Chapter 60 : The Second Time

158 7 0
                                    

Paulo's POV

Pagkatapos ng reunion namin at pagbabalik ni Bea, mas tumibay at mas lumalim ang pagsasamahan naming anim. Every Saturday naglalaro kami ng Basketball sa court ng Luxury o sa Executive. Basta kung saan available. Tapos everyday may naka-assign na magpapakain sa amin haha. Pero isang meal lang. Baka hindi kami pag-aralin ng mga magulang namin eh haha.

Pati sa dorm ko bumibisita din sila.

Kaya masasabi kong sulit ang naging bakasyon namin.

August 9 ang pasukan ng UST kaya ngayong August 3 babalik na ako sa dorm.

Bago ako sumakay sa bus sa Pulo kumain muna ako ng lunch sa Jollibee. Spaghetti at cheese burger lang inorder ko. Ako lang naman mag-isa ang kakain eh 😭

Pagkatapos ko kumain pumunta na ako sa terminal ng bus at hinanap ang papuntang LRT Buendia.

Nang mahanap ko ito sa pinakadulong pwesto, sumakay na ako. Sa window seat ako nakapwesto.

Buong biyahe nakikinig lang ako sa music ko sa phone. Patingin tingin sa labas.

Hanggang sa umulan sa Magallanes. Nagka-traffic pa. Hayys. Ang lungkot naman. Napatingin ako sa katapat na bus at laking gulat ko nang makita kong nakatingin din yung taong katapat ko, nasa window seat din siya at gulat na gulat din.

SI NICA.

At magkasabay na umandar ang bus na sinasakyan namin. Hindi pa rin namin maalis ang tingin namin sa isa't isa kahit na umandar na ang bus.

"LRT Buendia!" Kung hindi lang sumigaw ang konduktor malamang hindi pa ako tatayo at bababa. Nakita kong tumayo din si Nica at sabay kaming bumaba. Napatakbo ako sa kanya at nakita kong tumatakbo rin siya palapit sa akin.

Bigla ko siyang niyakap.

Niyakap din niya ako.

In short, magkayakap kami sa gilid ng kalsada. Baka pag pumunta kami sa gitna matigok kami noh.

"Bakit nandito ka Nini?" Tanong ko sa kanya habang magkayakap pa rin kami.
"Ayaw mo ba? Pupuntahan kita sa dorm mo to surprise you. But it seems that I'm the one who got surprised!"
"No. Nagulat din ako. Imagine, magkatapat tayo sa bus at parehas pa tayo ng pupuntahan. Pero, bakit ka nga nasa Pilipinas? Ano nangyari sa lola mo?"

"Of course I cannot let her do this to us. Halos mamatay matay na ako araw-araw sa pagka-miss sayo Pau-pau! I talked to her in a polite way naman to let us have our relationship back. After months of convincing she finally agreed! And here I am, coming back to you, Paulo Dela Peńa, as your girlfriend."

"Talaga?! Mahal na mahal mo talaga noh? Salamat Nini sa pagbalik mo sa akin. Hindi ko in-expect na nandito ka ngayon at makikita kita. I love you Nica del Rosario." I kissed her cheek.

"I love you tooooooooooo Pau!" Pero hindi niya ako kiniss sa pisngi.

Kundi sa lips.

A passionate and longing kiss.

Wala na akong pake kung may mga nakakakita sa amin dito sa gilid ng kalsada. Ang mahalaga . . .

My Nica del Rosario is here. She's back. I got my happiness for the second time.

As soon as nakarating na kami sa dorm itinawag ko kila Caygee ang nangyari at nagsabing pupunta daw sila dito ngayon para maki-chismacks.

At ano pa nga ba?

Pumunta nga sila. Kasama ang kanilang girls. At ngayon kasama ko na rin ang akin <3

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon