Gab's POV
Nasa bahay nila Rose Ann ang pinakamagaling sumayaw sa Grade 8. Sino pa ba? Edi ako! Haha.
Ako si John Gabriel Balabat. Tiny but mighty!
Katulad ng sinabi ko kanina, nasa bahay ako nila Rose Ann. Bakasyon na. Month of April. Naglalaro kami ng sungka nang biglang nagtanong si Rose Ann kung kailan babalik sila Paulo. Sabi ko, kung gusto niya, pwedeng ngayon tutal bakasyon naman eh. Umoo siya at sinabing gusto niya daw sumama sa akin para malaman niya kung nasaan ang mga bahay nila.
Una naming pinuntahan ang bahay nila So.
After 30 minutes . . .
"Ang lalayo naman ng mga bahay niyo!" Nagpupunas ng pawis si Rose Ann kasi naman, tumakbo kaya tagaktak ang pawis.
"Siguro tamad ka maglakad." Nako, baka umiyak si Rose Ann, may pagkaisip bata kasi siya.
"Hindi ah! Tumakbo kasi ako kaya ganun."
"Weh? Tamad ka lang maglakad." Lagot ka talaga sa akin Anthony! Naluluha na tuloy si Rose Ann.
"Ang sakit mo naman magsalita. Di na kita friend! Waaaahhhh!" At tuluyang umiyak si Rose Ann. Kahit na umiiyak siya, ang ganda niya pa rin.
"Rose Ann wag ka ng umiyak, nagbibiro lang si Anthony." I tried to comfort her but she just continued to cry. Naks English! Haha.
"Eh sobra na siya! Kahit na joke yun, masakit pa rin yun huhu."
"Jokes are half meant, so say sorry to Rose Ann." Aba, anong nakain ni So at nag-English?"So may sakit ka ba?" Nagtatakang tanong ni Paulo.
"Oh nevermind, sige na nga magta-Tagalog na ako."
"Ala, Rose Ann sorry na! Masanay ka na sa mga jokes ko." Yan! Patahanin mo yan Anthony.
"Laro na lang tayo ng killer eye." Suggestion ni CJ.
"Tapos yung a what a what." Sabi naman ni Caygee.
"Game!" Sigaw naming lahat.Pagkatapos namin maglaro, tawa na ng tawa si Rose Ann. Para talaga siyang bata, ang babaw ng kaligayahan. Kung sabagay, bata pa naman si Rose Ann, mas matanda kami ng isang taon sa kanya haha.
"Hahaha! Laro ulit tayo pero magmeryenda muna tayo." Pumunta si Rose Ann sa kusina. Sinundan ko siya para tulungan. Nagluto kami ng cookies, camote cue, french fries at nagtimpla ng pineapple juice. Sabi sa inyo eh, may lahi kaming matakaw!
"Rose Ann bakit ang dami mong niluto?" Tanong ko.
"Tinext ko kasi sila Trisha na pumunta dito sa bahay para magmovie marathon."
"Ha? Paano ka nagkaroon ng number ni Trisha?"
"Binigay ni Caygee."
"Sige abangan ko sila sa labas." At saktong paglabas ko, nandito na sila."Rose Ann nandito na sila." Lumabas na si Rose Ann at pinabayaan ko na silang mag-usap.
"Anong papanoorin natin?" Tanong ni Marie Joe.
"Horror!" -Trisha
"Comedy!" -Anthony
"Action!" -Caygee
"Edi pagsamasamahin natin." -Pau
"Oo nga." -AndrianKaya ang dami naming pinanood. Pee Mak, Whispering Corridors, Cinderella (a/n: Korean horror movie po yung Cinderella, hindi yung fairy tale), Diary ng Panget ,Flipped, Freaky Friday at Fast and Furious 6.
Habang nanonood kami, magkatabi kami ni Rose Ann. Sigaw siya ng sigaw tapos accidentally niya akong nayakap.
*dugdugdugdugdugdug*
NA.KA.YA.KAP. SIYA. SA. AKIN.
Tae yan, ang bilis ng tibok ng puso ko! Nakayakap sa akin si Rose Ann!
"Ay sorry Gab, hindi ko sinasadya." Tinanggal niya yung pagkakayakap niya sa akin pero ako na mismo ang yumakap sa kanya.
"Gab?"
"Okay lang Rose Ann, alam kong takot ka pero nandito ako para kahit hindi mawala ang takot mo, mabawasan man lang."#HokageFeels hahaha grabe kayo sa akin. Oo na gusto kong yakapin si Rose Ann kasi crush ko siya pero kahit papano may respeto pa rin ako sa kanya kaya yung maluwag na yakap lang. Noong tumatawa na siya siyempre tinanggal ko na. Masabihan pa ako ng chansing.
Pagkatapos ng movie marathon, umuwi na sila. Hinatid namin sila ni Rose Ann.
Ngayong kaming dalawa na lang ni Rose Ann, bigla siyang lumapit sa akin at bumulong na natatakot daw siya kasi baka mamaya may masalubong kaming multo, medyo madilim kasi yung daanan.
"Hawak ka lang sa kamay ko, sasamahan kita hanggang sa makauwi tayo. Walang magpapakitang multo sa atin, at kung meron man, sabay tayong tatakbo! Hahaha." Di ako nanananching ah! Concerned lang.
"Sige, promise?" Hay nako. Isip bata talaga, pasalamat ka crush kita.
"Oo naman. Kahit anong mangyari, hindi ko bibitawan ang kamay mo."Pagkauwi namin, binitiwan ko na ang kamay niya. Baka iniisip niyo yung kamay talaga as in kamay ha. Braso lang, sa wrist ganoin.
"Good night Gab, salamat. Ang bait ng mga kaibigan mo." Nakangiti si Rose Ann. Kinikilig ako mga brad haha.
"Uhm, Gab? What's the matter? " Ay, nakatitig na pala ako sa kanya. Sorry naman Rose Ann ang cute mo kasi.
"Wala, sige pasok ka na sa bahay niyo. Good night rin." Ngumiti rin ako sa kanya.
"Thank you talaga Gab, for being my comforter ngayong araw."
"Kahit kailan naman, handa akong maging comforter mo. Kapag nanaginip ka mamaya habang natutulog ka, tawagan mo lang ako, pupuntahan kita kahit na inaantok pa ako para lang masamahan kita hanggang sa makatulog ka." Tae, anong nakain ko at naging corny ako? Epekto ba ito ng magandang babaeng ito?"Alright. Thank you ulit Gab. Nag-enjoy ako today. Good night, my comforter."
Hinintay kong makapasok si Rose Ann sa bahay nila bago ako pumasok sa bahay namin.
Lumingon pa siya at ngumiti. Nag-wave pa haha nakakagigil.
Pumasok na ako sa bahay namin at natulog ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
TeenfikceWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...