Chapter 46 : Chase

153 8 0
                                    

Anthony's POV

October 26. Birthday ni Aubrey bukas. Kailangan gawin kong memorable ang 19th birthday niya.

Last year kasi pumunta kami sa Puerto Gallera kaya binati ko lang siya. Ngayong wala kaming lakad gusto kong i-surprise siya.

Dahil nakakasawa na ang mga typical na balloons, cake, chocolates, candles, etc. umisip ako ng bago.

Mahilig sa orange na prutas tsaka honey si Aubrey. Kaya may naisip akong gawin. Ice candy na orange, fresh orange juice, honey bread, at honey cupcakes. Sweet ba?

Oo. Maraming matamis eh! Hahahaha!

Actually dalawang linggo ko pinag-aralan kung paano gumawa ng mga ganon. Sa loob ng dalawang linggo hindi naman nasayang ang pag-aaral ko sa tulong na din ni Kuya Jayjay.

Nang matapos ako sa paghahanda ng pagkaing ibibigay ko sa kanya bukas, nag-check muna ako ng fb account ko. Bihira na kasi ako gumamit ng social media apps eh. Busy na sa buhay kolehiyo haha.

54 messages from SIXeys (Group chat namin yan nila Caygee, Paulo, CJ, Gab, at So)

Ito yung pinaka-latest.

Sosososososo : Boi! Nakaka-miss kayo.
Rizal (si CJ ito haha) : Snobber na yung iba diyan.
AngPinakaGwapoSaAnim (kilala niyo na kung sino yan -,-) : Available ako anytime mga dre 😊😊 Halos isang taon na rin tayong walang bonding huhu.
PauLiniment : Busy yung iba sa lovelife!
Gabait : Sige set lang kayo game ako palagi lalo na ngayong BH ako! 😭😭

Ako na lang pala ang hindi nag-chachat! Haha.

Me : Anong balak niyo?
AngPinakaGwapoSaAnim : Patangusin ang ilong mo boi. College na tayo't lahat lahat di ka pa nagpapa-vulcanize.
Gabait : HAHAHAHAHAHAHA REALTALK BESHIE!

Grabe itong Intsik na ito. Akala mo sobrang tangos ng ilong eh hahaha.

Hinayaan ko lang silang mag-chat ng mag-chat haha.

Napaisip ako. Oo nga noh. 10 months ago pa yung huli naming bonding. At ang bonding na yun ay simpleng laro lang ng basketball. Anong nangyari at parang sobra naming busy? Bukod sa pag-aaral ano pa? Sa lovelife? Eh dati naman kahit may lovelife walang ganito, walang salitang "busy" sa amin. Bakit ngayon meron?

Totoo ba talaga ang sinasabi nila na kapag daw nagkaroon na ng lovelife ay nakakalimutan na ang mga kaibigan?

Hindi naman, diba?

Ay nako tama na yan Toning. Asikasuhin mo na ang lahat ng ihahanda mo bukas.

Chinarge ko muna ang phone ko at bumalik na sa ginagawa. Inabot din ako ng tatlong oras sa paghahanda. Hindi lang kasi pagkain eh, may letter at Stitch na stuff toy na hug size ang laki. I-visualize niyo na lang. Paborito rin ni Aubrey yun haha.

Medyo kinakabahan din ako kasi baka imbis na ma-turn on sa akin si Aubrey eh lalo ako nitong ayawan. Hayys.

9 pm. Nanonood ako sa YouTube ng videos kung paano tugtugin yung "I Won't Give Up" nang biglang mag-pop up yung chat head ng GC namin.

PauLiniment : Kung hindi pa pala ako nag-chat sa GC na 'to kanina hindi pa kayo sasagot. Hindi ko na alam kung saan kayo nag-aaral eh. Parang hindi na tayo katulad ng dati. Anong nangyari sa ating anim?

Sa aming anim, si Paulo talaga ang pinaka-madrama haha.

Gabait : Oo nga eh. Bakit mga dre? Akala ko ba walang iwanan? Walang limutan? Diba?
Sosososososo : Yung isa nga diyan, parang tinuturing akong kalaban eh. Hindi na ako masyadong pinapansin. Dahil sa babae parang nawala na yung pagiging "best friends" namin.

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon