Caygee's POV
Sheteng tae mga chickababes!!! Birthday na ng aking Julie Ann sun bukas pero wala pa rin akong regalo. Baka naman kasi hindi niya tanggapin kapag . . .
• Unan (hoy wag kayong ano para yan sa comfortable sleep niya haha)
• Kumot (para hindi siya ginawin)
• Sapatos (baka ibato lang niya sa akin noh!)
• Damit (baka ma-offend kapag maliit or malaki mabili ko nakakahiya kayang tanungin anong size niya -,- isipin pa non ang manyak ko)
• Lipstick (minsan ko na siya nakitang may lipstick eh pero hindi ko alam anong shade gusto niya)
• Bag (para pag nasira bag niya di na siya bibili)O diba? Ang lame ng mga naiisip kong iregalo sa kanya hayys tulong naman oh.
*Isip*
*Utak*
*Puso*
Ting!
Alam ko na! Haha ang gwapo ko talaga.
Hinanda ko na ang mga ingredients ng gagawin kong cake. Yup. CAKE. Strawberry cake 😍😍
Dahil hilig ko ang pagluluto, might as well patikimin ko ang babaeng mahal ko. Malay niyo, lumambot na ng tuluyan ang puso non diba hihi.
Mix here, mix there, mix everywhere! Hahaha nakaka-excite na nakakakaba ang resulta.
Habang nakasalang na sa oven ang mixture, naghanap ako ng colored paper na color pink. Mahilig sa pink yung babaeng yun eh.
Sinulatan ko gamit ang pinakamaganda kong black sign pen.
"To my one and only Julie Ann sun,
Happy 17th birthday! Kahit na advance ka nag-aral parang mas matanda ka pa sa akin kumilos, mag-isip. Haha jooooooke! Wag kang masyadong masungit maaga ka magkakaroon ng wrinkles. Baka mapagkamalang anak mo ako edi kawawa ako non huhuhu tingin nila sa akin sugar mommy kita 😭😭😭 Mommy lang hindi sugar 😊 Haha ^_^
Sana ma-enjoy mo ang special day mo :) Call me if you need me okay?
Happy birthday ulit! I LOVE YOU!Love, Your Mr. Da (Only Gwapo)
P.S. Umamin ka na kasi na mahal mo din ako 😁😁😍😍"
Yan tapos na!
The next day . . .
Nakita ko siyang may mga kasamang kaklase niyang babae. Kinakantahan siya ng Happy Birthday Song.
Lalapit na sana ako para batiin siya personally pero nakakaasar yung lumapit sa kanya. Naunahan ako nung taeng Raister na yun lechugas.
Nag-eavesdrop muna ako sa kanila. Bwiset. Sa gwapo kong 'to naging stalker at chismoso lang ako? Tsk. No way! Ginawa ko lang ito para malaman ko kung anong binabalak ng taeng yun.
"Hi Julie Ann! Happy birthday."
AH AH NAMAN TALAGA.
NGITING NGITI ANG JULIE ANN SUN KO SA LALAKING YUN!!!!!
"Thank you Raister! Punta ka sa bahay mamaya may handa ha pero wag mo ipagsasabi sa iba ha pili lang kasi."
Sakit naman non. Siya pinapapunta ako hindi. Pero tiwala lang mga chickababes. Ako mahal nyan! Haha.
"Sure. Para sayo, *kindat* pupunta ako."
YUCK! AS IN SUPER DUPER YUCK! SINO BA YANG RAISTER NA YAN PARA KINDATAN ANG BABAENG MAHAL KO?!
Di ko na kinaya kaya lumapit na ako sa kanila. Dala-dala ko yung cake na ginawa ko para sa kanya kagabi. Sana hindi masayang effort ko huhu T.T
"Julie Ann sun!"

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
JugendliteraturWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...