong hininga ito at mabagal nang lumakad patungo sa direksiyon ng paggaganapan ng pagpupulong ng konseho ng lahi.
"Hi-hi-hi, akala siguro ni ama ay umuwi na ako sa amin, hindi niya alam na nandito ako sa kakahuyan, kukuha ako ng matatamis na seresa para ibigay kay ina." Ang sabi ni Chipaka na masayang naglalakad sa loob ng kakahuyan.
Nagpatuloy sa kanyang paglalakad na minsan ay patalon talon pa si Chipaka habang masayang kumakanta ng awiting pambata ng mga Forestina, ang mga Forestina na tulad ni Chipaka ay mga Elpa ng kagubatan na ang kapangyarihan ay manipulahin o kontrolin ang mga puno at halaman pero ang antas ng kakayahan ng isang Forestina ay nakabatay sa edad nito, dahil bata pa lamang si Chipaka sa antas ng kanyang kapangyarihan ay ang pagpapalabas lamang ng mga simpleng bulaklak at maliliit na halamang gamot ang kanyang maaaring magawa.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...