CJ's POV
Ang saya ng summer vacation ko! Naging close kasi kami ulit ni Arjane, pati na rin nina Tita Janica at Tito Arlan. Inimbitahan nila kami na bumisita sa bahay nila sa Quezon city. Madalas akong nandoon noong bata pa ako kasi naglalaro kami ni Arjane, tapos ayun, lumipat kami sa Laguna tapos sila naman lumipat din pero sa QC pa rin. Yun yung bahay na tinirhan nila noong mga panahong wala na akong balita kay Arjane.
Nandito na kami sa tapat ng bahay nila.
"Tao po!" Katok ni Papa. Si Arjane ang nagbukas ng gate.
"Hello po! Tuloy po kayo." Pumasok kami at pinaupo niya kami sa sofa nila.
"Mommy, Daddy! Nandito na po sila Tita Clarissa at Tito Chrysander!"
Noong nakita kami nila Tito at Tita, niyakap nila kami at kinumusta. Nagkwentuhan kami hanggang sa may dumila sa paa ko.
Pagtingin ko . . .
"Arjane si Chin ba ito?" Si Chin ay tuta nila Arjane dati na ubod ng cute. White and brown ang kulay niya. Isa siyang Australian shepherd.
"Oo siya na yan. Laki na niya noh?"
"Oo nga eh. Dati tuta pa lang siya na walang kamuwang-muwang. Pero ngayon nanay na. Namatay yung asawa niya, si Hazch, nagkasakit kasi." May mga tuta kasing nakasunod kay Chin. Sinabi ni Tito Arlan na pwede daw naming ipasyal sina Chin sa garden kaya pumunta kami doon.
"Tanda mo pa ba noong naligo tayo sa ulan? Kasama natin si Chin diba?" Tanong ni Arjane.
"Oo naman. Hindi ko makakalimutan yun. Putik putik nga tayong tatlo noon eh! Haha."
"Arf arf!" Hindi po si Arjane ang kumahol, obvious naman na si Chin yun haha.
Bigla na lang siyang tumakbo. Hinabol namin siya at naging abot-tenga ang ngiti ko sa aking nakita.
Isang puno na may markang : "Christian and Arjane = BFF (May 29, 2005)"
"Buhay pa pala yang punong inukitan natin!" Hindi makapaniwalang saad ko.
"Siyempre inalagaan ko yan. Remembrance natin eh."
"Tara picture tayo kasama si Chin." Kinuha ko yung camera ko at nagselfie kaming tatlo. Isinama na rin namin yung mga tuta, ngumangawa na kasi.
Magpipicture pa sana kami kaso biglang umulan.
"Silong tayo CJ!"
"Ayoko! Ligo tayo sa ulan." Ipinasok ko na lang sa sala nila yung camera ko para hindi mabasa.
"Chin! Tara, habulan tayo nila CJ!"
"Ah ganon? Game ako!" Nagtakbuhan kami at bigla kong naalala yung mga panahong bata pa kami ni Arjane. Naghahabulan rin kami habang naliligo sa ulan kasama si Chin.
Pagpasok namin sa sala . . .
"Arjane? Naligo nanaman kayo sa ulan?" Tanong ni tito Arlan.
"Opo Dad. Namiss ko makipaghabulan kay Christian."
"Christian naman! Wala kang pamalit! Paano ka uuwi, basa ka?" Nako, nasermunan pa ako ni Mama.
"Dito ka na lang matulog Christian. May mga damit naman si Arlan na kasya sayo." Pag-iimbita sa akin ni tita Janica."Okay lang ba sa inyo?" Tanong ni Papa.
"Opo! Para makapagbonding kami ng best friend ko. Please Mom and Dad?" Ano ba yan, mas lalo ko tuloy nagugustuhan si Arjane. Ang cuuuute haha."Sige anak. Magpakabait ka sa kanya okay?" Yes! Pumayag si Tito.
"kaw rin Christian. Wag kang pasaway ha?" Bilin ni Mama.
"Opo."
"One week ka na lang magstay dito Christian. Mga ilang araw kasi kaming wala ni Janica dahil sa trabaho. Para naman may kasama si Arjane dito."
"One week? Sobra naman po ata yun." Aba, kahit na gusto kong makasama si Arjane, may hiya pa rin ako."Okay lang sa amin. Mababawasan ang pasaway sa bahay!" Loko talaga si Papa -.-
So yun nga ang nangyari.
Umuwi na sila Mama at Papa. Sa guest room nila ako pinatuloy para makapag-shower at magbihis. Pagkatapos nun, nag-dinner na kami.
Pumunta ako sa kwarto ni Arjane.
*Tok tok tok*
"Pasok." Binuksan ko yung pintuan. Tinanong ko kung anong binabasa niya. Ang sabi niya The Elite. Inalok niya kung gusto ko daw ba magbasa. Sabi ko sige. Kuha na lang daw ako ng libro. Pinili ko yung At Bertram's Hotel. Pero pagkalipas ng sampung minuto, hindi ko na kinaya.
"Arjane pwede iba na lang? Nakakatakot kasi masyado." Hindi naman masama umamin diba? At isa pa mas nakakahiya kung mamaya pa ako aamin kung kailan nagsisisigaw na ako. Ma-turn off pa sa akin si Arjane.
"Okay lang, pili ka na lang ng gusto mo."
Kinuha ko yung City of Bones.
Maganda yung story kaya tinuloy ko ang aking pagbabasa.
Naramdaman kong may tumatawag sa akin tapos niyuyugyog ako. Si Arjane pala.
"Meryenda na tayo, nakatulog ka eh."
"Sorry ah? Nakatulog pala ako."
"Ayos lang, napagod ka siguro sa biyahe."Bumaba na kami ni Arjane. Saging con yelo ang inihandang meryenda ni Tita Janica.
"Tita pwede po ba mag-round two? Ang sarap po kasi." Oo na makapal na mukha ko. Masarap kaya tapos nabitin ako.
"Oo naman. Kuha ka lang."
Nang matapos kaming kumain, umakyat na ulit kami. Nag-iimpake na sila tito dahil mamayang gabi aalis na sila. And guess where.
Sa Boracay lang naman. Gusto nga sanang sumama ni Arjane kaso sabi ni Tito Arlan business trip yun hindi vacation.
Nanood na lang kami ng Drag Me To Hell, horror daw ang gustong panoorin ng mahal kong best friend edi pagbigyan. Yuck, ang corny ko.
Napasigaw si Arjane kasi biglang lumitaw yung mukha ng matanda -.-Kahit ako nagulat. Pagkatapos naming manood, nagyaya si Arjane na pumunta sa veranda para magpahangin. Gabi na pala.
"Bilangin natin yung stars." Sabi ko.
"Sige, kunin ko lang yung comforter."
"Ako na."
"Christian tingnan mo oh! Ang ganda, heart-shaped! Picturan mo dali." Sinunod ko si Arjane, ang ganda nga nung stars."Selfie tayo tapos yun ang background." At nagpicturan kami hanggang sa makatulog na kami.
BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...