Chapter 6 : Signs And A Huge Mistake

286 11 0
                                    

Andrian's POV

Heto na, heto na, heto na . . .

. . .

. . .

AKO!

Nye? Corny ng introduction ko. Hayaan niyo na lang. At least pogi.

Ano daw? Nevermind haha!

My name is Andrian Rosario, So for short. Ang pinakamagaling magpatawa. October 3 is my birthday.

Christmas vacation ngayon. December 23, wala akong magawa kaya naglaro ako ng Flappy bird. Oo na, di ako maka-get over sa larong ito di ko malagpasan yung 88 na score ko eh hahaha. Habang naglalaro ako, nag-vibrate yung cellphone ko. Meaning may nag-text.

Si Aubrey pala. Hindi naman sa assuming o feelingero ako pero parang may gusto sa akin si Aubrey. Parang lang wag kayong ano mag-react.

Ganito kasi yung mga texts niya :

-Good morning! gising na kayo. Eat your breakfast.

gm#AR143

-Have a nice day everyone =)

gm#AR.aisteru!

-Text tayo? Pm me.

-gm#ich liebedich.AR

O diba? Alam kong maraming AR sa mundo pero may posibilidad na ako yun diba?

"Hi Andrian! Text tayo?" Yan ang text sa akin ni Aubrey.
"Hello Aubrey, tanong ko lang, sino si AR sa mga hashtags mo?"
"Secret."
"Clue?"
"Matangkad." Ngek? Ang daming matangkad Aubrey. -.-
"Isa pang clue, malapit lapit."
"Taga-IJMC, friend ko."
"Pogi? Kayumanggi?" Feel na feel ko na ako talaga yun eh haha XD
"Oo. Tapos magaling magbasketball." See? Hahaha.

"Sino ba kasi yun?" Siyempre kunyare di ko alam.
"Hulaan mo :P"
"Daya, tampo na ako." Paawa effect haha.

"Sa June ko sasabihin."
"Sigurado ka?"
"Oo, ipaalala mo." Sana nga di ko makalimutan.

Magrereply pa sana ako kaso ubos na pala yung load ko.

"Ui Andrian galit ka?" Nako, hindi na nga ako makapag-reply, tatanungin pa ako ng ganyan.

Pinagpatuloy ko na lang yung paglalaro ko nang bigla akong tinawag ni Kuya. May pinapabili.

Pagkatapos ko bilhin, bumalik na ako sa kwarto ko. May nag-text pala sa akin, baka si Aubrey.

UNKNOWN NUMBER! *gasps* Sino iteych?

"Meet me in SM MOA, January 6, be ready."

Nakakatakot naman yung sender! English speaking na, wala pang clue kung sino. Papatayin niya ba ako? Wag naman sana! At dahil wala akong load, sapilitan akong nagpa-load.

"Sino ka po? At bakit mo ako pinapapunta sa MOA?" Kinakabahan ako sa reply niya.

*bzzt bzzt*

Hala! Ayan na.

"Basta pumunta ka na lang. 1 pm dapat nandoon ka na. Maliwanag?" Marunong naman pala siya mag-Tagalog.

"Ah sige try ko." Pupunta ba talaga ako dun?

"Wag mo i-try, GAWIN MO!" Grabe, text pa lang nakakatakot na, sa personal pa kaya?
"Are you a girl? Or boy?"
"Bakla, tomboy!" May nagawa ba akong mali para magalit siya ng ganto sa akin?

Hindi ko na nireplyan. Katakot eh haha.

Few days later . . .

Hindi ako mapakali simula noong nag-text si HS (Horrifying Sender). Bukas na yung January 6. Isasama ko na lang sila Caygee para may makapag-report sa pulis kung sakaling patayin nga ako ni HS.

Kinabukasan . . .

"So handa ka na ba?" Tanong ni Pau.
"Oo."
"May baril ka ba?" Naweirduhan kami sa tanong ni Gab kaya ipinaliwanag niya na para daw pag binaril ako, magagantihan ko daw. Yung totoo, mukha lang bang bata si Gab o isip bata na rin?

"Anong kulay ng damit mo?" Nag-text na si HS.
"Gray, naka-rubber shoes na black and white."
"Itaas mo yung kaliwang kamay mo." Sinunod ko siya.

Nilabas ni CJ yung cellphone niya at kukuhanan daw niya ng video yung mangyayari.

"I'm behind you." Reply niya.
"Anong itsura mo?"
"Naka-dress na yellow, with a brown headband."

Paglingon ko . . .

Isang diwata ang nakita ko.

Kaso biglang naging halimaw nang biglang . . .

*PAAAK!*

GANERN.

"Woah!" Yan ang reaksyon ng mga nakakita sa ginawa niya.

SINAMPAL NIYA AKO NG SOBRANG LAKAS!

"Ang kapal ng mukha mo para gawin kay Jewel yun!" Baliw ba itong diwata/halimaw na ito?

"Teka, hindi po kita kilala! Sinong Jewel? Bakit mo ako sinampal?"

"Aba, nagmamaang-maangan ka pa. Bakit mo sinisiraan si Jewel ha? Hindi ka ba makaintindi ng maghintay ka?"

"Ah Miss, sorry pero mali ata yung binibintang mo sa kanya. Hindi siya yun." Sabi ni Anthony.

"Ano bang pangalan mo?" Nako, mukhang mali nga!
"Andrian. Andrian Rosario."
"Wait lang po ah." Kinuha niya yung cellphone niya at may dinial na number.

"Hoy babae! Sigurado ka bang yun ang number niya?" Kung kanina galit na galit siya, ngayon naman takot na takot.

"Ay ganon ba, lagot ka sa akin mamaya." In-end na niya yung tawag at pumikit. Dumilat siya ng dahan-dahan at tumingin sa akin.

"Uhm, kuya. Sorry po! Wrong number yung binigay sa akin! Pasensya na po talaga. Sorry kuya sorry."

"Okay lang yun, Miss?"

"Bea."

"Miss Bea. Wag ka na mag-sorry, sa susunod kasi siguraduhin mo munang tama yung taong tinetext mo." Payo ko. Mahirap na noh, baka mamaya mainit ang ulo ng makabangga nito edi parehas na silang sasabog.

"Sige. Pasensya na po talaga kuya Andrian! Alis na po ako." Pinigilan namin siya at pinakiusapang makisama na lang siya sa amin, tutal wala naman kaming gagawin sa MOA. Tinawagan niya yung kaibigan niya at pinasunod niya dito. Nag-sorry rin si Jewel (friend ni Bea). Pinaliwanag nila yung kalokohang ginawa ng isa nilang schoolmate, Andrian rin pala ang pangalan.

Niligawan pala niya si Jewel, pero ni-reject siya kaya siniraan niya si Jewel na pera lang ang habol niya kay Bea, mayaman kasi ang family ni Bea. Grabe, ang babaw ng dahilan para siraan niya si Jewel. Hindi siya tunay na lalaki. Yung mga ganon dapat pinapaslang.

Kumain muna kami sa Max's bago sila nagpaalam.

Noong pauwi na kami, nag-text nanaman si Aubrey. Kailan kaya titigil yung babaeng yun? Ito yung hashtag niya : -gm#ILYAR

Ang pogi ko kasi kaya may gusto sa akin si Aubrey hahahaha! Nahahawa na ako kay Caygee.

Mabait naman pala si Horrifying Sender a.k.a. Bea Suzy Velasco. Wag mo lang gagalitin! Haha.

Nasampal tuloy ako kahit ako ay inosente -.-

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon