Naging maayos ang pagsasanay ng mga kalalakihang Fianna sa loob ng kweba sa pamumuno ng dating heneral ng isang hukbo. Dahil karamihan sa mga sugatang ginamot ni Pika ay mga mandirigma, tumulong din sila sa pagsasanay sa mga ito. Bumalik sina Laxius at ilan pang mga Fianna sa kanilang teretoryo noon upang kuhanin lahat ng Renkin sa bodega ng mga armas. Binisita rin nila noon ang tagong laboratoryo na kung nasaan ang mga Goleniod.
Manghang-mangha sila noong nakita nila ang mga ito. Hindi sila makapaniwala na merong ganitong mga nilalang na nakatago sa kanilang teretoryo. Nagkaroon din sila ng pag-asa noong masilayan nila ang mga ito. Tumanim sa kanilang isipan na gamit ang mga Goleniod ay maari nilang matalo ang mga Uktera na siyang nangguho sa kanilang buhay noon.
Ayun nga sa kanilang pagpupulong, bumalik ang lahat ng Fianna na namamalagi sa kweba sa kanilang teretoryo upang muling ibangon ang nawasak nilang mga tahanan at ang kanilang kabuhayan.
May takot pa rin sila sa kanilang kalooban na lumabas sa kweba dahil sa mga Uktera pero naisip nilang walang mangyayari sa kanila kung magmumukmok lang sila at magtatago.l
"Mahal na Alpha, maayos ang pagkukumpuni ng mga kalahi sa bahaging timog ng ating teretoryo at sa gawing kanluran naman ay namumublema sila sa taniman. Wala raw kasing nasalbang punla ng halaman na pwede nilang itanim." Isang tauhan ang lumapit kay Laxius habang abala siya y8i9at si Lyden sa pag-aayos ng loob ng kanilang palasyo.
Napabuntong hininga si Laxius na humarap sa tauhan.
L
"Huwag mo akong tawaging Alpha, isa lamang akong Fianna na tulad niyo. Sa iyong sinabi na unti unti ng naayos sa bahaging timog, bibisitahin ko sila mamaya para malaman ko kung ano pa ang kailangan nila. At sa taniman naman natin ay huwag na nating problemahin yun dahil wala akong alam na pagkukunan ng mga punla." Sagot ni Laxius sa tauhan.
"Noong nawala ang dating Alpha ay maituturing na kayo ang bagong Alpha dahil ikaw ang nag-iisang anak ng dating Alpha." Sambit na tauhan. Napailing na lamang si Laxius dahil sa kanyang mga narinig.
"Hindi porke ako ang anak ng dating Alpha ay ako na ang susunod. May batas tayong mga Fianna na ang magiging Alpha ay nakasalalay sa buong lahi dahil kayo,tayo ang pipili kung sino ang uupo bilang Alpha." Pangaral ni Laxius sa tauhan.
Napatango na lamang ang tauhan sa sinabi ni Laxius.
Nagbilin si Laxius sa tauhan na kung maari ay maglibot libot siya sa buong teretoryo at kung may mga kailangan sila ay agad niya itong ipagbigay-alam sa kanya.
Umalis na ang tauhan sa harapan ni Laxius. Itinuloy na nila Laxius ang pag-aayos sa palasyo.
...
Habang abala ang mga Fianna sa muli nilang pagbangon, ang mga Uktera naman ay maayos na ang kanilang pamumuhay dahil sa Elexir ng buhay na kanilang kinuha sa teretoryo ng mga Fianna. Lahat ng kontiminado ng Epidemya ay magaling na. Pati na rin ang mga sugatang mga mandirigmang Uktera.
Nakaupo ang Alpha ng Uktera sa kanyang trono nang may lumapit sa kanya na isang heneral ng kanilang hukbo.
"Alpha, may nakarating sa amin na may mga Fianna pang nakaligtas sa ating paglusob at ngayon nga ay muli silang bumalik sa kanilang teretoryo at inaayos ang kani-kanilang mga gusali at kabahayan." Balita ng isang heneral sa Alpha.
Napangisi na lamang ang Alpha ng Uktera sa kanyang mga narinig. Alam niyang makakabalik sa dati ang mga Fianna dahil nabuhay ang anak ni Lycous.
"Ano po ang gagawin natin mahal na Alpha?" Tanong ng heneral sa kanya.
"Wala tayong dapat gawin. Nakuha na natin ang kailangan natin sa kanila kaya pababayahan na lang natin sila." Sagot ng Alpha ng mga Uktera.
Walang nagawa ang heneral kundi ang sumunod sa kagustuhan ng Alpha. Nang makaalis na ang heneral ay humarap ang anak ng Alpha na si Viktor.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
RandomChromia Series A pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Adamant sasuke21uzumaki BookSwaggin eiramslove FrustratedAtheist gingerbreadmans ...