Paulo's POV
Ang ganda nung babaeng Inglesera. Galing talaga ni Intsik maghanap ng chicks haha.
In-announce ang mga winners kaya tumayo na kami at pumunta sa stage. Todo palakpak ang mga classmates namin pati teachers. Bihira kasi mag-champion ang branch namin kasi kakaunti kami. Pagkatapos ng awarding, uwian na. Nilapitan ko si Caygee. Aba, busy sa cell phone.
"Sinong katext mo?" tanong ko sa kanya.
"Si Nica. Bakit?" Ang sungit nito ah.
"Wala."
Tumalikod ako at maglalakad na sana nang biglang hatakin ni Caygee ang P.E. shirt ko.
"Selos ka?"
"Hindi. Bakit ako magseselos?"
"Weh? Ayaw pa umamin e. Torpe talaga."
"E ano naman kung crush ko? Ikaw naman ka-text," bulong ko pero narinig niya ata."Sabi na e, crush mo nga pero torpe ka. Wawa ka naman Pau."
"Tumigil ka nga. Pakisabi replyan niya ako."
"Sige na nga. Para mabawasan chicks ko. Di ko na kasi mabilang sa sobrang dami," yabang talaga ni Caygee."Yabang, pero salamat. Una na ako sa jeep."
Tuluyan na akong umalis.
Pagdating ko sa jeep . . .
"Si Caygee na lang ang kulang. I-text niyo nga kung nasaan na siya," utos ng aming gurong tagapayong—este tagapayo.
Nakita kong lahat sila tinext si Caygee kaya nakigaya na rin ako.
Siguro mga limang minuto bago siya dumating.
"Grabe naman kayo, gan'on niyo na ba ako ka-miss?" lahat sila umarteng nasusuka.
"Hoy, Caygee! Ikaw na lang ang hinihintay kaya tinext ka namin, wag kang feeling," paliwanag ni Ma'am A.
"E kailangan po bang lahat kayo? Gwapo ko talaga," naku po. Nakahithit ata 'yan ng katol.
"Kuya, drive ka na po. Nakaka-stress 'tong batang 'to," tumawa kami sa naging reaksyon ni Ma'am A. Namumula yung tenga with matching massage sa noo hahahaha. Sino ba namang hindi sasakitan ng ulo sa kahambugan ni Caygee?
Nang makarating kami sa school nagpaalala si Ma'am A sa amin.
"Bukas may pasok ha. Regular time. Ang umabsent, walang additional grade sa quiz. Plus 4."
Sige, papasok na ako. Sayang yung 4 points haha.
Kumain at naligo ako pagkarating ko sa bahay. Hayy, sarap mahiga sa kama at matulog.
Zzzz . . .
Zzzz . . .
Zzzz . . .
"Bilisan mo! Baka magising." Sino kaya yung mga nagsasalita? Dumilat ako at nakita sina Caygee, Gab, CJ, Andrian, at Anthony sa kwarto ko hawak ang cellphone ko. Ano kayang tinitingnan nila?
"Ano tinitingnan niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Yung ebidensyang may gusto si Paulo kay Nica." Sagot ni Anthony.
"Ah, may nakita ba kayo?" Tumingin sila sa akin tapos tumawa na parang slow motion.
"He-he-he, meron eh. Wallpaper mo palang." Pahina ng pahina yung boses ni CJ. Noong nag-sink in yung sinabi niya, automatic na hinablot ko yung cellphone ko at nakita kong wallpaper ko si Nica! Tsk, pinicturan ko kasi siya kahapon. Hindi kasi ako makalapit sa kanya eh, inaatake ako ng torpelitis.
"Isa, dalawa. . ." Bilang ni So.
"Takbo!" Sigaw nilang lahat sabay takbo palabas ng kwarto ko. Sinundan ko sila hanggang sa makalabas sila sa bahay namin.
"Paano kayo nakapasok? Hoy bwiset kayo nangangalikot kayo ng cellphone ng may cellphone! Wala si papa dito?" Naging akyat bahay na ba sila? o_O"Nandito yung papa mo kanina, may pupuntahan lang daw siya kaya pinapasok niya kami. Bantayan ka daw." Paliwanag ni Anthony. Seriously Papa, bata pa ba ako para bantayan?At sa mga ito pa?
"Sige na nga, pasok na ulit kayo." At talagang pumasok sila!
Nagkwentuhan na lang kami habang hinihintay si Papa. 7:30 ng umaga pa lang.
"Ui gusto niyo makilala yung bagong crush ko?" Tanong ni Gab.
"Talaga Gab? Congrats! May love life na si baby! Hahaha." Loko talaga si Caygee.
"Ang ganda dre, bagong kapitbahay namin. Rose Ann de Castro ang pangalan.""Ah. Yung babaeng laging nakangiti?Yung medyo malaki mata?" Tanong ni Anthony.
"Maganda Gab? Tara puntahan natin." Napaka-chickboy talaga ni Caygee, una si Nica tapos pati ba naman si Rose Ann?"Tumigil ka nga Caygee! Akin si Rose Ann, si Nica na lang sayo." Depensa ni Gab.
"Hep hep! Akin si Nica! Hanap ka ng iyo." Sabi ko kay Caygee.
"Di bale, may nakita naman akong magandang babae sa Main kahapon. Pinsan ni Nica.""Ha? Lupet mo Intsik!" Komento ni So. Hayy nako, sino naman kaya ang makakatagal sa ugali ni Caygee? Papalit palit ng chicks eh.
"Sa Sabado na lang tayo pumunta sa bahay nila. May pasok tayo ngayon eh." Sabi ni Gab.
"Paulo!" Andyan na pala si Papa. Binuksan ko yung gate at tinanong ko siya kung saan siya pumunta, bumili lang pala ng ulam.
"Sige Pau, uwi muna kami. Kita kits sa school mamaya." Paalam ni CJ.
"Sige ingat." At hinatid ko sila hanggang sa gate ng subdivision namin.
Uwian. Di pa pumapasok, uwian na agad? Haha, excited na kasi ako makita yung sinasabi ni Gab.
"Bihis muna kami tapos punta na lang kami sa bahay niyo." Sabi ni Anthony kay Gab.
"O sige, bilisan niyo."Maya-maya lang, pumunta na kami sa bahay nila Gab.
"Gab!" Tawag ni CJ.
"Tara, tapat lang namin yung bahay nila." Lumingon kami sa bahay na tinuro ni Gab, ang laki! Mayaman siguro sila Rose Ann.
"Tao po! Rose Ann?" May isang babaeng lumabas sa bahay nila. Ang ganda! Ngayon ko lang napatunayang kids don't lie talaga, sabi kasi ni Gab maganda daw si Rose Ann, haha! Peace tayo Gab ^________^V
"Hello Gab! Sila ba yung mga kaibigan mo? Pasok kayo." Lahat kami nag-hi kay Rose Ann at pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Ang laki talaga ng bahay nila.
"Rose Ann, ito si Paulo, Caygee, Andrian, Anthony, at CJ." Pagpapakilala sa amin ni Gab.
"Hi! Nice to meet you. I'm Rose Ann de Castro. I hope that we will be friends."
"Ano ba yan Gab at Paulo, dalawang araw ng dumudugo ang ilong ko. Una dahil kay Nica tapos ngayon kay Rose Ann." Reklamo ni Caygee.
"Sorry! Nasanay lang, anyway, kilala niyo si Nica? Nica as in Nica del Rosario?"
"Oo. Bakit mo siya kilala?" Tanong ko.
"Well, she's my best friend since kindergarten."ANO DAW?
"Hello Rose Ann! I heard everything you said, yeah we know each other because we're schoolmates." Nagulat kami dahil may isang babaeng nakatayo sa pintuan nila at nakangiti tapos bigla biglang nagsalita. Hala, andyan si Nica! Ang puso mo Pau. Hindi nanaman ako makalapit sa kanya, kailangan ko na talagang humanap ng gamot para sa torpelitis.
Nag-kwentuhan lang kami. Inisip ko na lang na close kami ni Nica kaya medyo nawala yung hiya ko sa kanya. Tuwing nagku-kwento siya nakatitig ako sa mukha niya. At kapag naman titingin siya siyempre ang kuya niyo titingin sa iba haha. Umuwi ako ng may ngiting tagumpay sa mukha.
Hindi pa man talagang nawawala yung torpelitis ko, at least nababawasan.
Sana naman sa susunod na magkita kami wag na ako atakihin ng Torpelitis. Nakakabakla kaya!

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...