CJ's POV
The moment na sinabi ni Paulo na break na sila ni Nica para akong nagkaroon ng instant mini heart attack.
Sila ni Nica? Break na?! Eh kakatapos lang ng anniversary nila ah!
Buti na lang kasama ko si Arjane ngayon sa bahay namin. Nag-movie marathon kami. Agad ko siyang sinabihan na pupunta muna ako kay Paulo. Sama daw siya kaya sige.
"Cheese."
"Bakit Cake?"Hoy wag kayo tumawa. Paborito namin ang cheesecake kaya yun ang tawagan namin. Cheese tawag niya sa akin tapos Cake naman ang tawag ko sa kanya.
"Gisingin mo ako kapag malapit na tayo bumaba ha. Mga five seconds bago tumigil yung bus."
"Aba grabe ka Cake. Five seconds talaga? Di ba pwedeng mga Magallanes gisingin na kita?"
"Hindi. Malayo-layo pa yun. Sige na matutulog na ako Cheese." Sabay pikit.Kung hindi ko lang mahal 'to eh haha.
Tinext ko si Paulo na nakasakay na kami sa bus. Pagka-send ko nakita kong nakasandal ang ulo ni Arjane sa sandalan ng upuan.
Ang peaceful ng mukha niya. Ang ganda.
Ramdam ko nanaman ang puso ko. Ang bilis ng tibok. Tinitibok nito ang pangalan mo Arjane.
Napangiti ako habang kinakabisado ko ang bawat detalye ng mukha niya.
Kaso na-distract ako sa pagtitig dahil biglang nauntog ang ulo niya sa bintana. Sa window seat kasi pumwesto.
Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko at niyakap siya.
Ngayon ko lang napansin na may goosebumps ang braso niya. Hindi ba naman nag-jacket talaga naman haha. Ipinatong ko sa kanya ang jacket na nasa bag ko.
At katulad ng sinabi niya, five seconds before tumigil yung bus ko siya ginising.
"Bakit mo tinotoo? Bilisan mo Cheese!" Sabay hatak sa akin pababa sa bus.
"Eh sabi mo eh! Sinunod ko lang ang utos ng akin mahal na gelpren!"
"Gelpren?! Yuck!" Tapos biglang lumayo sa akin huhu.
"Hahaha ano ka ba joke lang yung gelpren ang jeje masyado haha!" Hinabol ko siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay. Baka takbuhan nanaman ako. Mahirap maghanap sa Manila.Tahimik naman siya hanggang sa makarating kami sa terminal ng UV Express.
Pagkaupo namin sa loob ng van bigla siyang humikab.
"Cake? Inaantok ka pa?"
"Yes Cheese. Pero hindi na ako matutulog. Malapit na tayo eh."Tahimik lang kami habang umaandar. Pagkababa namin, tumawid kami at naglakad papunta sa dorm na tinutuluyan ni Paulo.
"Cake?"
"Yes Cheese?"
"Bakit ang tahimik mo?"
"Inaantok pa kasi ako eh."
"Nagpuyat ka kagabi?"
"Oo. Tinapos ko yung Empress Ki."
"Empress Ki? Ang daya mo sabi mo sabay nating tatapusin huhu." Ang daya niya talaga. Sabay naming pinapanood yun eh."Eh nabibitin ako tuwing natatapos ang bawat episodes. Sorry na Cheese ililibre na lang kita sa McDo mamaya hihi papayag na yaaaaan."
Libre daw? Haha sino ba naman ang tatanggi don?
"Sige na nga haha. Basta sa susunod sabay nating tatapusin ha."
"Sure Cheese."Nang makarating kami ni Arjane sa dorm nag-log in kami sa front desk. Naghagdan kami para daw makapag-exercise kahit hapon na.
Kumatok kami pagkarating namin sa room ni Paulo. Agad naman niya itong binuksan.
"Paulo! Tumigil ka na sa pag-iyak!" Binigyan ni Arjane ng tissue si Paulo.
"Eh kasi si Nica eh. Kahit para sa lola niya yun masakit pa rin na wala na kami!" At humagulgol na siya ng walang humpay. Inakbayan ko siya.

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...