Gab's POV
Sabi nila, iba na ang buhay college sa buhay high school.
At masasabi kong totoo iyon.
Dahil ngayong college halos na wala na akong pahinga. May thesis na agad kami eh, pero baby thesis lang daw. Take note ha, LANG DAW.
Ang thesis namin ay tungkol sa "Languages Of The World." Gravity, ang dami non dre 😭😭
Pero mukhang okay na rin ang magpaka-busy. Medyo hindi ko na naiisip si Rose Ann. Medyo lang, lagi ko naman naiisip yun eh kahit na may Tan na siya. Ang sakit. Hahahaha tawa na lang tayo.
Nasa room ako ngayon. Nakabilog ang upuan namin ng mga kagrupo ko sa thesis at pinag-uusapan namin kung anong plano namin hahaha.
"December 16 pasahan nito guys. Sa mismong araw daw ng Christmas Party." Sabi ni Ellie.
"October 5 pa lang ngayon. Kaya yan." -Moses
"Umpisahan na natin mamaya. Ayokong abutin ng Christmas Party noh!" -Yin
"Mag-assign na tayo ng tasks ng bawat isa para hindi mabagal ang paggawa. Okay lang ba sa inyo?" Tanong ni Jeg na sinang-ayunan naming lahat."Sa inyo Gab?"
"Ha? Anong sa amin?"
"Sa inyo tayo mamayang hapon?"Mamayang hapon. Hmm. Wala naman akong gagawin plus yung bunsong kapatid ko lang ang nandoon pati si Kuya.
"Sige. Anong oras?"
"Since ang uwi natin ay 11:30 pwede na siguro ang 1? Nakapagpahinga naman na kayo non noh?" Suggestion ng leader namin na si Trina.
"Sige!" Sigaw nilang lahat at nag-Let's-Volt-In pa sila hahaha mga loko din pala kahit college na.Wala na daw yung sunod naming prof kasi may meeting daw kaya early dismissal. 10 am pa lang uwian na.
Pasakay na ako sa jeep.
"Hahaha you're so funny Tan! Hahahahaha!"
Tae. Yung boses na yun.
"Hahahaha wag mo na ako tawanan umuwi na tayo!"
"I can't help it hahahahaha!"Medyo naririndi ako sa dalawang ito. Nasa gilid ng kalsada tapos naglalandian.
Hindi ako nagseselos. Hindi talaga.
"Oh, hi Gabbie!" Hindi ko sana papansinin si Rose Ann kaso humarap siya sa akin at ngumiti ng malawak.
Darn it! Tigilan mo ako sa ngiting yan Rosie!
"Gab! Mag-isa ka lang?" Nakakabwiset talaga yang Tan na yan! Kita mo bang may kasama ako ha?! Kita mo?! O may nakikita kang hindi ko nakikita?!
"Uhm, hello. May kasama ako, actually nauna na siya umuwi eh." Nice lie, Gabriel.
"Ay sino naman Gabbie? Ikaw ha. You're not telling stories to me anymore." Nag-pout si Rose Ann.
Ito nanaman ako. Nahuhulog ulit sa kanya.
Kaso hindi na dapat tayo maging katulad ng dati, Rose Ann.
"Ah kasi wala lang naman yon Rosie. Sige uwi na ako." Sumakay na agad ako sa jeep na tumigil. Kailangan ko na umalis doon. Sa lugar kung nasaan ang mahal ko at ang mahal niya.
Pagdating ko sa bahay kumain agad ako. Ganito ba kapag broken hearted? Tumatakaw? Haha!
Bilang pahinga, nagbasa-basa muna ako ng lesson namin para bukas. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
"Kuya Gab may mga classmates sa po sa labas."
Naramdaman ko ang pagyugyog sa akin ni Jaira, bunsong kapatid ko. Minulat ko ang mata ko.
"Anong oras na ba?"
"12:30 po."Bigla akong napabangon.
"12:30 pa lang?!"
"Opo."
"Eh bakit nandito na sila?"
"Di ko po alam. Sige na Kuya pumunta ka na don naglalaro ako ng My Little Pony eh." Bigla siyang umalis at nakita ko na lang na pumunta siya sa sala at naglaro.Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko ang hindi ko inaasahang makita.
Si Rose Ann.
Kasama si Tan.
Ano bang problema nila?! Sadista ba sila?! Kailangang ipamukha sa akin na sila masaya ako hindi?! Na sila walang problema, ako nasasaktan?!
Kahit ganon, bumaba ako at pinagbuksan sila ng gate.
"Bakit kayo nandito?"
"Nagyaya kasi 'tong si Rose Ann na mag-movie marathon dito sa inyo. Mukha ka daw kasing malungkot." Sagot ni Tan.
"Is it because someone left you earlier before we saw you?" Tanong naman ni Rose Ann.Hindi yon, Rose Ann. Dahil sayo. Dahil sa inyo.
"Wala yun ano ka ba haha. Salamat nga pala sa pagpunta. Hindi pwede ngayon eh. Gagawa kami ng thesis ng mga kagrupo ko. Next time na lang."
Nakita kong sumimangot si Rose Ann.
"But Gabbie—"
"Hindi nga daw pwede Rose Ann. Tara na. Sa inyo na lang tayo manood."
"Oo nga Rosie. Sa inyo na lang." Ngumiti ako kahit sa loob loob ko naiiyak akong makita silang dalawa.Sinungaling ka Gab! Kailan ka pa natutong magsinungaling sa sarili mo at sa iba ha?!
"Okay." Nakita kong nalungkot ang mukha ni Rose Ann.
Pagkaalis nila, sakto namang dating ng mga ka-group ko. Buti naman. Babalik na ako sa pagiging masipag mag-aral haha!
Ang tagal naming natapos. Mga 6:30 na rin sila nakauwi. Talagang pursigidong matapos before Christmas Party eh.
8 pm dumating na sila Papa. Galing daw sa Alabang, may inasikaso. Kumain na kami ng dinner. Sobra akong nag-enjoy kumain haha nag-uwi kasi ng Chowking sila eh. Paborito ko yun haha.
"Gab parang lumalakas ka kumain ah." Sabi ni Mama habang nakatingin sa akin.
"Brokenhearted yan Ma eh hahaha!"Sa pagkakasabi non ni Kuya bigla akong nabilaukan.
"Oh oh bigyan niyo ng tubig!" Inabutan ako ni Papa ng isang baso ng tubig na inabot naman ni Jaira.
"Maka-brokenhearted ka naman Kuya. Baka ikaw yun!" Binatukan ko si Kuya at umakyat na agad sa kwarto ko.
Nag-i-Instagram ako nang biglang mag-vibrate ang phone ko at lumabas ang isang notification.
Rosie : Gab galit ka ba sa akin?
Nagchat ang mahal ko. Sineen ko lang. Haha taray noh seenlord hahaha.
Rosie : Please answer me Gabbie.
Hayys. Sige na nga.
Me : Hindi.
Rosie : Really?
Me : Oo.
Rosie : Then why are you getting colder and colder each day?
Me : Because it's already a Ber month.
Rosie : I know. Bakit nga?
Me : Wala. Hindi naman ako cold ah.
Rosie : Hindi daw. Tell me Gabbie. Why?
Me : Wag mo na lang ako kausapin o lapitan pwede? Pinagpipilitang cold hindi nga sabi!Ewan ko bakit ko nasabi yun. Naiinis lang ako kasi bukod sa nagbago na ang samahan namin, ang manhid pa niya!
BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...