Chapter 41 : Never Give Up

162 8 1
                                    

Anthony's POV

Nag-aayos ako ng buhok ngayon para sa Valentine's Party ng school.

Oo na pupunta na ako. Aamin na ako kay Aubrey. Hindi ko na kaya magpanggap na masaya ako. Hindi ko na kayang itago itong nararamdaman ko sa kanya.

Pagdating ko sa school puro hearts, balloons, at disco lights ang nakita ko. Nakita ko ang auditorium na ang daming tao. Napatingin ako sa stage. Ang theme ay "Never Give Up", na hindi maitatangging maganda ang pagkaka-decorate.

Teka, parang para sa akin ang theme na yan ah?

After ng registration hinanap ko ang reserved seats and table ng section namin.

"Hi Toning!"

At paglingon ko sa kanya.

Tumibok ulit ang puso ko.

"Hi Aubrey. Ang ganda mo. Happy Valentine's."
"Ay hihi salamat. You look handsome and cool tonight Anthony. Happy Valentine's din. Tabi na tayo gusto mo? May ni-reserve na akong upuan para sayo."

Totoo ba ito?

Natuwa naman ako ng konti. Haha. Slight lang ano ba kayo. Haha.

Umupo na ako sa upuang ni-reserve ni Aubrey para sa akin. Naks naman, "para sa akin" haha.

"A wonderful evening to all of you students, faculty members, administrators, deans, and guests! Tonight we celebrate a night filled with love, a special night for the seniors, a night called "The Valentine's Night : Never Give Up."

Lahat kami nagpalakpakan sa sinabi ng emcee. Maya-maya nag-speech na ang principal, sunod ang dalawang guest speakers, tapos kainan na daw muna bago sayawan.

"Aubrey anong gusto mong pagkain? Ako na kukuha." Pagprisinta ko.
"Hmm, ayoko mag-rice eh. Pesto na lang, with baked mac, tuna sandwich, strawberry yogurt, at tubig. Haha sorry madami." Nag-peace sign pa siya.
"Haha ano ka ba okay lang. Sige hintayin mo na lang ha? Medyo mahaba ang pila eh."
"Sige thank you."

Pumila na ako. According to my calculations, (naks, taray ng English) mga 25 minutes akong nakatayo at nakapila. Kung anong sinabi ni Aubrey yun na rin ang akin. Gaya-gaya? Hindi. Wala lang akong gana sa sobrang kaba. Aamin na ako mamaya mga tsong! Wala akong pake kung anong mangyayari basta aamin na ako. Bago pa mahuli na talaga ang lahat.

Pagbalik ko sa table namin wala si Aubrey. Nilapag ko ang mga pagkain na dala ko sa mesa.

"Dryle si Aubrey nakita mo?"
"Ay men nasa stage. Tinawag. Isa sa mga candidates ng Mr. And Ms. Valentine. Biglaan nga siyang nilapitan kanina eh."
"Ay ganon ba, sige salamat."

Hinanap ko si Aubrey sa stage. Nakita ko siya sa pinakagilid. Pinakilala sila isa-isa at sinabing surprise daw ang criteria ng pagpili ng mananalo. Pagkatapos non bumalik na siya sa table.

"Ui congrats, ang ganda mo kasi eh. Galingan mo mamaya ha." Pagbati ko sa kanya.
"Ano ka ba hindi naman. Haha nako wag ka na umasang mananalo ako. Salamat pala sa pagkuha ng foods."

Nag-umpisa na kaming kumain. Saktong pagkatapos ko uminon ng tubig may lumapit na taga-ibang section.

"Mr. John Anthony Chavez?"
"Ako po yun. Bakit po?"
"Punta daw po kayo sa stage now na."
"Hala bakit daw?"
"Isa ka po sa candidates ng Mr. Valentine." At bigla na lang niya ako hinila.

"Teka!" Pagpupumiglas ko.

Hindi niya ako pinakinggan. Huhu anong gagawin ko? Wala akong balak maging candidate!

So ayun nga. Nakakainis. Pinilit ko na lang ngumiti sa harap ng maraming tao. Tutal sanay naman na ako magpanggap na masaya. #Hugot101NiToning

"Ang taray mo Toning! Congrats!"
"Haha Aubrey naman. Kung alam mo lang." Na ang hirap ngumiti kapag ayaw mo.

"So to let the real party happen tonight, the dance floor is open in 3, 2, 1!"

Pagkasabing-pagkasabi ng emcee nagsipuntahan sa gitna ang mga estudyante at nag-umpisang sumayaw. Ang tugtog ay "Iris", isa sa mga favorite songs ko.

"Aubrey," Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya, "Can we dance?"

Hindi na niya pinatagal ang pagkuha sa kamay ko.

"Yes Anthony."

Nag-umpisa na kaming sumayaw. Pero ang posisyon ng kamay namin hindi yung ordinary na nakalagay sa bewang ng babae at nakapatong sa balikat ng lalaki. Yung pang-Waltz, Tango position ganern.

And I'd give up forever to touch you
Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't want to go home right now

Totoo Aubrey. I don't want to go home right now. Kasi hawak ko ang kamay mo. Kasayaw kita. Kasama kita. Kasama ko ang babaeng mahal ko.

And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
Cause sooner or later, it's over
I just don't want to miss you tonight

Oo, "cause sooner or later, it's over," alam ko na saglit lang itong moment na ito. Itong moment na ang lapit natin sa isa't isa. "I just don't want to miss you tonight," kahit anong araw o gabi Aubrey. Ayokong mamiss ka. Kasi lalo akong nahuhulog sayo.

And I don't want the world to see me
Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

And you can't fight the tears that ain't coming

Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko tuwing nasasaktan ako Aubrey. Sa lahat ng magugustuhan mo, kaibigan ko pa. Pero mas lalong hindi ko mapipigilang itago na lamang ang pagmamahal ko sayo.

Or the moment of truth in your lies
When everything feels like the movies

Kaya katulad ng mga nasa palabas, I won't give you up, Aubrey Mae Concepcion. Kahit gaano kasakit, gaano kahirap, kakayanin ko. Mahalin mo lang ako.

Yeah, you bleed just to know you're alive

Aamin na ako sa tunay kong nararamdaman.

"Aubrey may sasabihin ako sayo."

And I don't want the world to see me

"Kaso baka hindi mo ma-gets, o maintindihan kung bakit, o kung paano."

Cause I don't think that they'd understand

"Lagi akong nasasaktan sa tuwing nasasaktan ka kasi may mahal na iba si So."

When everything's made to be broken

"Gusto kong malaman mo na nandito lang ako palagi para sayo."

I just want you to know who I am
Cause I don't think that they'd understand

"Gusto kong malaman mo na . . ."

When everything's made to be broken

"Mahal kita Aubrey."

I just want you to know who I am

"At nandito ako para saluhin ka."

I just want you to know who I am

After ng kanta, bumitaw si Aubrey.

"Anthony."
"Oo alam kong parang imposible. Pero posible Aubrey. Mahal kita."

Hindi siya sumasagot.

"Kahit hindi mo sagutin okay lang. Gusto ko lang ipaalam sayo para alam mong may nagmamahal sayo."

Yan na. Nasabi ko na. Kahit papaano ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

"I will never give up on you Aubrey."

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon