Caygee's POV
Kaasar. Tubuan ba naman daw ako ng napakalaking tigyawat sa ilong. Lalong tumangos tuloy tsk. Haha!
May event ngayon ang Education department kaya heto ako ngayon, palakad lakad at naghahanap ng pwedeng kainin.
Si Julie Ann sun kaya, anong ginagawa niya?
Akala ko magiging okay na kami. Akala ko maniniwala na siyang mahal ko siya.
Pero lahat ng maling akala nasasaktan.
Ano, sasabihin niyong namamatay? Grabe kayo. Nasasaktan lang muna.
Paano ba naman, nung isang araw (buong week kasi ang event na ito) binigyan ko ng lunch kasi nakita kong hindi pa siya kumakain bigla ba naman akong sinabihan ng "Diba sabi ko tumigil ka na? Hindi kita kayang mahalin! Ano ba, lubayan mo na ako!"
Ang sakit. Ganito pala yung pakiramdam ng i-reject.
Pero hindi sumagi sa isip ko na sumuko. Kailangan maniwala siya sa akin na mahal ko talaga siya.
Bwiset naman kasi si Julie Ann sun eh. Ang bato bato ng puso!
Ayun! Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench. Naglakad ako palapit sa kanya.
Itaboy mo man ako hinding hindi kita susukuan! Bwahahahaha!
Kaso gaganahan pa ba ako kung . . .
. . . Nakita kong umalis siya kaagad nang makita niya ako?
At hindi lang yun.
Niyakap niya ang blockmate niyang si Ross. Bigla naman siyang inakbayan nito.
Takte! Bakit mo ako ginaganito Julie Ann sun?!
Hinabol ko siya at hinablot ang kanang braso niya. Agad siyang napatingin sa akin.
"Julie Ann."
"Caygee! Ano ba! Let me go!" Nagpupumiglas siya pero hindi ko siya hinayaan.
"Pre, di mo ba nakikitang may kasama si Julie Ann? Bitawan mo siya." Sabi sa akin nung Ross pero hindi ko siya pinansin."Mag-usap tayo. Hindi kita bibitiwan hanggat hindi ka sumasama sa akin."
"I said stop this!" Natanggal niya ang pagkakahawak ko pero hinawakan ko ulit siya. Wala na akong pake kung maraming nakakakita sa amin."Please. Gusto kita makausap."
Napabuntong hininga siya at may binulong kay Ross. Pagkatapos niya bumulong ay umalis si Ross at humarap siya sa akin ng nakabusangot.
"Okay. Anong sasabihin mo?"
"Wag tayo dito. Doon tayo sa locker ko."Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Hinila ko na siya at tumakbo papuntang locker ko.
Nang makarating kami sa locker ko hinarap ko siya at binitiwan ang braso niya.
"Julie Ann."
"Oh?"
"Pwede wag ka muna magsungit?"
"Bakit ba? Anong sasabihin mo Caygee? May kailangan pa akong puntahan."
"Saglit nga lang Julie Ann. Bakit ka ba ganito? Bakit mo ako pilit na pinagtatabuyan? Bakit hindi mo magawang maniwala sa akin? Mahal kita Julie Ann. Mahal na mahal!"
"Kasi para kang si John! Ganyan na ganyan! Sasaktan mo lang din ako!"Nanlisik ang mga singkit kong mata sa kanya.
"Ibahin mo ako, Julie Ann. Magkaparehas man kami ng ugali ng bwiset na John na nanakit sayo, may pagkakaiba pa rin kami. Minahal kita ng totoo. Siya, pinaglaruan ka lang! Ano pa bang dapat kong gawin para maniwala kang mahal kita?"
Natahimik siya sa sinabi ko.
Pero maya-maya ay nagsalita na rin siya.
"Paano mo masasabing hindi mo ako sasaktan?"
"Magtiwala ka lang sa akin."
"Lecheng tiwala yan! That's what I'm afraid of! Trusting someone again! Tama na ang isang beses na masaktan. Ayokong maulit yun!"
"Sabi ko nga ibahin mo ako!"Again, natahimik nanaman siya.
"Sige iibahin kita. Pero layuan mo muna ako Caygee. I need time to think about the things you said."
"Yan ba talaga ang gusto mo? Lalayuan kita?"Pumikit siya at bumuntong hininga.
"Kinakailangan."
~~
Hindi ako makatulog sa kakaisip sa sagot ni Julie Ann sun.
"Kinakailangan."
"Kinakailangan."
"Kinakailangan."
"Kinakailangan."Ano baaaaaaa!!!! Hindi kita maintindihan! Oo o hindi lang naman isasagot mo eh.
Ibig ba sabihin ni Julie Ann sun ay napilitan siya?
May gusto siya sa akin?
O sadyang bato talaga ang puso niya?
Takte!!!!
Dahil hindi ko na kaya ang paghahanap ng kasagutan naisipan kong tanungin siya mismo.
Me : Julie Ann sun anong ibig sabihin ng "Kinakailangan." na sagot mo?
One hour.
Two hours.
Three hours.
1:30 am na.
Hindi niya sineen man lang.
Natulog na lang ako.
Kinabukasan pinuntahan ko siya sa bahay nila bago ako pumuntang school. Nang makarating ako sa bahay nila nakita kong saradong sarado ito.
"Tao po!"
"Sino yan?" Sino kaya yun? Hindi boses ng Julie Ann sun ko yun eh.
"Si Caygee po. Nandiyan po ba si Julie Ann?"Siguro mga tatlong minuto ang lumipas bago may sumagot mula sa loob.
"Tulog pa. Tinatrangkaso eh. Balik ka na lang bukas baka magaling na siya."
"Ay ganon po ba. Sige po pasabi na lang pagaling siya. Alis na po ako salamat."Alam kong wala kang sakit Julie Ann. Ganyan ba talaga ang time para sayo? Gusto lang naman kita makasabay pumasok ngayon eh.
Pagpasok ko sa school ang daming mga free taste na pagkain ang nakapwesto malapit sa building namin. At dahil hindi ako nag-almusal para maagang makapunta kila Julie Ann hindi ko na pinalampas ang chance na ito. Kumuha ako ng kumuha ng mga libreng pagkain haha!
Kaso nang makarating ako sa pinakadulong stall unti-unting nadurog ang puso ko.
Nakita ko lang naman ang babaeng mahal ko na kasama si Ross.
Hindi lang yun.
Sinubuan siya ni Ross ng cookies.
Gusto kong pumunta doon. Gusto kong palayasin sa tabi ni Julie Ann sun si Ross. Gusto kong suntukin ang sinumang lalaking lalapit at lalandiin ang babaeng mahal na mahal ko!
Kaso ang tanging nagawa ko lang?
Ang tingnan siya sa malayo habang masayang kumakain kasama ang ibang lalaki.
At saktong pag-ngiti niya ay napalingon siya sa direksyon ko at nagtama ang tingin namin.
Nawala ang ngiti sa labi niya.
Nakita kong hinila niya paalis si Ross.
Akala ko ba nanghingi ka ng time kasi pag-iisipan mo ang mga bagay na sinabi ko? Bakit nagsinungaling ka Julie Ann? Bakit? Bakit kasama mo ang lalaking yan? Sino ba yan sa buhay mo? Kaya ba hindi mo ako magawang paniwalaan ay dahil sa kanya? Siya ba? Siya ba ang mahal mo?!
Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko maitanong. Napaluha na lang ako nang makita kong inakbayan siya ni Ross at nag-ngitian silang dalawa.
Siguro ito na ang sagot mo sa lahat ng tanong ko, Julie Ann. Siguro nga hindi mo ako magagawang mahalin. Siguro kailangan ko na rin tumigil na maghabol sa kanya. Siguro kailangan ko ng itigil ang pagmamahal ko kay Julie Ann sun.

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...