CJ's POV
Halos isang buwan na ang nakalipas mula noong pumunta kami sa bahay nila Rose Ann. Di na kami nakapunta ulit kasi maaga ang exam namin. Puro projects at quizzes ang ginagawa namin. February 27 na kasi March 12 ang simula ng exam, hanggang 14.
Ako nga pala si Christian John Seming. Secret na lang yung age haha! kayo na lang magsabi kung pogi ba ako o hindi base sa description ng author sa Prologue (a/n: kamukha po siya ni Jose Rizal). Ako ang pinakamahiyain sa mga kaibigan kong lalaki (at ang pinakamatino!).
Si Gab at Rose Ann, sobrang close na. Magkapitbahay eh. Kahit na nasa iisang subdivision lang kami nakatira, ngayon lang talaga namin nakita yung bahay nila Rose Ann. Bakit kaya ganon? Hahahaha.
May binigay na number si Nica sa amin, Aubrey Mae Concepcion, best friend daw kasi yun ni Julie Ann, yung Koreanang crush ni Caygee. Di pa namin nakikita si Aubrey, pero base sa description ni Nica, mukhang maganda nama. Si Paulo? Yun, may torpelitis pa rin.
At ako? Haha, wala. Hindi pa kasi dumarating si Arjane Legaspi, first love ko. Nagkahiwalay kami noong elementary, lumipat kasi kami ng tirahan. Hanggang ngayon di pa kami nagkikita muli. Ang drama ng buhay ko noh? Hahaha.
Wednesday ngayon. T.L.E. ang subject namin. Ang boring eh! Makatulog na nga lang.
*Ubob sa desk*
After 10 seconds . . .
"CJ natutulog ka ba?" Patay! Si ma'am F.
Tumingala ako bigla. Wala pang isang minuto nahuli na ako. Nakakaboring kaya!
"Hindi po Ma'am. Sumakit lang yung ulo ko kasi nauntog ako kanina." Nice lie, huling huli na nagdeny pa. Nanahimik na lang ako. Narinig kong tumatawa sila Angelica, Caygee, Trisha, at Anthony.
"Bakit kayo tumatawa?" Tanong ko.
"Hahaha, di daw natutulog eh huli ka namin." Bulong lang yun ni Anthony. Baka mapagalitan kami.
"Oo na natutulog ako kanina. Bigla naman ako tinawag ni Ma'am kaya medyo nawala antok ko."
"CJ! Salita ako ng salita dito tapos sinasabayan mo ako!" Nahuli nanaman ako ni Ma'am F! Tumingin na lang ako sa black board. Tumawa nanaman silang apat.
"CJ (Sij ang pagbasa para maiksing maiksi) wawa ka naman! pangalawang beses na yan ah." Sabi ni Angie (nickname ni Angelica).
Di ko na lang sila pinansin. Nilipat ko yung page ng libro ko para kunyare nakikinig sa discussion. Sa totoo lang, antok na antok na ako.
After 30 years . . .
JOKE! Minutes lang.
Nagpaalam na si Ma'am F. Si Ma'am A. sunod. Dapat di na ako antukin, lagot ako adviser pa naman namin siya.
Sa kalagitnaan ng lesson, pumikit ako saglit dahil sa sobrang antok. Tinakpan ko ng panyo yung mukha ko.
Di ko namalayang nakatulog na ako
Zzzzz ...
Zzz . . .
ZZzzZzzzzZ . . .
"NATUTULOG, NATUTULOG, SI CJ! SI CJ! BIGYAN NG KAMOTE, BIGYAN NG KAMOTE! PAMPAUTOT! PAMPAUTOT! hahahaha!!" Napamulat ako bigla. Tumingin ako sa paligid at . . .
NAKATINGIN SILANG LAHAT SAKIN AT TUMATAWA PA! Siguro masyadong epic fail ang itsura ko matulog. Nakakahiya! Kinanta pa nila yung kantang yun!
(a/n: Yung kantang "Natutulog, natutulog.." ay katono ng "Are you sleeping? Are you sleeping Brother John?.." kinakanta nila yun noong elementary pa lang sila.)

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...