Larynx, the Somniun

32 4 0
                                    

KABANATA APAT

"Hindi ka ba kakain?" Tanong sa'kin ng kuya ko ng makita niya akong hindi man lang nagaalaw ang pagkaing nasa hapag. "Paborito mo ang Giniling hindi ba?" Dagdag na tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung anong dahilan ng pagkaumay ko sa lahat ng pagkain, hindi ko alam kung anong meron sa lalamunan ko at gusto ko palagi ng maasim.

"Gusto ko ng Mangga Kuya." Sabi ko. Muli niya akong tiningnan ng pagkalito-lito saka sinapo ang aking noo. "Ilang linggo ka ng nahihilig sa Maasim. Madalas ka na ri-"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang bumaligtad ang sikmura ko saka naduwal sa lababo. Palagi akong ganito, daig ko pa ang buntis dahil sa pag-iinarte ng tiyan ko.

"Nagsusuka.." Dagdag niya. Pinunasan ko ang labi ko at nakita ko si Kuyang sobrang naguguluhan na sa'kin kaya hindi ko maiwasang mapatanong ng, "Bakit?"

"Hindi. Lalaki ka naman 'd-di ba? So, hindi pwede ang naiisip ko.." Hindi ko maiwasang maintriga sa sinasabi niya, anong gusto niyang sabihin? Na buntis ako? Seryoso? Ang laking joke nito para sa'kin.

"Gago. Lalaki ako paano ako mabubuntis?" Tanong ko sa kanya na may halong pagkairita ang tono. Kalalaking tao, ang likot-likot ng pag-iisip.

Tatlong linggo na ang nakalipas, hindi ko na alam kung ano na bang nangyayari, hindi ko alam kung bakit ganito parin ang nararamdaman ko? Bakit patuloy ko parin siyang inaalala?

Ilang beses ko ng sinasabi sa sarili ko na kakalimutan ko na siya, gusto kong sabihin sa sarili ko na hindi siya para sa'kin at nababagay na siya sa iba. Pero ano? Wala. Ang gago ng damdaming 'to dahil hindi naman sumusunod sa nais ko.

"Kalimutan mo na ako.."

Tang ina. Sana gano'n na lang 'yun kadali. Sana gano'n lang.

Tatlong linggo pa lang siyang nawawala sa piling ko ngunit parang ang dami ng nangyari, parang sa isang iglap nagbago na ang takbo ng mundo. Bakit gano'n? Bakit naging ganito ang lahat?

Tatlong linggo pa lang ang nakalilipas pero parang tatlong dekada na ang dating sa'kin, hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko. Hindi ako sanay na wala na ang halik niya, ang yapos at boses niyang naglalaro ang mga letra at salitang 'Mahal Kita.'

Sobrang inaasam ko na, na sana nandito siya sa aking tabi at kasama ko. Ngunit hindi na mangyayari 'yun, alam kong tapos na ang kwento na'ming dalawa. Tuluyan na niya akong kinalimutan at pinagpalit. Bakit ganito na lang kabilis natapos ang lahat?

Hapon ng araw na 'yun, naroroon ulit ako sa puno ng matayog na sampalok, araw-araw akong naglalagi rito dahil palagi ko siyang hininhintay, palagi akong umaasa na muling bubukas ang katawan ng puno at nandiyan siya, nakangiti sa'kin sasalubungin ako ng halik at mahihigpit niyang yakap. Umaasa ako, naghihintay ako kahit gaano pa katagal. Mahal ko siya e. Gano'n naman talaga kapag mahal mo ang isang tao 'di ba? Maghihintay ka sa kanya. Panghahawakan mo 'yung mga pangako niyo sa isa't-isa, hahawakan mo ang mga bulaklak na bigay sa'yo gamit ang 'yung bibig habang ang 'yung kamay ay nakakulong sa kanyang kamay.

Hindi sukatan kung gaano katagal, hindi sukatan ang pagod at pagtitiis. Mahal mo e, para sa'yo. Distance is Just a Number. Hindi ito ang sukatan para tumigil ka sa pagtakbo papalapit sa kanya, hindi sukatan ang distansya para tumigil ka at magpahinga. Hindi sukatan ang distansya para hindi mo ipaglaban ang nararamdaman mo. Distansya lang naman ang humihiwalay sa inyo e, hangga't mahal niyo pa ang isa't-isa, kapit pa. Pasasaan pa't magiging maayos rin ang lahat sa dulo. Everything will be okay in the end.

Ang sarap pakinggan kung sasabihin na ang mundo ang sumuko sa katatagan niyo at hindi kayong dalawa ang sumuko dahil sa katatagan ng mundo. Everyone deserves a story with a happy ending, ngunit hindi na ang akda ng kwento niyo ang gagawa 'nun, ikaw. Ako. Kayo. Tayo, Tayo na ang magtatakda ng Happy Ending sa sarili na'ting kwento.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon