Chapter 55 : Broke

160 7 0
                                    

Paulo's POV

It's the most wonderful time of the year nanaman. Nagluluto ako ng Baked Mac nang tawagin ako ni Mama. Yep, umuwi si Mama after so many years.

"Paulo!"
"Yes Ma?"
"May girlfriend ka na pala ha hindi ka nagsasabi."
"Ah haha eh mas gusto ko kasing sabihin sayo kapag nandito na siya."

Kumunot ang noo ni Mama.

"Ha? Kapag nandito na siya?"
"Opo. Nasa Japan kasi siya."
"Wow naman anak! Bigatin ang girlfriend mo ha." Natawa ako sa sinabi ni Mama.
"Haha hindi po. Ang payat nga nun eh. Doon na po sila nakatira ng pamilya niya pero kung maka-graduate siya ng college doon ay pwede siyang dito magtrabaho."
"Ah kaya pala ang blooming mo ngayon Pau. Para kang pinirito anak, reddish brown! Hahaha!"

Ay grabe siya oh. Ininsulto ang anak hahaha.

Nang maluto ko na lahat ng iluluto ko umupo ako sa sofa sa sala at isinandal ang ulo ko.

"Hayy. Kamusta kaya ang Nini ko?"

Dalawang araw na kasi kaming hindi nag-uusap eh. Sobrang busy niya sa Japan.

Para mawala ang pagka-miss ko sa kanya chinat ko siya. Sakto, Christmas Eve ngayon. Ibig sabihin . . .

Anniversary na namin bukas 😍😍

Hindi ko alam na tatagal kami ng ganito.

Me : Nini!!!!! Merry Christmas 🎅🎄 Pasabi na rin kila Tito at Tita :) Advance Happy Anniversary😊 I love you!😘

Saktong 11 pm nang magreply sa akin si Nica.

Nini Ko : Hi Pau-pau! Sorry ngayon lang ako nakapag-chat. I'm done doing sooooo many things around here. Merry Christmas too! Tell your parents as well😀😄 Advance Happy Anniversary din sayoooooo I love you more😍😍

Me : Kamusta na ang mahal ko?

Nini Ko : I'm fine. Ganon pa rin. Nahihirapan ako sa sched natin :( Ikaw Pau?

Me : Aww :3 Same here ✋ Minsan nga naiisip ko paano kung isang araw bigla ka na lang mawala sa akin? 💔

Nini Ko : That's impossible! Hindi ako mawawala sayo noh. Baka ikaw nga ang mawala sa akin T.T

Me : Yan ang imposibleng mangyari. Hinding hindi ako gagawa ng bagay na makakapaghiwalay sa atin.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap ni Nica. Nag-Skype rin kami habang kumakain ng mga handa. Gusto ngang pumunta dito ni Nica para daw matikman niya ang Baked Mac ko haha.

Sa araw ng anniversary namin nag-Skype ulit kami. Sinulit namin ang buong araw. Kung anu-anong pinagkukwentuhan namin. Hanggang sa napunta sa seryosong usapan.

"Pau-pau I have to tell you something."

The moment na sinabi yun ni Nica kinabahan ako ng sobra.

"Ano yun?" Tanong ko.
"I know you would hate me after hearing this."
"Sige na sabihin mo na."

Bumuntong hininga muna ako bago ko pinakinggan ang sasabihin niya.

"My Lola doesn't want me to have a boyfriend. Pagkatapos ko daw mag-aral tsaka pa lang pwede. I will not give you up, but I can't also disobey Grandma."

Sabi na nga hindi maganda ang sasabihin niya eh.

"I tried to tell her na you're good enough to wait for me to go back, but still sinasabi niyang ang bata ko pa. I'm 19 for Charles' sake!"
"Nini, mahal mo naman ako diba?"
"Oo naman. Why did you ask?"
"Mahal mo din ang lola mo?"
"Yes."
"Then talk to her politely na ayaw mong maghiwalay tayo. Kapag hindi mo kaya I'll help you." That's the least I can do, ang layo kasi nila.

Iniba na niya ang topic pagkasabi ko non. Alam kong nahihirapan siya, lola ba naman niya ang nagsabi eh. Pero kung sakaling magkatotoo man yun hihintayin ko kung kailan pwede na ulit maging kami ni Nica. Wala na akong gustong ibang mahalin maliban sa kanya. Totoo nga ang sabi nila na "Once you found your true love you will never ever find someone else."

One week. Isang linggong puno ng saya after Christmas. At ngayon December 31 na. Sabay kaming nag-countdown ni Nica. Pero dahil mauuna ng isang oras ang Tokyo, dalawang beses kaming magka-countdown. One for Japan and one for Philippines.

"Pau-pau 10 seconds na laaaaaang!!!!!!"
"Oo nga! 10!"
"9!"
"8!"
"7!"
"6!"
"5!"
"4!"
"3!"
"2!"
"1!"
"Happy New Year Nini!"
"Happy New Year Pau-pau!"

Pinakita sa akin ni Nica yung fireworks display na tanaw sa bintana nila. Lumabas siya para mas maganda daw. Kahit naman hindi ko makita yung fireworks may maganda pa rin akong nakikita. SIYA <3

Mula sa pwesto niya kitang-kita ko ang nag-gagandahang mga ilaw. Tapos ang handa nila puro Japanese foods. Ang nakapukaw ng atensyon ko ay yung Ramen at Cheesecake. Iniinggit ako ni Nica 😭😭 Kumain ba naman habang nakatutok ang camera niya sa pagkain na umuusok pa 😞

Now it's time for Philippines to countdown.

"Ready? *burps*"
"Hahahaha wow busog ang Nini ko!"
"Ang sharap kayaaaaa! Ilang seconds na?"
"20."
"Ang tagal pa. Sabihan mo ako kapag ten na ha hihigop muna ako ng sabaw ng RAMEN!"

T.T IPAGDIINAN MO PA ANG RAMEN NA YAN KAINIS KA!

"Oy teka! 11!" Para mapigilan ang pang-iinggit niya hmpf!
"I said kapag 10!"
"10 na!"
"Really? 9!" Nakita kong tinigil niya ang paghigop at tumayo para sabayan akong tumalon.
"8!"
"7!"
"6!"
"5!"
"4!"
"3!"
"2!"
"1!"
"Happy New Year ulit Nini!"
"Happy New Year Pau-pau! Enjoy your fruit salads there!"
"Haha bleeeeeh :P Walang fruit salad diyan dito meron!" Paborito niya kasi ang fruit salad eh.

Nagpatuloy kami sa pag-aasaran at natulog kami ng bandang 3 am na.

January 4 ang pasukan namin. Maaga kumpara sa ibang universities. Wala namang masyadong ginawa. Nag-recheck ng test papers, nagpasa ng requirements.

Uwian na. Excited na ako makausap ang Nini ko hihi.

Kaso lahat ng kasiyahan ay may kaakibat na kalungkutan.

Dumating na ang araw na kinakatakutan ko.

"I'm sorry Pau-pau." Umiiyak si Nica simula nung tumawag siya at sinabing pinaghihiwalay na kami ng lola niya. Puputulin na rin ang communication namin. Kahit na ayokong mangyari yun lola pa rin niya ang nagsabi kaya kailangang irespeto namin.

"Don't be. Basta ipangako mo sa akin na kapag pwede na ulit tayo sa akin ka pa rin. Wala pang iba ha." Pinipigilan ko umiyak. Ayokong iyakan ang problemang ito. Alam ko kasing maaayos namin 'to ni Nica.

"Yes I promise Pau. I love you."

"I love you too Nica. Hindi ako magbabago ng number. Kung magbago man baka dahil nasira o nawala. Kilala mo naman ang mga kaibigan ko dito diba? Sila Caygee, Gab? Sa kanila ka mag-chat o tumawag kung may gusto kang sabihin. Wag ka mahiya, ako na ang bahala magsabi sa kanila. Tatandaan mo palagi na mahal na mahal kita. Babalikan kita, Nica del Rosario."

At pagkatapos namin mag-usap, bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

Tinawagan ko si CJ. Siya ang una kong nakita sa contacts ko doon sa lima.

"CJ?"
"Oh Pau! Bakit ka napatawag? Kamusta ka na?" Mukhang ang saya ni CJ base sa tono ng kanyang boses.

"Break na *hikbi* kami ni Nica."
"Teka? Seryoso ka dre?!"
"Oo. Ikukwento ko sayo *hikbi* pagpunta ko diyan. Nasa dorm ako ngayon eh."

"Wag ka na pumunta dito, ako na lang pupunta diyan sayo kasama si Arjane. Sa 11 pa naman ang pasok namin eh. Wag kang iinom ng alak boi walang magandang maidudulot yun sayo! On the way na kami stay put ka lang diyan ha!"

Narinig ko ang parang mga pagtakbo at boses ni Arjane sa kabilang linya. Totoo ngang pupunta sila dito.

"Oo naman ano ka ba hindi ako iinom at hindi ako umiinom noh. Sige CJ ingat kayo salamat."

At pagkapatay ko ng tawag, para akong naghilamos sa sobrang dami ng luhang aking nailuha.

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon