Gab's POV
Nanonood ako ngayon ng The Fault In Our Stars. Wala lang. Nakakakilig daw ito eh haha!
Kung iniisip niyong bakla ako well mali kayo. Gusto ko lang kiligin ulit kahit na ilang beses ko na napanood 'to. Kaming mga lalaki (nandamay pa eh noh haha) mas mahilig kami sa romance kaysa sa mga babae. Siguro kasi . . .
Ewan ko din kung bakit. Haha pero pag may kasama kaming babaeng manood ayaw namin ipakitang kinikilig kami hahaha!
"Okay?" Tanong ni Agustus.
"Okay." Sagot ni Hazel Grace.Naistorbo ang panonood ko ng bigla akong tawagin ni Kuya.
"Gabriel! May naghahanap sayo!"
"Sino?!" Nasa baba kasi si Kuya kaya kami sumisigaw.
"Basta!"Pi-nause ko muna yung movie para tingnan kung sino ang naghahanap sa akin.
Habang papalapit ako sa gate ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Teka, bakit ba ako kinakabahan?
At mas lalo itong lumakas nang makita ko kung sino ang naghahanap sa akin.
Si Rose Ann de Castro.
Ang babaeng kapitbahay ko na naging kaibigan na naging best friend na ngayon ay mahal ko na pero dahil may BOYFRIEND na siya nasasaktan ako nang dahil sa kanya.
Sa haba ng sinabi ko hindi ko namalayang nagsasalita na pala si Rose Ann.
"Wait, ano yun?" Wala naman masamang magtanong diba? Sabi nga sa RiteMed, "wag mahihiyang magtanooooong" hahaha!
"Sabi ko pinapasabi ni Nica kay Paulo na medyo matatagalan pa ang pag-uwi nila dito sa Philippines. The airlines doubled the ticket prices."
"Ah sige sasabihin ko."Speaking of Paulo, nakaka-miss yun. Laging si So ang nakakasama ko dito sa subdivision eh, sa school si CJ naman. Ewan ko ba kung bakit hindi na kami makumple-kumpleto.
Pabalik na sana ako sa loob ng bahay kung hindi lang ako niyakap ni Rose Ann.
Oo. NIYAKAP NIYA AKO.
Tae naman oh, wag kang ganyan Rosie. I'm falling for you over and over again.
"Gabbie."
"Oh?" Taray, sungit-sungitan effect! Haha.
"Can we talk?"
"Nag-uusap naman tayo ah."
"Yung seryoso. I want to patch things up."Napa-buntong hininga na lang ako.
"Sige. Doon tayo sa kwarto. Nanonood kasi ako eh."
"Really? Hihi sure!"Bakit ka ba ganyan?! Pinapalayo na kita pero bakit patuloy ka pa ring lumalapit?
Pagkaakyat namin sa kwarto tinuloy ko ang panonood ko.
"So uhm . . ." Panimula niya.
"Ano yun?"
"May problema ka ba sa akin?"Meron! Ang manhid mo!
"Bakit mo naman natanong? Wala noh."
"We don't talk anymore like we used to do." Kanta yun diba?"Teka, Selena Gomez, is that you?"
"Haha geez. Ngayon ko lang na-realize na kanta pala yun hahahaha!"
"Hahahaha!"Hindi ko napigilan tumawa. Alam niyo naman, masyadong mababaw tawa ko. At isa pa . . .
Oo na.
I miss Rose Ann.
"It's better when you're like that Gabbie."
"Like what?"
"Like that. Laughing. Smiling." At ngumiti siya sa akin.Puso, wag kang ganyan. May Tan na si Rose Ann okay?
"Bakit naman?"
"Kasi bumabalik ka na sa dating Gabbie that I know."
"Dating ako?"
"Yes. I don't know what happened to us. I feel like you're avoiding me. Nagsimula ata yun nung pinakilala ko si Tan sayo as my boyfriend."Ouch ha ouch talaga. Harap-harapan?
"Weh? Talaga? Parang hindi naman." I tried to sound casual and calm.
"Oo nga. Bakit ba Gab? Anong problema? Anong nangyari? Please tell me everything! Anything! I need to know why! What? How? Is ther—"
"KASI ANG MANHID MO ROSE ANN!"Finally, I said it.
"Ang manhid ko?"
Napa-face palm ako.
"Oo. Ang manhid mo. Sobra. Alam mo kung bakit?"
Hindi siya sumagot.
"Kasi mahal kita Rose Ann! Mahal na higit pa sa pagiging best friend. Mahal na handang alagaan ka. Mahal na handang ipagtanggol ka. Mahal na,"
napayuko ako, "kahit sobrang sakit na, handang magparaya."Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa akin na may bakas ng pagkagulat sa mukha.
"Aamin na dapat ako sayo Rose Ann. Kaso kayo na pala ni Tan! Haha. Ang astig noh? Hindi mo man lang sinabing nanligaw sayo yung tao. Kayo na agad? Ang bilis ah. Parang kisapmata Rose Ann. Ni hindi mo pa kilalang kilala si Tan. Gaano katagal na kayong magkakilala? Isang beses mo palang naging kaklase yun! At nakilala mo na ng lubusin si Tan?! Ha-ha! Ibang klase. Anong nakita mo sa kanya?"
Tahimik pa rin siya.
"Hindi mo alam kung gaano katagal ako nag-ipon ng lakas ng loob na sabihin sayo. Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sayo kapag hindi kita kasama at iba ang kasama mo. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan sa tuwing naaalala ko na may iba kang mahal. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal. Kaya please, hayaan mo na lang muna akong ganito. Hayaan mo na lang na kalimutan ko 'tong pagmamahal ko sayo. Hayaan mo na lang na kalimutan kita."
Pagkatapos kong sabihin yun nakita kong nagsasalita sa altar si Hazel Grace.
At katulad niya, umiiyak din ako.
Hindi ko namalayan.
"Gab."
"Ano?"
"I'm sorry. I didn't know you felt that way. I'm sorry for not telling you about Tan. I'm sorry for hurting you." Umiiyak na rin siya.
"Hindi mo kasalanan. Ginusto ko 'to eh kaya ako ang may kasalanan."
"Kahit na. I'm sorry." Humagulgol siya ng iyak."Sige, I'll be going now."
"Sige."
"Are we still best friends Gabbie?"
"Anong tingin mong sagot ko?"
"Oo?"Nag-isip ako saglit.
"Hindi."
"Huhuhuhu okay! 😭😭"Pagkauwi ni Rose Ann pinatay ko na lang yung tv. Hindi na rin naman ako nakanood ng buo. Hindi na ako kinikilig!
Kasi nasasaktan ako! Bwiseeeeet! Yan na Gab umamin ka na. Wala ka ng tinik sa dibdib. Tinik sa puso na lang.
Nag-chat sa akin si Rose Ann.
Rosie : Gab please don't be like this. I miss you. A lot.
Nireplyan ko siya.
Me : Kailangan Rose Ann.
Rosie : Did I cause you so much pain?
Me : Oo.
Rosie : What can I do to erase them?
Me : Stay away from me. Be happy by your choices and decisions without me from now on.
Rosie : But
(Typing)
I want to be with you always.
*Patay sa phone*
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Una, napaamin ako.
Pangalawa, pinatayan ko siya ng phone.
Pangatlo,
MINAMAHAL KO PA RIN SIYA KAHIT NA NASASAKTAN NA AKO.
Hayys. Rosie, what do I do now?
BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Novela JuvenilWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...