Anthony's POV
Sa pagiging busy ko sa pag-aaral hindi ko namalayang bukas pasukan nanaman. June 14. Grabe, ganito ba talaga ang epekto ng broken hearted?
Halos hindi ko na-enjoy ang bakasyon. Kahit sa bahay kasi inaaral ko pa rin yung mga pinag-aralan namin last school year para matandaan ko kahit na Grade 12 na ako ngayon.
Kung tatanungin niyo kung kumusta ako. Ayun. Ayos lang. Haha. Lagi namang ayos lang.
Si Aubrey? Pilit na binabalik ang closeness namin noon. I can't believe na isang taon mahigit ko na siyang iniiwasan.
Masakit? Oo naman.
Hindi ko siya maalagaan kahit gusto ko. Kasi hindi niya ako mahal.
Akala niyo babae ang mas kawawa sa pagmamahal. Nooooo. Mas kawawa kami. Sinosolo namin ang pag-iyak, ang pag-iisip, ang sakit.
Pero kahit ganon, mahal ko pa rin si Aubrey. Hindi ko nga alam bakit minahal ko siya kaagad. Hayy. Mag-ayos ka na ng gamit mo Toning. May pasok ka na bukas.
Last year na ng high school. Senior high school. Finally college na lang at makakapagtrabaho na ako.
Nang matapos kong ayusin ang gamit ko, binuksan ko yung GC naming anim.
Paulo : Mga dre bibista daw si Nica dito sa December! Hihihi excited na ako!
Andrian : Yuck Pau para kang bading pag kinikilig hahaha!
CJ : Well buti pa si Arjane laging nandito 😍😍
Paulo : Okay CJ. Haha at least may pag-asa ako kay Nica noh. At So! Ano kamusta kayo ni Bea?
Caygee : Hoy mga loko wala kayo sa akin! Stay strong kami ni Julie Ann sun ko 😊
Andrian : Ayun, haha malapit na mag-isang taong nanliligaw ako sa kanya.
Gab : May isang seenersczx.
CJ : Oo nga. Snobber na yun eh. Yung taga-LPU! Hahahaha!Alam kong ako tinutukoy nila kaya nagchat ako haha.
Ako : Oy grabe hindi ako snobber noh sadyang busy lang haha.
Paulo : Busy daw pero tinatanong kita kay Kuya Jay-Jay lagi ka daw nagkukulong sa kwarto mo. Yung totoo, normal ka pa ba Toning? Huhuhu T.T
Caygee : Flat pupuntahan ka namin diyan ngayon.
Ako : Maka-flat ka ah ang tangos ng ilong mo sobra! Haha sige lang.
Gab : Yown! O tara na mga dre.
Caygee : Talaga! Hahaha ready mo na tv niyo.Nag-ayos ako ng bahay since ako lang ang nandito. Sila Ate at Kuya may pasok na last week pa. This is what I hate in college. Parang buong buhay mo kailangan pag-aaral na lang isipin mo. Nakakainis lang haha. Paano na lang yung ibang bagay na dapat pagtuunan ng pansin? Tsk. Kailangan mo lang talaga ang time management.
Mga 30 minutes ang nakalipas bago sila nakarating dito.
Nanood lang ng My Exs and Whys. I don't know bakit ito pinili nilang panoorin haha after that basketball lang. Nakakamiss itong mga ito eh. Nakiligo pa sila sa bahay at nakikain. Talaga namang super ready sila, may dalang damit at foods haha.
Mga 8 pm lang sila umuwi.
Kinabukasan, hinanap ko yung room #205. Ito daw yung classroom namin.
Hindi naman naging mahirap ang paghahanap since nakikita ko na ang mga rooms dito last year.Pagkapasok ko sa loob nagulat ako sa nakita ko.
*DUGDUGDUGDUGDUGDUG*
I literally froze upon seeing her.
"Anthony!" Tumakbo papalapit sa akin si Aubrey at niyakap ako. Hindi ko agad napigilan kasi talagang nagulat ako!
"Aubrey nakakahiya wag dito haha." Pinilit kong maging light yung mood at dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.
Ayaw ko man pero kailangan.
"Aww kinakahiya mo pala ako huhu." Ay talaga namang nagdrama pa haha.
"Hindi sa ganon. First day of classes pa lang noh kitang kita nila tayo syempre pag tumagal aasarin tayo. Ang awkward non hahaha." Napansin ko kasing nakatingin ang lahat ng nasa room sa amin."Okay. Haha so kamusta ka naman?"
Ito ayos lang. Kinakalimutan 'tong feelings ko sayo.
"Mabuti naman. Ikaw ba?"
"Bukod sa ayos lang kasi wala akong sakit, namimiss na kita Thony."Namimiss na kita Thony.
Hayys. Okay lang yan Toning at least namimiss ka niya haha.
Nakapwesto si Aubrey sa gitna ng second row at tutal wala pa naman siyang katabi doon niya ako pinaupo. Right next to her.
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa mag-bell na at pupunta ang lahat ng students sa labas ng classroom para pumila alphabetically. After non, tatawagin kami ng adviser namin by surname at uupo from first row to the last one.
"Chavez."
Nang tinawag ako ni Ms. Manaig, adviser namin umupo ako sa second to the katabi ng pader na pwesto, third row. Dito kasi umupo yung sinundan ko, Cervera.
"Concepcion."
Nagulat ako sa tinawag ni Ms. Manaig.
Si Aubrey? Katabi ko? Walastek.
"Hi Anthony! Hihi seatmates tayo."
Oo nga. Wag mo na ipamukha na makakatabi ko yung taong mahal ko na may gustong iba.

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...