Anthony's POV
3rd year/ Grade 9 na kami ngayon. First day of school namin. Hindi ako makapaniwalang hindi na kami grade 8. Parang kailan lang.
John Anthony Chavez nga pala, ang pinakamasarap kasama. Binigyan ako ng mga classmates ko ng pet name, FLAT. Minsan ILONG, siguro naman self explanatory na yun, pango for short. Naniniwala ako sa kasabihang pango man ang ilong ko, at least humihinga. Hahahaha!
As I was saying, (Naks! English!) first day of classes namin ngayon.
Si Ma'am G. ang adviser namin. May 5 transferees.
Tulad ng nakaugalian, kabiruan namin si Ma'am G. Pagpasok niya sa classroom namin . . .
"Ma'am tumangkad ata kayo!" Biro ko na may kasamang tawa.
"Oo nga Ma'am *tayo at lapit kay Ma'am* dati hanggang dito ka lang *sinukat yung height ni Ma'am gamit ang kamay niya, sa may bandang dibdib* ngayon, dito na *nasa balikat* " Isa pang maloko si JB haha.
"Wala pa rin kayong pinagbago Grade 8 este Grade 9 pala."
After 345,901,205 years nagsalita na si Ma'am G. Sabi niya tama na daw ang biruan kasi parang natatakot sa amin yung 5 transferees. Grabe si Ma'am magbiro noh? Baka sa kanya natatakot mukha siyang chanak! Haha charot.
Dismissal time na. Excited na ako umuwi kasi makakatext ko nanaman si Aubrey my labs. YUCK! Ang pangit pakinggan, nahahawa na ako sa kabaduyan at kakornihan ni Caygee.
Nang makauwi na ako, niligpit ko na ang mga gamit ko, nagmeryenda at nagbihis. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Aubrey. Kinumusta ko siya at nagreply siya na ayos lang siya. Madami pa kaming pinagkwentuhan hanggang sa nagpaalam na siya kasi daw inaantok na siya.
Hindi pa kami nagkikita sa personal pero sa tingin ko tunay na kaibigan si Aubrey. Kasi noong unang beses na tinext ko siya, ganto ang reply niya : "Kanino mo nakuha number ko? Pag di ko kilala kung sino ang nagbigay sayo magpapalit na ako agad ng number." Sabi ko sa sarili ko ang astig ng babaeng ito, ang tapang!
Actually, mula Grade 7 nakikita ko na siya. Noong Foundation Day ko lang nahingi number niya kay Charlene. Haha takbuhan ng nanghihingi ng numbers si Charlene eh.
Dahil sa kagustuhang mas makilala at makita siya, tinext ko siya at tinanong kung pwede ba kaming magkita sa June 12 kasi wala naman kaming pasok sa araw na yun. Pumayag siya kaya sinabihan ko sila Caygee na sa 7 Eleven kami magkita, tutal malapit lang yun sa bahay at school nila.
"Sige good night na Aubrey. Kita na lang tayo bukas."
"Ge good night din tulog na tayo, 2 pm diba?"
"Oo. Tulog ka na, sweet dreams."
"Sweet dreams rin Anthony." At nakatulog na ako.
.
.
.
.
.
."Anthony sorry talaga, pero si Andrian ang gusto ko, hindi ikaw."
"Naiintindihan ko naman Aubrey, ang hindi ko lang matanggap ay bakit sa kaibigan ko pa?" Iyak na ako ng iyak.
"Kasi--"
*beep beep*
Ha?
"Aaaahhhh!!!!" Panaginip lang pala, nagvibrate kasi yung cellphone ko kaya ako nagising. Nakakapagtaka bakit kaya ganun ang panaginip ko? Haha. Sana hindi magkatotoo.
Maya maya sa 7 Eleven . . .
"Aubrey nasaan ka na?" Tinawagan ko siya kasi 30 minutes na kaming nandito haha.
"Papunta na ako, kaso may kasama rin akong mga kaibigan. Okay lang ba?"
"Oo naman, may kasama rin naman akong iba, sige hintayin na lang namin kayo."Bumili muna kami ng slurpee habang hinihintay namin sila.
Noong nakita namin na nasa loob na sila ng 7 Eleven, tinawag ko si Aubrey at pumunta siya sa pwesto namin. Nagpakilala lang kami sa isa't isa at nagkwentuhan. Simpleng pakikipag-usap.
Pauwi na kami nang magtext si Aubrey, ingat daw kami kaya nireplyan ko siya na sila rin.
Tuwing magkausap kami ni Aubrey, alam ko sa sarili ko na nagugustuhan ko siya dahil sa taglay niyang kabaitan, siyempre pati kagandahan. Ang saya niya kausap. Matapang. Ang ganda ng buhok niya, ng mata niya at ng height niya.
At dahil mabilis ang panahon, December na. Napagplanuhan namin na pumunta sa SM Calamba. Christmas bonding daw.
Nag-GM si Aubrey na papunta daw siya sa SM kasi bibili daw siya ng pang regalo. Sakto! Nasa SM din ako haha! Hindi ko mapigilang hindi ngumiti.
"Anthony mukha kang timang." Problema ni Angelie?
"Baliw kamo!" -Maica
"Tawagan niyo na yung number ng hotline ng mental hospital ni Marj!" -Dessa.
(a/n: yung "number ng hotline" galing kay Teffany Dessa Espedido haha.)"Cellmate tayo Anthony." -Patricia
"Thony *paiyak na, kumuha ng panyo, pinunas sa mata* any last words bago ka ipasok sa mental?" -Caygee"Pasalubong ko ah!" -JB
"Ako rin, wag mo kalimutan." -Wrenz
"Pero kahit na di ka na makakalabas doon, friends pa rin tayo ha?" -Alvez
"Group hug bago pumunta sa mental hospital si Anthony!" -RalphAt talagang nag group hug! Mga baliw! Nakangiti lang baliw agad? Sila nga yung mas mukhang mga baliw.
"Manahimik nga kayo, nakakahiya kayo. Nasa mall kayo tapos ganyan ang ginagawa niyo?" Saway ko sa kanila.
"Hayy nako, in love na yan, kay Aubrey." Sabi ni CJ."Tigilan niyo nga ako sabi."
"Hindi pa yan in love boi, na-fafall pa lang yan. " Sabi naman ni Marie Joe."Anthony!" Kilala ko kung kaninong boses yun, kay Aubrey.
"Hi Aubrey! Sama ka sa amin gusto mo?" Aba, chickboy talaga 'tong si Caygee.
"Hmm, okay lang ba sa kanila?"
"Oo naman!" Sabay sabay nilang sagot at mga nakangiting aso. May masamang balak sila -_-Nag umpisa na kaming maglakad. Nakakapagtaka nga kasi pinauna nila kami at silang lahat nasa likod. Paglingon ko . . .
HUMANDA KAYO SAKIN MAMAYA! Wala na sila, iniwan nila ako! Anong klase silang kaibigan? T.T
Sinamahan ko na lang si Aubrey sa NBS kasi may bibilhin siya doon. Pagkatapos niyang bumili, nagpaalam na siya at siya ay uuwi na.
*dugdugdugdug*
Hala, delikado na ito, baka magkatotoo yung sinabi ng mga kaklase ko kanina. Crush lang ba talaga o love na? Ay ewan! Nahahawa na ako sa kabaliwan nila.

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...