Paulo's POV
Nag-uusap kami ngayon ni Nica via Skype.
"One week to go before Christmas! And it's freezing in here!" Pinakita niya ang mga heaters nila sa bahay at tinapat naman niya ang camera sa bintana. Kitang kita ang "diamond snow" na napakaganda.
"Ang ganda naman diyan Nica! Padalhan mo naman ako ng snow dito haha. Ano nga palang temperature diyan?"
"Sure. I'll contact the LBC now haha. Hmm, kaninang 8 am I checked, it's 5.1 degree Celsius."
"Grabe ang lamig naman! Siguro lagi kayong nasa fireplace matulog."
"Actually nasa fireplace na kami and yet we still use heaters."
"Ah. Ayos ka lang ba diyan? No enemies? No problems?"
"Wala naman. I just miss someone."
"Someone?"
"Yeah. You."Ahihihihi. Zulandinikuyapau 😍😍
"Ikaw ha, bumabanat ka na ha saan mo natutunan yan?" Ngiting ngiti kong pang-aasar sa kanya.
"Huh? I'm just telling the truth." Ang seryoso ng mukha niya mga tsong.
"Nica."
"Hmm?"
"I love you."Nakita kong namula siya kahit sa screen ko lang siya nakikita.
"Okay lang na wag mo sagut-"
"I love you too."Ano daw?!
"Pardon?"
"Wow, pardon! Where did you learn that? Hahahahahaha!"
"Haha tae seryoso ako gusto ko maulit yung sinabi mo. Nakarinig ako ng magandang musika."
"I said I love you too. Okay na?"
"Eh, ano." Nakakabakla ang kiligin.
"What?"
"Nangangahulugan ba na . . . tayo na?"Sheteng tae. Saan ko nakuha ang lakas ng loob na itanong yun?! Baka bastedin ako ni Nica!
"Wait, pardon?" Haha, aba ginaya pa ang expression at linya ko.
"Seryoso sagutin mo tanong ko haha."
"Hmm, not until we see each other again."
"Pero nag-I love you too ka."
"Yun naman kasi ang nararamdan ko."
"Nica!"
"Why?"
"Mama mo!"Lumingon siya sa likod niya at nakita ang mama niya na nakatingin sa screen. Buti na lang naka-earphones siya kundi narinig ang pinag-uusapan namin.
"O sige, we'll talk later, okay?"
"Sige. Tatawagan kita by 7 pm."
"Okay. Bye."
"Bye. I love you! Haha." Sinadya kong mag-I love you para mataranta siya at di ako nagkamali hahahaha dali-dali siyang nag-quiet sign at bumulong."I'll answer that later hihi." Pinatay na niya ang tawag na tumagal ng dalawang oras. Telebabad lang ganern?
Naglaro muna kami ng basketball nung lima plus si Jebe (JB).
"Hoy kahon kamusta buhay sa Cavite?" Tanong ni Caygee na nagpatawa sa aming lahat.
"Hanggang ngayon kahon pa rin? Mas tanggap ko pa kung Spongebob eh hahaha. Ayun, ayos lang naman. Mas masaya pa rin dito."
"Aww, we're so touched huhu." Nag-iyakan ang So at Gab. Yung totoo, trip nila si Jebe ngayon?Mga 6:30 pm na nung umuwi ang mga loko. Sumama sa bahay si CJ.
"Kailan daw uuwi si Nica?"
"Ewan ko eh. Mukhang matagal pa. Pero alam kong babalik yon." Naalala ko tuloy yung diamond snow na nakita ko doon. Baka hindi na siya umuwi dito at doon na manirahan. Ang ganda naman talaga kasi sa Japan.
"Babalik yan, tiwala lang. Tandaan mo, mahirap mabuhay ng walang puso pero mas mahirap mabuhay ng may puso pero nawawala.". . .
"Ha?"
Napa-face palm na lang si CJ. Haha gets ko naman eh medyo naguluhan lang ako.
"Uwi na nga ako!" Sabay tayo.
"Haha ge ingat dre!"Napaisip ako sa sinabi niya. Sana nga wala doon ang puso ni Nica. Sana nasa akin.
Nag-skype ulit kami pero 8:30 na ng gabi niya nasagot.
"Sorry Pau, may inasikaso lang. You know, gift wrapping for the orphanage."
"Okay lang, mukhang masaya yan ah kailan niyo ibibigay?"
"Maybe on December. . . uhm, 23? Yeah, December 23."
"Ah ganon ba, mag-ingat kayo ha masyadong nagyeyelo diyan baka pati puso mo magyelo." Napangiti ako ng makitang nakangiti siya.
"Paulo, you know I'm hot so I will never ever be cold."

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...