Gab's POV
Aral. Kain. Tulog. Nood.
Yan ang naging buhay ko simula noong nawalan kami ng komunikasyon ni Rose Ann. Nagkikita na lang kami kapag nagkakasabay lumabas o pumasok sa bahay. Hindi niya rin naman ako kinukulit na mag-usap kami kaya ayos na rin sa akin yon.
Pero aminin ko man o hindi. . .
I miss Rosie.
Sobra.
Tuwing nakikita ko sila sa school ni Tan hindi ko maiwasang hindi magselos. Nagseselos ako kasi gusto ko ako yung nasa pwesto niya. Gusto ko ako ang nag-aalaga kay Rose Ann.
Gusto ko ako ang nagmamahal kay Rose Ann at ako ang mahal niya.
Bukas na pala ang Valentine's Day. May party daw dito sa school sabi ng mga blockmates ko. Wala naman akong balak pumunta.
Para saan pa? Wala naman akong Valentine. Psh ang bitter ko haha.
May color coding daw bukas :
Red - in love, may ka-forever
Pink - natotorpe o pabebe pa
Blue - nagmo-move on
Black - bitter
White - study first
Brown - no comment
Yellow - single and ready to mingle
Green - taken by heart but single by status
Violet - no time for loveAng hirap naman mamili ng kulay na susuotin. Parang lahat pwede sa akin maliban sa red at pink eh.
Pero aattend na nga lang ako. Malay mo may makilala akong kayang burahin si Rose Ann sa puso't isipan ko.
"Mel uwi na ako." Paalam ko sa seatmate slash blockmate ko. Siya yung naging pinaka-close ko kasi lagi ko siyang nagiging kagrupo.
"Bakit naman? 10 am pa lang oh."
"Maghahanda na ako para sa party bukas. Alam mo na. Kailangan mas gwapo ako kesa sayo hahaha!"
"Tapos na ang Ber months pero ang lamig pa rin noh? Damang dama ko yung hangin pre! Hahaha!" Tawanan daw ba ako 😒
"Basta Mel uuwi na ako ha. I-update mo na lang ako kung may party pa ba o wala na."
"Bitterness overload ah. Sige Gab ingat ka."At saktong pagkalabas ko ng room nakita ko si Rose Ann at si Tan.
NAG-AAWAY.
Sinampal ni Rose Ann ng sobrang lakas si Tan.
Wala akong balak mangialam sa kanila pero nang makita kong may pumatak na luha sa mata ni Rose Ann hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanila, nilayo ko si Rose Ann at sinuntok si Tan. Agad naman siyang bumangon. Wala na akong pake kung may makakita sa amin. Kahit na hindi ko pinapansin si Rose Ann hindi ko pa rin hahayaang nay manakit sa kanya.
"Bakit mo pinaiyak si Rose Ann ha?!"
"Takte. Anong problema mo Gab?! Wag ka mangialam dito!"
"Problema kita! Sinaktan mo si Rose Ann! Isa pang beses na gawin mo 'to babasagin ko yang mukha mo!" And with that, hinatak ko papalayo si Rose Ann."Rose Ann!" Tawag sa kanya ni Tan.
"Break na tayo!" Sigaw naman sa kanya ni Rose Ann.Dinala ko siya sa field. Doon kami sa gilid umupo.
"Rosie." Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang kanyang mga luha.
"Papagalitan mo ba ako kasi hindi ako nakinig sayo?"
"Ano bang nangyari? Bakit kayo nag-away?"
"Bakit gusto mo malaman? Hindi tayo bati diba." Oo hindi tayo bati pero gusto ko malaman kung bakit ka nagkakaganyan. Iniiyakan mo yung bwiset na lalaking yun."Hindi tayo bati pero mag-best friend pa rin tayo. Kaya ikwento mo na. Makikinig ako." Niyakap ko siya kasi hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.
"Sure ka Gabbie? Bati muna tayo please."Matitiis ko ba naman 'to? Hayys.
"Oo na sige na."
"Yehey! Bati na tayo ha talaga talaga talaga?!" Bumalik na ang sigla ng Rose Ann na kilala ko.
"Oo nga ang kulit haha ano na sabihin mo na."

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...