Chapter 8 : Closer

322 12 0
                                    

Paulo's POV

Kasalukuyan kaming nasa classroom nang inannounce ni Ma'am A. ang program para sa February 14.

"Sa umaga, magkakaroon ng presentation ang bawat level. Recess tapos punta kayo sa mga booth na gusto niyo, may Ma-" Biglang sumingit si Marie Joe.
"Talaga po? May mga booths?"
"Marie Joe, may mga Dora rin." Yan nanaman ang kakornihan ni Intsik. Nagtawanan tuloy kami.

"Patapusin niyo muna ako." Tumahimik na kami, galit na si Ma'am A.

"May marriage booth, dedication booth, freedom wall, photo booth, jail booth, at di ko na tanda. Bahala na kayo kung anong presentation niyo."

Nagtanong si Angie kung ano daw ang suot, sabi ni Ma'am club shirt tapos pants sa lalaki, palda sa babae (school uniform na pants at palda).

"Pau, Cayg, Gab, CJ, So!" Tawag sa amin ni Thony. Ano kayang meron?

"Bakit?" -Gab
"Tumangos na ilong mo?" -So
"Heh! Tigilan niyo ang pang-aasar. May isasuggest sana ako para sa Valentine's."

"Ano yun?" -CJ
"Haranahin natin ang mga teachers." agree! ang ganda talaga ng mga ideas ni Anthony!

"Harana booth ang tawag tapos hindi lang teachers ang kakantahan natin, pati yung mga babaeng kaclose natin." -Caygee

"Pero wag natin sasabihin sa iba, sa'tin sa'tin lang para surprise." -Ako
"Saan ang venue ng Harana booth?" -So
"Nursery room." -Gab
"Sige dun na lang. Magbigay tayo ng flowers na may stuff toys sa kakantahan natin." -CJ
"Wala tayong sapat na pambili." -Ako
"Nosebleed Pau! Sapat? Hahaha, abuloy na lang tayo." -So
"Makaabuloy ka naman So! Patay lang?" -Anthony
"Bitter kasi! Hindi nirereplyan ni Bea!" Pang-aasar ni Caygee kaya nagtawanan kami. Napatigil kami sa sigaw ni Maica.

"Bakit ba ang daming bulaklak ngayon?! Undas na ba?!"

HAHAHAHA! Isa pa ito, bitter!

"So! Magsama kayo ni Maica! Mga bitter kayo." May pang-asar na rin ako kay So hahaha.

"Tumahimik nga kayo, nakakatakot kaya si Bea! Mas masungit ata kay Julie Ann." Defensive naman tong si Andrian -.-

"Mabait naman yun, natyempuhan lang natin na galit." -Anthony
"Hoy! Iba na yang pinag-uusapan." -Gab
"Kanino tayo hihingi ng abuloy daw sabi ni So?" -CJ
"Sa mga classmates at schoolmates natin." -Thony

Araw ng mga Patay,

este Puso . . .

Successful ang Harana booth! Muntik pang madapa si Trisha sa hagdanan kasi nilagyan namin ng blindfold na itim haha!

Kanina sa presentation, pinalabas namin na wala kaming hinandang presentation para sa adviser namin, paiyak na nga si Ma'am eh. Kasabwat pa namin ang 4th year na emcee, nagpahuli kasi kami.

Uwian na. Mababati ko na si Nica!

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na close na kami ni Nica (sa text) pero siyempre torpe pa rin ako kaya medyo tahimik pa kami pag nagkikita o nag-uusap. Alam niyo ba yung South Korean tv series na Love Rain? Starring Jang Geun Suk and Im Yoona. Parang ganun kasi yung sitwasyon namin ni Nica, strangers, sobrang torpe yung lalaki, sobrang tahimik ng babae, close pero hindi masyado nagsasalita sa isa't isa.

Nag-GM ako pero ang una kong sinendan ay si Nica. Di nagtagal ay nagreply siya.

"Same Paulo :)"

"May ka-date ka?"

"Why?" Kailan kaya mag-ta-Tagalog si Nica?

"Wala lang. Tanong lang, masama?"

"Hindi naman. Wala syempre! I'm too young for that haha!" Wow! narinig niya kaya ako? Haha.

"Tama naman haha. So, kumusta araw mo?"
"Well, okay naman. How about you?" Nagreply ako na nag-enjoy ako. Tinanong niya ako kung anong mga nangyari sa school, kaya yun, kinuwento ko sa kanya. Nagkwento rin siya na may nagbigay ng isang box ng Ferrero, pero wala daw pangalan, basta nilapag sa upuan niya, kaya tinanggap niya.

Ilang linggo na ang nakalipas simula noong magkatext kami ni Nica. Natigil nanaman. Kasi si Intsik, sumisingit! Meron na nga siyang Julie Ann, inaagaw pa si Nica (makasabi ng "inaagaw" parang kami ah).

At dahil buwan na ng Marso ngayon, one week na lang bago kami mag-exam. Sana makapasa kaming lahat.

Ang resulta?

Karamihan sa amin ay pasado! Apat o lima lang ang bagsak. Siyempre tuwang tuwa ang mga teachers sa amin.

Last day of classes na ngayon. Hayy,4th year/ Grade 10 na kami sa June. Ang bilis talaga ng panahon.

Ay, may nakalimutan akong sabihin. Ililibre kami ng Daddy ni Trisha ng ride-all-you-can tickets sa Star City! March 26 ang alis namin. 200 ang pamasahe, balikan na yun. 13 kaming lahat, ako, Caygee, So, Gab, Thony, Trisha, Faye, Marie Joe, Vincent, Carl, Ralph, Wrenz at Alexis. Hindi sumama si CJ kasi hindi siya pinayagan. "Strict ang parents ko," sabi niya sa amin hahaha. Tatlong babae lang ang kasama, hindi rin pinayagan yung iba.

March 26 . . .

Nandito na kami sa loob ng van. Ilang segundo na lang aalis na kami haha!

Ang ingay ni Gab at Caygee. Yung iba nagsasoundtrip, nagseselfie at kumakain. Ako? Katext lang naman ang aking crush, si Nica del Rosario <3. Buti na lang may load ako ngayon.

"Pau nandito na tayo." Tinawag ako ni So. Hindi ko kasi namalayang nasa Star City na kami. Pagkababa namin, sinamahan kami ng Daddy ni Trisha sa loob.

"Ui anong una nating sasakyan?" Tanong ni Faye
"Sa labas muna." Sagot naman ni Anthony na sinang-ayunan ng lahat.
"Surf dance tayo!" At talagang nauna na sila Wrenz sa Surf dance. Tabi-tabi kami kaya ang saya! Sigawan kami habang nasa taas kami at parang tinatanggalan ng bituka.

"Sa Star Frisbee sunod." Suggestion naman ni Carl kaya pumila na kami agad. Kaso mali ata ang aming desisyon. Pagkababa kasi namin, hilong hilo kami. Nasuka pa nga si Faye eh. Kasi naman, hinahagis na nga kami pataas, umiikot pa ng napakabilis. Kung ano yung itsura ng frisbee na umiikot sa ere, ganun yung ride na yun. Feeling nga namin parang binabanat at hinihigop ang mga pisngi namin. Mga 20 minutes kaming nakaupo sa gilid dahil sa sobrang hilo, samantalang yung iba naming kasabayan naka-ilang rides na. Advice ko lang sa mga pupunta sa Star City : ihuli niyong sakyan ang Star Frisbee!

(A/N: Hate na hate po talaga ni Paulo yang ride na yan haha!)

Madami pa kaming sinakyan. Halos 10 pm na kami umalis sa Star City, aba sulitin ang bakasyon!

Habang nasa biyahe kami, nag-vibrate ang cellphone ko, ibig sabihin may nag-text.

Si Nica pala.

"Paulo, can we talk?"

Nica's POV

"Paulo, can we talk?" Message sent.

I know that he's the right person I can talk to right now. I know he can understand me.

"May problema ba?"

"Yes, can I share it with you?"

"Oo naman."

"Well, my family and I will move to Japan next year and we'll stay there for good. But I don't want to live there for a long time! I want to be with my friends here in our country!"

"Ah, mahirap nga yang sitwasyon mo, kung ako sayo, gawin mo ang isang bagay na alam mong pag ginawa mo yun, hindi na kayo lilipat ng tirahan. Tulad sa pag-aaral, kailangan mas mataas pa sa average mo ngayong taon ang average mo sa susunod na school year, tapos magpakabait kang anak sa parents mo, tapos kausapin mo din sila siyempre na ayaw mo. Communication is important diba."

"Yes of course, that's a great idea Paulo! Thank you :) Sorry if I bothered you."
"Okay lang, friends naman tayo eh."

I'm really comfortable talking with Paulo. We are closer than before.

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon