Paulo's POV
April 4, bisperas ng fiesta dito sa Mamatid. May free concert ang ilan sa mga bandang gustong gusto ko, ang 6 Cyclemind at Callalily. Nagperform din ang Asin at yung bandang parang F4 na Koreano hahahaha! Kung kumanta yung vocalist "Shwishawshwaaaaw" Hahahahaha!
Nakapwesto kami sa harap kaya kitang kita ko ang mga kumakanta. Wooooo rakrakan na this!!!!
Sabi ni Kap. Nani magfa-fireworks na daw.
3
2
1
HAPPY FIESTA MAMATID!!!!! d
Dinaig pa yung sa EK eh. Ang ganda! Pinaliwanag ng mga paputok ang madilim na kalangitan.Parang si Nica. Pinaliwanag niya ang madilim kong mundo.
Busy ako tumingin sa nagliliwanag na langit.
Nang mapatingin ako sa likod ko.
O.O
"Hi Paulo!"
SHETE. GABI NAMAN NGAYON AH BAKIT NIYA AKO KITA?
Self lait ba ito? Hahahaha.
"Hiiii Nica." Ampupu di ko alam anong sasabihin ko.
"Ang ganda ng fireworks noh?"
"Oo nga eh kasing ganda mo."
"Ay haha thanks."Okay, anong sinabi ko? Hahahahaha.
"Gusto mo tumabi dito?" Sige lang Intsik hokage ka eh.
"Okay lang ba Pau?" Ha? Totoo ba ito?*pikit*
*dilat*
Totoo nga!
"Okay lang." Hihihi kinikilig tuloy ako. Ang bakla sheteng tae hahaha pake niyo ba? Eh sa kinikilig ako eh.
Una, kinausap ako ni Nica.
Pangalawa, nagpaalam muna siya sa akin bago siya pumayag na tumabi kay Caygee.
Anong ibig sabihin nito?
Tumabi sakin si Nica. Sabay naming pinanood ang mga liwanag sa kalangitan.
"Pau let's take a selfie!" Di na ako pinagsalita ni Nica, hinila na lang niya ako sa leeg, umakbay, at nagselfie.
MASASABI KONG PWEDE NA AKO MAMATAY SA KILIG.
"Isa pa."
*smile*
"Yan. Thanks. ^^"
Mga 30 minutes pa bago nagpakita ang Callalily.
Himala. . . kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala
Yan nag-umpisa na sila tumugtog. Rakrakan na talaga to!!!!!!
Halos di ako makapag concentrate kasi katabi ko si Nica. Pasimple akong tumitingin sa kanya. Ang ganda niya talaga. Ang ganda niyang pagmasdan. Alam niyo yung pakiramdam na kahit tingnan ko lang siya nakakagaan na ng loob? Parang nabubura lahat ng iniisip ko, siya na lang yung natitira.
Naki-sing along kami sa Callalily. At pagkatapos nila 6 Cyclemind naman pero inaantok na daw si Nica.
"Paulo I'm sleepy. Mauuna na ako umuwi ha? Enjoy ka dito." Aalis na sana siya nang biglang . . .
O.O
Nagulat ako sa ginawa ko.
Pati si Nica nagulat.
HINAWAKAN KO ANG KAMAY NIYA. TAKTE ANG HOKAGE KO TINGNAN BAKIT KO TO NAGAWA?!
"Uhm Paulo bakit?" Bumalik ako sa realidad nang nagsalita si Nica.
"Madaling araw na. Madilim sa daanan. Mag-isa ka. Babae ka pa. Ayaw kong mapahamak ka kaya ihahatid kita sa inyo."
"Ay nakakahiya naman Pau. Okay lang kaya ko umuwi. At isa pa, I have my flashlight and small cutter in my pocket."
"Kahit na. Wait lang."Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Nica.
"CJ dito muna kayo ha alis lang ako saglit. Ihahatid ko si Nica sa kanila. Inaantok na eh baka kung ano mangyari sa daan pag pinabayaan ko umuwi mag-isa."
"Ang kuya Paulo mo naman hahaha wala ng torpelitis! Congrats boi!" -CJ
"Hoy Pau ihatid mo ng walang galos yan ha." -Gab
"Ingatan mo Pau. Si Nica ang kinabukasan mo diba? Yan na ang simula ng happy ending!" -ThonyBwiset. Parang naririnig ni Nica. Baka malaman niyang gusto ko siya.
"Oo naman mga dre. Pano, hatid ko muna siya ha wag niyo ako iiwanan!" Pagkasabi ko non umalis na kami.
Hinihintay kong magtanong si Nica tungkol sa mga narinig niya pero mukhang wala naman.
Habang nasa daan kami pinailaw niya yung flashlight niya at ako ang humawak ng cutter. Aba baka biglang may umatake kay Nica.
"Paulo I really enjoyed tonight. Thank you!" Malapit na kami sa bahay nila Nica.
"Ako din naman Nica. Sobrang thank you din ha."Nasa tapat na kami ng bahay nila Nica.
"O ayan. Ligtas ka na. Good mornight Nica."
"Good mornight din Paulo. Salamat talaga ha. Ingat ka pabalik. You can use my flashlight."
"Wag na okay lang ako."
"I insist. Paano kung may mangyari sayo pabalik?"
"Oo na ito na po haha. Thank you Nica. Matulog ka na ha."
"Yes Paulo haha ingat ka."At noong nakabalik na ako sa concert, sandamakmak na asar ang natanggap ko galing sa limang kolokoy.

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...