Caygee's POV
February 12. Ilang linggo ko nang kinukulit si Julie Ann sun na kumain kami sa Greenwich sa 14. Kahit sa Greenwich lang men. Ayaw pumayag.
"Julie Ann sun pumayag ka na kasi napapahiya na ako huhu."
Napapahiya kasi nasa school kami. Sa gate eh uwian na. Hindi ko aakalaing mangyayari 'to sa buhay ko haha. Kung hindi lang para sa babaeng ito nako.
"I said ayoko. What part of it can't you understand?"
"Hindi ako susuko, Julie Ann sun, tandaan mo yan. I was born to be a conqueror, not a loser."
"Whatever. Basta I don't want your offer."
"Please Julie Ann." Tumalikod na siya sa akin kaya hinarangan ko siya at sinadyang ilapit ang mukha ko sa mukha niya."Caygee! There are many people watching. Stop this." Pumikit siya para maiwasan ang titig ko.
"Not unless pumayag ka. Makulit ka kung makulit."
"Argh! Kasama ko si Raister sa 14. Okay?"The moment na narinig ko yung "Raister" umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko.
"Raister, Raister, Raister. Puro ka Raister. Kailan ba magiging Caygee, Caygee, Caygee? Di hamak naman na mas gwapo ako don sa taeng yun."
"O sige go to Greenwich by yourself. Watch me and Raister eat there together." At nag-walk out na ang babaeng masungit. Hindi ko na hinabol nakasakay na agad sa jeep eh.Bwiset. Hahaha seryoso na ako sa kanya pero hindi siya naniniwala.
Kung kidnapin ko kaya yun tapos hindi ko na papakawalan. Para sa akin na siya forever. Haha charaught!
February 14
Nasa jeep na ako papuntang (Secret kung saang mall. Baka sundan ako ng mga girls edi nalagot ako sa aking Julie Ann sun. Gwapo ko pa naman.) Greenwich. Ang traffic kaya mag-dadalawang oras mula noong umalis ako sa bahay tsaka lang ako nakarating. Hindi ko tinext ang babes ko kasi baka ma-beast mode sa akin haha.
Pero umaasa pa rin ako na makikita ko siya dito.
At hindi pala siya nagsisinungaling.
Kasama nga niya yung Raister na kumain dito.
Yung Raister na tae.
Nilapitan ko sila. Narinig kong tumatawa si babes. Tsk. Buti pa siya nagagawa niyang ngumiti sa Raister na yun. Ano bang nagustuhan niya doon? Hindi naman gwapo.
"Excuse me Julie Ann sun. Na-late lang ako ng konti may iba ka ng kasama. Ngayon tara na. Kakain na tayo." Nginitian ko silang dalawa. I used my best smile para mapapayag ko si babes.
"Teka Pare. Ako ang kasama ni Julie Ann kaya pwedeng pwede ka na umalis."
"Hindi ikaw ang kinakausap ko. Si Julie Ann sun."
"Ako ang kasama niya Pare wag kang mang-istorbo."
"Wag mo akong tatawaging Pare dahil hindi kita kaibigan." Tiningnan ko si Julie Ann. "Julie Ann tara na.""Aba napakasiga nito sino ka ba ha?!"
"Stop! You two!"
Natahimik kaming dalawa ni Raister.
"Alright fine. Patapusin mo muna ako kumain Caygee, sasama na ako sayo okay."
Yung sinabihan ka niya ng "Sasama na ako sayo okay" is so 😍😍😍 Hahahaha.
"Sure. Bilisan mo babes."
"And stop calling me babes."
"Julie Ann sun."Tiningnan ko si Raister at nakita kong naiinis siya. Hahaha well, sasama sa akin si Julie Ann, sorry ka na lang tsong.
Umorder muna ako ng pagkain naming dalawa. Sheteng tae kinikilig ako hahaha. Napapayag ko si Julie Ann sun.
Nang maka-order na ako naghanap na ako ng table naming dalawa at umupo na ako.
"Hi Caygee." At ayun, nakita ko ang ngiti niya. For the first time in how many months.
"Hi Julie Ann. Upo ka." Inalalayan ko siya sa pag-upo niya. Baka mahulog siya eh sahig ang sumalo. Masakit yun haha.
"I can handle myself."
"Please. Hayaan mong gawin ko 'to kahit ngayon lang."
"Sige na nga."Tahimik lang kaming kumakain kaya binanatan ko siya ng mga malulupet na pick-up lines haha.
"Julie Ann sun."
"Yes?" Nguya. Haha ang cute niya.
"Asin ka ba?"
"Hindi. Tao ako."Ay putek.
"Tanungin mo bakit."
"O sige bakit?"
"Kasi I love you ALAT. Hihi kilig yan."
"Hmm okay. I get it. May iba ka pa?"Sungit-sungitan pero alam ko deep inside kinikilig yan hahaha.
"Wala. Wala akong iba dahil nag-iisa ka lang. Ayiieeee!" Pang-aasar ko sa kanya haha mukha namang medyo good mood siya.
"Che!"
"Hahahaha!"Pagkatapos namin kumain tumingin tingin siya ng panregalo sa kanyang baby sister daw. Si Judianna.
"Ilang taon na ba si Judianna?"
"14."
"What? Tapos baby pa tawag mo?"
"Eh bakit ba? Siya bunso eh."
"Ah okay haha."Napadpad kami sa Parisian.
"Yan oh ang daming sapatos pilian mo na."
Pumili siya ng heels na parang pag sinuot mo katapusan na ng buhay mo.
"Grabe wag yan!" Kinontra ko siya kasi mukhang wala siyang balak ibahin.
"Help me then."
"Hmm . . ."Nakakita ako ng katamtaman lang ang taas, siguro 3 inches lang, tapos color black na may tali.
"Sige yan na lang. Ang ganda."
"Sabi sayo eh basta pag ako pumili MAGANDA. Parang ikaw, ang GANDA HAHA AYIEE KILIG!"
"Manahimik ka nga."
"Hahaha I love you Julie Ann sun."
"I love you too Caygee."O.O
"TALAGA?!"
"As a friend. Hahaha!"Okay na nga yan. At least sinabihan ako ng I love you. At kasama ko pa siya ngayon. Hahaha hayy kakilig nga naman. Tagumpay ang Valentine's Day!
BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Novela JuvenilWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...