Larynx, The Somnium

62 7 0
                                    

PROLOGO

"Ano 'yang dinodrawing mo?" Tanong ng kaklase ko habang kinukulayan ko 'yung papel na hindi ko alam kung ano-ano ang naiguhit ko. Basta kamay, paa, ulo at ilang parte ng katawan ay ayos na. Papagandahin pa isa lang naman 'yun seatwork.

"Huy! Aries, tinanong kita." Sabi niya sa'kin habang sobrang lapit ng itim niyang nguso at kulay tinta niyang gilagid.

"Ay, ang baho." Sabi ng katabi ko ng maamoy ang hininga niya. Pinigilan ko na lang muna ang hindi huminga habang nagkukulay. Mahirap na, baka huling kulay ko na 'to.

Ginamitan ko ng mapusyaw na kulay lila ang kanyang suot na pang-ibaba. Hubad ang kanyang pang-itaas kaya kitang-kita ang kanyang malalaman na abs. "Ang sarap naman niyan." Komento niya habang tinitingnan ang kabuuan ng gawa ko.

"Talaga?"

"Oo, ang sarap ng pandesal niya. Tapos ang pogi pa ng mukha, parang hindi drawing, parang totoo. Yum." Binasa niya pa 'yung labi niya gamit ang laway niya sa dila. Nagulat ako ng bigla siyang napaigtad ng maamoy ang sariling laway. "ang baho." Rinig kong bulong niya. Hindi ko na lang pinansin.

"P-pre, kelan mo ba sasabihin sa kanya na ang baho ng hininga niya? Tang ina lang, parang tatlong taong hindi nakapagtooth-brush." Diring-diri ang katabi ko habang pinipilit pagandahin 'yung gawa niyang kulang na lang ay walisan dahil sa sobrang dumi. Umiling na lang ako at hindi siya sinagot.

"Hoy! Arthur! Akin na nga 'yang pencil case ko!" Sigaw ni Candice sa kaklase kong gago na si Arthur. 'Yung kausap ko kanina.

"Magtooth-brush ka muna!" Nagtawanan ang buong klase dahil sa sinabi niya. Sa sobrang inis ni Candice, binuhat niya 'yung lamesa ng mga Teacher gamit ang isang kamay at ibinato kay Arthur. Duguan si Arthur na tumayo, nagulat ang lahat sa nasaksihan.

Tumakbo papalabas si Arthur ng classroom, hindi naawat si Candice ay dali-dali niyang binuhat ang malaking white board saka hinabol si Arthur sa labas. Gago talaga.

Pinasa ko na 'yung drawing ko sa aming guro at umuwi.

Malimit akong makipag-usap sa kahit kanino, snob ako at hindi ako marunong makipag-kaibigan. Famous ako, hindi ako marunong magfollowback. Seener, inboxzoned lord at ako si carrot man. LOL. Ako si Aries the Virgin na palabas sa ABS-CBN.

Selfie lord at certified na gwapo. Sobrang matalino at higit sa lahat first honor simula ng kinder.

Pagbaba ko ng hagdanan. Nakita kong pinalo ni Candice si Arthur ng whiteboard mula sa Fourth floor. Hindi parin sila Tapos. Hanggang sa hindi na makapagtimpi si Arthur, tinulak niya si Candice mula sa fourth floor ng building namin.

Una ang mukha ni Candice kaya pumuntok 'yung pimple niya sa Noo. Tumayo siya at pinagpagan ang sarili. "Ang sakit." Nakita ko pa kung paano niya punasan 'yung dugo niya-sandali? Dugo ba 'yun? Bakit kulay itim? Mali. Tinta pala 'yun, tinta.

Pinagpagan niya 'yung maitim niyang siko. "Gago talagang Arthur 'yun, hindi man lang ako tinulak sa 6th floor para medyo fun." Napapairap pa siya habang sinisisi si Arthur sa pagkakabagsak niya.

Pinunasan niya 'yung itim niyang labi at itim niyang batok ng panyo. Nakita ko pa na nagkaroon ng goma sa panyo niya mataas mapunasan ang batok niya. Puro itim 'yung goma tapos tinatapon niya lang kung saan. Mali, hindi pala goma 'yun. Libag 'yun, libag.

Napairap na lang ako sa kababuyan niya kaya umalis na ako sa harapan nila.

Umuwi na ako ng bahay para makapagpalit. Naligo muna ako bago matulog, wala akong shampoo sa banyo kaya muriatic acid na lang ginamit ko na nasa gilid lang ng bowl. Kelan kaya binili 'tong shampoo na 'to? Infairness, ang bango.

Ang init niya sa katawan, nararamdaman kong natutuklap 'yung balat ko pero kiber lang. Tinapos ko 'yung pagligo. Nagkalat pa 'yung natanggal kong balat sa sahig at ilang mga dugo, kiber lang ulit.

Pagbukas ko ng cabinet ko, aksidenteng nahagip ng mata ko ang isang dibuho, drawing ko ito 'nung bata pa ako. Mga 8 years old ako 'non.

Ewan ko, 'nung bata ako. Araw-araw pumapasok sa isipan ko 'yung isla sa gitna ng napakalawak na kagaratan, may malaki pa ngang puno sa gitna nito.

Tinanggal ko ang dibuho sa pagkakadikit nito sa cabinet ko.

"Chromia.."

Ito ang nakasulat sa taas ng dibuho. Ito ang pangalan ng isla. 'Nung bata ako lagi kong pinaniniwalaan ang mahigang kwento nito,bata e. Naniniwala sa kung ano-anong storya.

Parang sa kanya, naniwala ako sa imbento niyang storya kaya patuloy akong nasasaktan. LOL.

Tinapos ko ang pagbibihis at umupo sa kama. Hawak ko ang dibuho ng Chromia at may isa pang dibuho ang lumitaw sa kama ko.

Sandali? 'Di ba pinasa ko 'to? Bakit nandito 'to?

Bigla na lang siyang tinangay ng malakas na hangin papalayo sa'kin. Sinundan ko siya ng mata ko at nakita ko kung paano nagkaroon ng usok sa papel at ilang mga glitters, glitters effect.

Nagkaroon ng hangin na malakas habang paliwanag ng paliwanag ang ginuhit kong dibuho kani-kanina lang.

Unti-unting nawala ang liwanag, napadilat ang aking mata na kanina'y nakapikit. Inalis ko rin sa aking harapan ang aking mga kamay. Nagsimulang lumakbay ang mata ko.

What the fuck? Makapal ang kanyang kilay na binagayan ng tamang tangos ng ilong, gano'n ang manipis niyang labi. Nakacross-arms siya kaya kitang-kita ko ang laki ng kanyang katawan. Ang kanyang v-line na sadyang bakat na bakat. Tapos 'yung bukol banda roon, hihi.

Pansin ko ang magulo niyang buhok at? Guni-guni ba 'to o magkaiba ang kulay ng kanyang mata? Pero sandali? Paano? Bakit? Ano... Siya?!

Siya 'yung ginuhit kong dibuho kanina!

"What are you looking at?" Inis niyang sabi sa'kin?

Wait. 'Di ba dapat sisigaw ako?

"AAAHHHHHHHH!"

•Larynx, The Somnium•
Genre: Rom-Com, Fantasy.
Copyright©tofu
ALL RIGHTS RESERVED 2016

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon