Chapter 29 : Her Comeback

163 7 0
                                    

Aubrey's POV

December 31 na. Ilang buwan na ding hindi nagpaparamdam sila Anthony at Andrian. Ano kayang nangyari sa dalawang yon?

Nagsimula yun noong birthday ni Anthony. Hindi ko talaga alam kung bakit. Hindi kaya dahil sa pag-amin ko na may gusto ako kay Andrian?

Malalaman ko din ang kasagutan.

Sinama ko si Julie Ann papunta kila Andrian. Ewan ko ba bakit ako nagkagusto sa kanya.

Aubrey, mangungumusta ka lang okay.

"Brey ano bang gagawin mo dito?" Oo, kahit matagal ko ng bessie si Julie Ann masungit pa rin siya sa akin. Kaiyak noh? Haha.
"Mangungumusta lang. Punta tayo kay Caygee later? Ayiieee!" Haha lately kasi kwento siya ng kweto na naiinis siya kay Caygee kinukulit siya haha.

"Stop it. Para siyang si Stanley, okay."
"Malay mo hindi. Nobody's alike anyway."
"Whatever. Buti nga pumayag si Raister na magpanggap na manliligaw ko eh."
"Grabe ka bessie pati pinsan mo? Haha!"
"Oo doon ko malalaman if he's into a challenge or just want the easy way."

Pagdating namin doon nakita namin na nag-iihaw siya ng isda.

Okay Aubrey. This is it.

"Hi Andrian!" Bati namin.
"Oh napadaan kayo. Hello! Happy New Year sa inyo."
"Happy New Year din. Mangungumusta lang. Hindi na kayo nagpaparamdam ni Anthony eh." Rektahan na mga bes. Gusto ko talaga malaman kung bakit eh.

"Ayos naman kami busy lang. Puntahan niyo si Toning ngayon ang alam ko nandyan siya sa bahay nila."
"Ah ganon ba sige So Happy New Year ulit!"

Pumunta na kami kila Anthony.

"Hey Brey okay ka lang?" Hinawakan ni Julie Ann yung braso ko para tumigil ako sa paglalakad.
"Oo okay lang. Bakit?"
"Parang ang lungkot ng mukha mo eh. Any problem?"
"Wala naman. Normal lang naman ang mukha ko, baka ikaw yun di mo pa kasi nakikita si Caygee haha." Dinaan ko na lang sa biro para hindi na ako kulitin ni Julie Ann.

Bakit parang umiiwas talaga si Anthony?

"Tao po."
"Wait lang po." Babae yung sumagot. Siguro ate niya.

Dumungaw sa pintuan yung ate niya.

"Tulog siya. Medyo masama kasi ang pakiramdam. Pero sasabihin ko na pumunta kayo."
"Ah ganon po ba. Sige po salamat Ate. Happy New Year po! Pakisabi po pagaling siya."
"Sige ingat kayo ha. Happy New Year din sa inyo!"

Naglakad na kami pauwi ni Julie Ann.

"Julie ano pupuntahan ba natin si Caygee?"
"Stop it I said. Bakit ko naman pupuntahan yon?" Sabay irap haha ang sungit talaga nito.
"May gusto ka dun eh, ayiieee Caygee is heart heart."
"Okay ANDRIAN." Aba aba. Lumalaban. Haha.

Anthony's POV

Nakita kong umalis na sila Aubrey at Julie Ann kaya bumangon na ako.

"Hoy lil bro, anong drama yan?" Tanong sa akin ni Ate Rose.
"Ate. Alam mo na. Moving on process still on going."
"Ah so sino sa kanilang dalawa si Aubrey?"
"Yung kausap mo. Yung medyo morena."
"Ah. Maganda siya. Mukhang mabait."
"Mabait naman talaga yon. Nagkataon lang na manhid. Haha. Parang ikaw Ate. Ayaw mo pa sagutin si Kuya John." Baka maiyak pa ako eh mabuti nang siya ang maasar haha.

"Sabing hindi ko siya type. Hahaha."
"Hindi daw type pero kinikilig ka sa kanya hahahaha." Nagpatuloy lang yung asaran namin hanggang sa magpaalam na si Ate. Magbabasa na lang daw siya ng libro.

Ilang buwan na din ang pag-iisnob ko kay Aubrey. Feeling famous noh? Haha. Di naman. Gusto ko lang mag-aral ng mabuti. #BoysBeLike

Si So nagsabi din sa akin na iniiwasan niya si Aubrey. Akala niyo magkaaway kami ng dahil sa kanya? No. Ang babaw masyado ng ganon.

Na-mi-miss ko na din yung babaeng yun. Kaso mas masasaktan ako kapag pinagpatuloy kong ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya.

Pero malay niyo. Magbago ang ihip ng hangin at dalhin siya sa akin mismo.

Tulad ngayon.

From : Aubreeeey

Anthony! Mag pagaling ka ha. Galing kami dyan sa inyo kaso tulog ka daw. Happy New Year Toning! Wag kang magpapadala sa sakit mo enjoy-in mo itong last day ng taon haha!

. . .
. . .
. . .

Magpaparamdam ba ulit ako o hindi na?

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon