Caygee's POV
Foundation day, year 2014.
Pumunta kaming Grade 8 sa main branch ng school namin para lumaban sa sports gaya ng basketball, volleyball, badminton, at board games.
Mula sa pwesto namin, may natanaw akong magandang babae. Nakasuot siya ng foundation shirt na kagaya sa amin kaya na-confirm ko na Grade 8 din siya. Maputi, shoulder-length ang buhok at singkit kagaya ko.
Sign ba ito na destined kami?
Lahat ng mga babaeng taga-ibang branch, lumalapit sa akin para itanong ang pangalan at hingiin ang number ko, magpa-picture at kung ano-ano pa. Pero sa mga oras na iyon, parang gusto kong siya naman 'yung lumapit sa akin.
Walang nangyari. Parang wapakels si Ate. Hindi ko naman siya crush kaagad, nase-sense ko lang na kakaiba siya sa mga babaeng dumaan sa buhay ko kahit 14 years old palang ako haha.
Hinintay lang niya yung mga kaibigan niya na bumalik. Di man lang ako pinapansin. Kaya gumawa ako ng paraan para mapansin niya ako.
This was the start of our story.
Kakatapos ko lang mag-lunch, actually kaming anim nila CJ, Gab, Paulo, Anthony at So. Habang naglalakad ako mag-isa para pumunta sa cr, nabangga ako ng isang babaeng tumatakbo.
"I'm sorry, sir! I didn't mean to bump you. I'm in a hurry. Sorry!"
Wow, English speaking siya. Di ko nakita ang mukha niya kasi nakayuko siya at ayaw talaga tumingin sa akin, halatang umiiwas.
"It's okay. Next time be careful," ayos ba? English din yun haha.
"I will," tumingala siya para tumingin sa akin at ngumiti, "See you around sir!" Mukha ba akong matanda kaya siya sir ng sir? O sadyang gwapo lang ako?
Ayun. Tumakbo na siya paalis. 'Di ako makaalis sa pwesto ko. Ang ganda niya! Ano kaya ang pangalan niya at saang branch nag-aaral?
"Intsik, bakit ka tulala?"
"Aaahhhh!" nakakagulat naman si Marie Joe, bigla-biglang sumusulpot.
"Hahahahaha! Nagulat si Caygee. Bakit ka nga tulala? Kanina ka pa hinahanap nila Gab."
Classmate ko si Marie Joe. Kasing laki ng puso niya ang size ng katawan niya kaya kahit inaasar kami sa room na mag-asawa at magulang sa pitong mga anak, okay lang sa akin.
"E kasi pumunta ako sa cr, may nakabanga sa akin. Gandang babae, kaso muntikan na dumugo ilong ko."
"Kaya naman pala, may idadagdag ka na naman sa collection mo."
"Hindi ah! Matino na ako ngayon."
"Dapat lang, hindi nakakagwapo ang pangongolekta ng babae.""Caygee! Marie Joe! Akyat. Balik sa pila niyo," patay. Nahuli kami ng adviser namin, si Ma'am A.
Automatic kaming napatakbo paakyat sa third floor.
"Marj at Caygee! Saan kayo galing? Kanina pa ako hanap ng hanap sa inyo. Galing ba kayo sa marriage booth?" nanermon na naman ang class president namin, si Trisha. Lahat kasi ng mga kaklase namin nasa pila, kami lang ang wala. Siya ang in-charge sa amin 'pag walang teacher.
"Daddy and Mommy, nagpakasal ba ulit kayo sa marriage booth?" tanong ni Dessa. Parang ganyan din ang tanong ni Trisha ah.
Teka . . .
"Hindi! Mga baliw!" nagkasabay pa kami ni Marie Joe. Kasi naman, kahit na okay lang sa akin yung issue na mag-asawa kami ni Marj parang ang awkward pa rin. Kasali sa pitong anak kuno sina Dessa at Trisha.
"Hahahahaha! Defensive, pumila na lang kayo," sabi ni Trisha habang tawa pa rin ng tawa.
"Bakit ang tagal mo mag-cr? Tumae ka?" adik itong si So!

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
JugendliteraturWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...