Chapter 28 : All I Want For Christmas Is Her

172 7 0
                                    

Gab's POV

December 20 na. Grabe ang lamig dito sa bahay!

Yung feeling na ang lamig tapos ang palabas sa Disney Channel Frozen. Hahaha mas lalo kong nadama yung lamig.

Parang siya, nanlalamig na 😔

Hahahaha!

Isang buwan na kaming hindi nagkikita o nagkakausap ni Rosie. Ang dahilan? Nagbakasyon sila sa Italy. Kasal ng pinsan niyang babae. RK noh? Hindi ko alam kung kailan siya babalik. Lagi ko kaya siyang inaabangan. Tuwing gabi sinisilip ko yung bahay nila kung may tao na ba. Kung darating na ba yung best friend ko na mahal ko.

Oo, mahal ko si Rose Ann.
Mahal as in mahal.
Kaya lang, ayoko sirain yung pagiging best friends namin. Cliché right? Haha dalawa lang naman ang choices ko. Umamin o itago.

Mahirap kasi pag umamin ako. Madaming pwedeng mangyari. Pag itinago ko lang, hanggang best friends na lang talaga.

So ano bang dapat kong gawin? Haha. Sinusubukan kong i-message siya, mangamusta pero walang sagot. Bakit kaya?

Sa gitna ng aking pag-iisip, tinawag ako ni Mama. Pupunta daw kami sa Pacita, tumawag si Ninong Baste.

Tutal nakaligo naman na ako, nagbihis na lang ako at nag-message kay Rosie kahit na hindi siya sumasagot. Chat pa nga lang di na sumasagot sa panliligaw ko pa kaya?😭😭 hahaha ang koya niyo humugot!

You : Hi Rosie! I miss you :( wala ka ng paramdam. Ano nangyare? Pinalitan mo na ata ako dyan sa nakilala mo sa Italy eh. Uwi ka na sabay pa tayo tatalon sa Jan. 1 12am :) Pupunta pala kami ngayon kila Ninong Baste. Kung ano man ginagawa mo dyan mag-enjoy ka ha😊

Sent 7:45 am

Habang nasa biyahe nagsalpak ako ng earplugs at nagpatugtog.

"Gab gising na nandito na tayo." Narinig ko yung boses ni Mama kaya minulat ko ang mga mata ko. Kinuha ko yung phone ko sa bag ko at chineck kung may chat si Rosie. *cross fingers*

. . .
. . .
. . .

Wala pa rin. Hayys.

Pumasok na ako sa loob ng bahay ni Ninong Baste. Buti pa sa bahay ng Ninong ko nakakapasok ako. Sa puso ni Rose Ann hindi. Hahaha!

"Mano po Ninong. Advance Merry Christmas po."
"Merry Christmas din Gab. Binata na ah. Kumusta pag-aaral?"
"Ayos naman po. Medyo nakakapagod nga lang." Pero mas nakakapagod magpanggap na best friend lang tingin ko kay Rose Ann😭😭
"Ganyan talaga ang buhay estudyante. Ako nga eh pag Sabado kalahating araw akong tulog. Binabawi ko yung mula Lunes hanggang Biyernes na kokonti ang tulog." Ang daming kwento ni Ninong! Hahaha isang oras ata siyang nagkwento bago kami kumain. By the way, namatay na pala si Ninang 5 years ago kaya mag-isa na lang si Ninong. Yung panganay niyang anak nasa Egypt nagtatrabaho tapos yung pangalawa nasa Singapore.

"Anong wish mo ngayong Pasko Gab?" Tanong ni Ninong Baste habang kumakain kami.
"Hmm ang wish ko po ngayong Pasko ay. . . *isip* bumalik na si Rosie kasi namimiss ko na siya ng sobra😭 *realidad* . . . jacket. Nasira po kasi noong isang araw eh sumabit sa gate ng school." Jacket. Para mainitan ang nanlalamig na puso ni Rose Ann. Chaaaar! Hahahaha!

Mga 8pm umuwi na kami.

Pagdating namin sa bahay nanood kami ng Over The Top at the moment na natapos na yung palabas aba -,- tulog na silang lahat ako na nagpatay ng tv haha.

Umakyat na ako sa kwarto ko at muling sumulyap sa bahay nila Rose Ann.

Wala pa rin siya.

Dec 21

Nagkaroon kami ng general cleaning sa bahay. Nakakapagod as in lahat ng sulok ng bahay nilinis namin haha.

Wala pa rin si Rose Ann.

Dec 22

Nagswimming kasi sa Splash Island. Libre ni Ninong Baste.

Grabe yung mga babae dito eh. Ang lalakas ng loob mag two piece puro bilbil naman. Tapos yung mga magagandang naka-two piece pose ng pose kahit saan mga papansin kayo mga nene. Tapos kapag binastos magdadrama. Buhay nga naman ng mga babae ngayon. Iilan na lang ang matino.

Dec 23

Pumunta kami sa Nuvali. Picnic and stuff. Kain dito, lakad, bike, pahinga. And the cycle goes on. 5 pm kami umalis eh medyo traffic kaya 6:30 na kami nakauwi sa bahay.

Dec 24

Christmas Eve na mamaya. Nagluluto kami ngayon ng spaghetti pero Italian style😍😍 nakakasawa kasi kapag matamis. Parang sa pagmamahal, pag sobrang sweet nakakasawa kailangan din ng pag-aaway para mapatibay ang pagsasama. Hahaha!

"Gab kunin mo nga yung kutsilyo!" Nasa labas si kuya kaya yun sumigaw.
"Kutsilyong malaki o maliit?!" Sigaw ko din pabalik haha.
"Yung sasakto sa puso ng ex kong napaka kapal ng mukha!"

Sa pagkasabi non ni kuya napatakbo ako palabas ng bahay.

"Bakit kuya? Papatayin mo? Wag kuya makukulong ka!" Nakita kong may iniihaw si kuya -,- Hahahaha akala ko tunay na ex niya eh.
"Matagal naman na siyang patay na patay sa bago niyang mukhang bisugo." At maluha luha pa talaga si kuya. Ano bang meron at kanino pa hugot ng hugot to?
"Kuya seryoso. Anong kutsilyo? Hahaha."
"Yung pang liempo. Hahaha nakatulala ka kasi kanina habang naghahalo ng gatas at gulaman!" Humagalpak siya as in sobra sooooobra. Alam niyo na kung kanino ako nagmana ha.

Nakatulala pala ako kanina? Haha si Rose Ann kasi eh. Hindi ata ako pagbibigyan ni Santa ngayong Pasko sa wish ko.

Mapapakanta ka na lang ng 🎤 Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako. Hinahanap hanap pag-ibig mo. Kahit wala ka na umaasa at nangangarap pa rin ako. Muling makita ka, at makasama ka sa araw ng Pasko.🎶

"Gab yung kutsilyo!"

Ay oo nga pala hahahaha!

6 pm

Nagkakantahan sila Papa sa sala. Ako? Naghihintay kay Rose Ann. Lingon ako ng lingon sa gate namin nagbabakasaling dumating na siya.

7 pm

Kainan naaaaa! Hahaha agawan sa gulaman with condensada na ginawa ko eh. Oh well *pagpag ng manggas* hahahaha!

8 pm

Hugas time. Si kuya pinaghugas, siya pinakamaraming kinain eh hahaha!

8:30 pm

Naghanap ng movies si Papa. Per channel binibisita. Hanggang sa nakita niya yung Krampus sa Warner. Mukhang horror daw kaya yun na lang.

9:30 pm

At hindi nagkamali si Papa. NAKAKATAKOT TALAGA! Hahahaha!

11 pm

Nandito ako sa labas ng bahay, naglabas ako ng upuan. Magpapahangin lang (at maghihintay kay Rose Ann).

11:45 pm

Hayys. Wala ng pag-asa. Hindi na siya dadating. Tinawag ako nila Mama sa loob magbubukas na ng mga regalo. Kahit naman buksan ko yung mga regalo ko wala doon yung wish ko. Noong natapos na yung pagbubukas lumabas ulit ako at naghintay. Pag nag 12 na at wala pa siya buburahin ko na 'tong feelings ko sa kanya.

11:59 pm

Binuhat ko na yung upuan at binuksan yung gate, papasok na ako. Ayoko na umasa sa wala. Haha.

"Merry Christmas Gabbie."

May yumakap sa akin mula sa likod.

At kahit hindi niya ako binati, kilalang kilala ko siya.

Sinakto talaga sa Pasko ang wish ko <3

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon