Arjane's POV
March 26. Recognition day na namin bukas. And guess what, ako ang top 3. Hihi.
Pumunta ako sa room nila CJ para sabihin sa kanya. Hindi ko pa kasi sinasabi eh para surprise haha.
Nakita ko si CJ sa labas ng room nila, may kausap na lalaki. Hinintay ko muna silang matapos mag-usap bago ko siya nilapitan.
"CJ!"
"Oy Jing."
"May sasabihin ako sayo."
"Ano? Wala kayong klase?"
"Wala mga subject teachers namin ngayon eh."
"Ah gusto mo pumunta ng canteen?"
"Hmm sige doon ko na lang sasabihin."Habang naglalakad kami kinukulit niya ako kung ano daw yung sasabihin ko.
"Kain muna tayo nagugutom na ako eh haha."
"Sige na nga haha."CJ's POV
Bumili kami ng carbonara at grape juice ni Arjane. Haha first time nga magluto ng carbonara dito sa canteen kaya grab the opportunity na.
Parang kay Arjane. Habang wala pang ginagawa si Brandon sa kanya I must grab the opportunity I have.
Charaught! Hahaha.
Kainis nga eh. Ilang beses kong tinatatak sa utak ko na BEST FRIEND LANG KAMI DAPAT NI ARJANE PERO BAKIT GANON MAHAL KO TALAGA SIYA. -,-
May something talaga na hindi ko maipaliwanag kaya ko siya minahal.
Ginagawa ko naman yung mind over matter pero wala pa rin. Hayys. Haha nakakabaliiiiiw. Nakakakaba. Nakakaaliw. Nakakakilig. Nakakabaliw.
Ay kanta na pala yun. Haha.
"Hoy Christian John Seming hindi ka naman nakikinig eh!"
Bumalik ako sa realidad nung nakita kong naiinis na si Arjane.
"Ay sorry may sinasabi ka ba?" Shunga ka ba CJ hindi ka nga daw nakikinig haha. What a lame question.
"Sabi ko top 3 ako sa klase. Ikaw ano?"
"Talaga?! Galing galing naman ni Jing Jing haha. Top 8 lang ako eh. Di kita ma-reach ate! Hahaha."
"Anong top 8 lang ang hirap makapasok sa top noh haha congrats CJ! Bukas ha punta ka sa bahay sa QC naghanda sila Mommy. Ipinaalam ka na rin nila kay Tita Clarissa."
"Sige salamaaaaat."Pinagpatuloy lang namin ang pagkain namin at tumambay sa garden. Sobrang peaceful ng ambiance dito. Lalo na't nandito si Arjane.
"Alam mo CJ."
"Hindi."-,-
"Hahahaha sige na tuloy mo na sasabihin mo."
"Ayoko na nga." Tumalikod sa akin si Arjane kaya pumunta ako sa harap niya."Jiiiiing *kurot sa pisngi* ano bang sasabihin mo?"
"Ayoko na nga sabihin sabi."
"Haha pabebe ang Jing Jing." Kinulit ko siya ng kinulit kaya sa huli sinabi na niya. Secret na lang namin kung ano yun hahaha.Kinabukasan . . .
Nandito na ako sa gate ng school kasama si Mama at Papa. Wala pa si Arjane.
"CJ!"
Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang isang babaeng simple pero napakaganda.
Walang makeup.
Nagplantsa lang ng buhok si Arjane.
Still, she makes my heart pound.
"Arjane ang ganda mo."
"Maganda? Haha buhok lang inayos ko noh pano ako naging maganda?"
"Oo nga maganda ka haha tsaka kailangan bang mag-ayos ka ng sobra para masabing maganda ka?"
"Ay I'm so flattered namern. Haha thanks CJ pumopogi tayo ngayon ah."Aba'y mahusay. Binalik sa akin haha.
"No need to say it Jing. Hahahaha charaught!"
Pumasok na kami sa loob at umupo sa upuan na naka-assign sa amin.
"Arjane A. Legaspi."
Nung tinawag na si Arjane tinodo ko ang pagpalakpak. Proud best friend here!
Tsaka mahal ko yun noh. Hehehe 😍
Natapos ang recognition namin ng walang nangyaring kaguluhan. Pumunta na kami kila Arjane after non.
Arjane's POV
We were watching Everyday I Love You when I heard him yawn.
"Nako ang CJ antok na."
"Ha? Di kaya."
"Anong hindi? Ang laki nga ng hikab mo eh haha."
"Kow imbento mo Jing. Porke top 3 ka lang." Sabay pikit.
"CJ." Minulat ko yung mata niya pero pumikit pa rin."CJ." Yugyog.
"CJjjjjjjj." Kurot sa pisngi at ilong.
Pero tulog na talaga hahahaha yan pala ang hindi pa inaantok.
Hindi ko na napansin yung pinapanood namin. I just watched him sleep. And the moment he snored . . .
Haha. I realized he means something more to me.

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...