Chapter 59 : Friends Are Forever

148 7 0
                                    

Andrian's POV

Dahil may pasok na tuwing April at May, June at July ang bakasyon namin. Pero maaga din natapos ang klase namin. May 11 ang last day ng pasok namin.

May 20 na ngayon.

Simula noong nahimatay si Bea habang ako ang kasama niya nagkaroon na ako ng insomnia. Palaging 1 am or 2 na ako nakakatulog kahit pagod na pagod ako galing school. Iniisip ko kasi si Baebea. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising eh. Pero sabi ng doktor niya okay naman na daw siya. Kailangan lang niya bumawi ng tulog at pahinga.

Sobrang dami naman na niyang pahinga 😢 Baka mamaya tuluyan na siyang mamahinga huhuhu 😭😭😭

Ano ka ba So. Magigising si Bea. Pupunta pa kayo sa Greece diba? Pupuntahan niyo pa ang Parthenon. Papakasalan mo pa siya. Magkaka-pamilya kayo.

Ang kaso nga lang, baka hindi na makapagtapos ng pag-aaral si Bea. Dalawang taon na siyang nag-stop eh.

Natigil ang pag-iisip ko ng mga bagay- bagay nang mag-pop up ang chathead ng GC naming anim.

Nagyayaya sila Gab ng reunion naming anim.

Gabait : Ano sinong game? Kahit sa Nuvali lang tayo mga dre.

ChocoMartin : Baka kasama niyo mga ka-puribir niyo kayo na lang. Nasa Japan sa akin. Hindi pa kami nagkakabalikan.

AngPinakaGwapoSaLahat : Ha? Paulo break na kayo ni Nica? Kailan pa?

BoyRizal : Hindi niyo pa alam mga boi? Noong January pa sila break.

Flat : Eh? Grabe. Wala na tayong balita sa isa't isa.

Sosososososo : Kaya mag-reunion na tayo bukas.

At nagpatuloy ang pag-chachat naming anim

Gabait : Sige. Sure bang pupunta ang lahat?

AngPinakaGwapoSaLahat : Sige sige game ka walang tokis mga dre!

Set na bukas ang mini reunion namin. Mini kasi anim lang naman kami. Maliban na lang kung magsama ng mga girlfriends yung iba.

I miss Bea.

Wala pang tawag si Tita kung anong balita sa kanya.

Kinabukasan, sabay sabay kaming umalis nila Gab, CJ, at Toning. 9:30 am lumarga na. Magkakalapit lang naman kasi ang bahay namin. Wala namang heavy traffic ngayon kaya nakarating kami sa Nuvali ng 11 am.

Pagkarating namin doon, tinext namin sila Caygee at Paulo kung nasaan na sila. Ang usapan kasi namin sa isang bench kami magkikita, yung malapit sa bridge.

"Nasa 7/11 kami. Ang tagal niyo kasi kaya kumain na kami dito. Gora na kayo here fafas!" Binasa ni CJ yung text ni Caygee.
"Siguro gutom na gutom yung dalawa kaya kumain na. Tara na nga doon." Sabi ni Toning kaya pumunta na kami sa 7/11.

At pagdating namin doon . . .

"Yoooooo men!"
"Ano na balita sa inyo? Mga snob na eh!"
"Parang walang pinagbago mga itsura niyo eh!"
"Malamang. Gwapo eh hahaha!"

Ayun. Ang iingay nila.

"Manahimik nga kayo, ang ingay niyo mga boi." Saway ko sa kanila.
"Oh manahimik daw sabi ng ating bunso haha!" Ito talagang si Gab kahit kailan napaka-hyper. Na-miss ko 'tong mga 'to.

Bumili muna kaming apat ng Big Bite at Pocari Sweat. Pagkatapos namin magbayad nakiupo kami sa table nung dalawa at tsaka nagkwentuhan habang kumakain.

"Totoo ba yung sinabi mo Pau? Break na kayo ni Nica?" -Ako
"Oo So. Ayaw ng lola niya eh. Pero asa namang hanggang ganon na lang. Babalikan ko si Nica." -Paulo
"Nice Pau. Wala ka ng torpelitis ah! Haha!" -Gab
"Haha oo naman wala na talaga. Baka maunahan ako ng iba kapag totorpe torpe pa ako." -Paulo
"Alam niyo na ba?" -Anthony
"Ano?" -CJ
"Kami na ni Aubrey." -Anthony
"Weh?!" -Gab
"For real brad?!" -Caygee
"Oo. Bakit parang hindi kayo makapaniwala?" -Anthony
"Eh diba kasi ano," nakita kong tumitingin sa akin si Gab.

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon