Chapter 18 : Okay

180 8 0
                                    

Andrian's POV

"Si Andrian."

Napatingin ako kay Aubrey nang banggitin niya ang pangalan ko.

Ako lang naman ang nag-iisang Andrian dito diba?

Napatingin din ako kay Toning.

Shete, I feel you bro kahit di ka magsalita. Pasensya di ko naman alam na ako ang gusto ni Aubrey. Sana kasi sinabi mo sakin. Alam mo na pala eh.

Alam niyo kung pano ko nalaman na alam na ni Toning?

Kasi lalake ako. At ilang taon kong nakasama si Anthony, mula bata pa kami.

Shete pano to? Sheteng tae talaga. Anong gagawin ko? Natahimik lahat tapos nakaramdam ata si Caygee ng sobrang awkwardness kaya sumigaw siya.

"O sige next spin na!"

Ayun, nagpatuloy lang. Si Toning. Inaalala ko si Toning. Baka galit sa akin yon. Si Aubrey. Anong sasabihin ko sa kanya? Si Bea ang gusto ko? Hayy nako di ko na alam.

Speaking of Bea, walang paramdam. Hahaha bagay ata sakin ang kanta ng Callalily, ~ Pansamantalaaaaaa~ Hahahaha siguro nga ganon ang tingin sakin ni Bea. Sakit naman haha.

Teka teka. Pansamantalang ano? Eh hindi nga ako gusto ni Bea.

Nakita kong tumayo si Toning kaya pasimple ko siyang sinundan. Pumunta siya sa kwarto kaya nagpakita na rin ako sa kanya.

"Toning."
"So di ako galit sayo kung yun ang inaakala mo."
"Ah buti naman inosente ako," sinubukan ko tumawa at magpatawa pero mukhang broken hearted talaga to.

"Alam mo, handa na ako eh. Handa na akong malaman mo na ikaw ang gusto ng babaeng mahal ko, handa na akong marinig yun na sabihin niya sayo, handa na akong masaktan pero kahit ano palang paghahanda masasaktan pa rin ako."

Wala akong masabi. Ang sakit nun mga dre! Kaibigan pa naman ako ni Toning.

"Pero So, diba wala ka namang gusto sa kanya?"
"Oo naman. Si Bea gusto ko kahit na di na nagparamdam yon hahaha."
"Salamat So," at yun, unang beses ngumiti si Toning ng tunay ngayong birthday niya.
"Kakausapin ko ba si Aubrey para sabihin sa kanya na wala akong gusto sa kanya? O ikaw na magsasabi?"
"Ikaw na So para sayo na mismo manggaling. THE TRUTH HURTS TALAGA."
"O bakit kailangan ipagdiinan mo? Sabing wala akong kasalanan." Umakto ako na parang sumusuko sa mga pulis. Haha napatawa ko ulit si Pango.

"Hahaha totoo naman eh tsaka pano yan, masasaktan si Aubrey non tagal kaya niyang tinago sayo tapos . . . hayy."
"Maiintindihan naman niya siguro."
"Sige boi iwan mo muna ako dito magdiriwang ako ng brokeday ko."
"Haha benta yun ah sige kausapin ko na ha?"
"Ge So."

Paglabas ko, hinanap ko kaagad si Aubrey. Kasama si Maica sa labas ng kwarto nila.

"Aubrey, pwede ba kita makausap?"
"Ah sige. Maica, wait lang ha."
"Go girl. Have a happy night! Hahaha." Itong Maica na to nabi-bitter nanaman ata hahaha.

"Aubrey ano kasi . . ."
"Ay yung tungkol pala kanina, shemay nakakahiya sorry So ha."
"Ayos lang, ano kasi. Pwede wag ka muna magreact sa mga sasabihin ko hanggat di pa ako tapos?"
"Uh, okay."

This is it.

*hipan sa kamay*

"I'll be straightforward to you Aubrey, si Bea ang gusto ko. Sana di ka uhm, ma-"
"Masaktan. It's okay So. I didn't ask you to reciprocate my feelings. And thank you for telling me habang maaga pa, at di ka paasa, pa-fall tulad ng iba." Ngumiti si Aubrey. At napangiti rin ako.

"Salamat Aubrey. May isang tao dyan na masayang masaya kapag nakikita o nakakausap ka. Sa tingin ko ikaw na ang makakatuklas kung sino siya. Sige tulog na ako. Matulog ka na rin."

Hindi ko na hinayaang magsalita pa si Aubrey, umalis na a
ko baka maamin ko pa na si Toning edi nagalit na sakin yun hahaha.

Okay na kami ni Aubrey at Toning, kami kaya ni Bea, kailan magiging OKAY?

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon