Chapter 10 : Task and Stories

274 11 0
                                    

Gab's POV

Maglalaro kami ng basketball kaso may kulang. Si CJ. Pinuntahan namin sa bahay nila. At ang sabi ng mama niya?

"Wala siya dito. Nasa bahay nila Arjane sa Quezon City. Isang linggo siya doon."

"Walastik na CJ yan. Buti pa sila ni Arjane, magkasundo. Samantalang kami ni Julie Ann-sun pusa't daga." Alam niyo na kung sino nagsabi niyan.

"Dumadamoves si Rizal!" Banat ko na nagpatawa sa kanila.
"Grabe, sulit na sulit ang bakasyon niya." -Andrian
"Sigurado ako na walang ibang bukambibig yun pag-uwi dito kundi puro Arjane." -Anthony
"Ui maawa kayo kay CJ. Baka masakit na dila nun hahaha!" -Paulo

"Tuloy pa rin ba yung laro?" -Caygee
"Oo naman." -So
"Ako na lang ang referee." -ako
"Sige ba. Tara mga dre!" -Thony

Naglaro lang kami hanggang sa nakatanggap ako ng text galing kay Rose Ann.

"Gabby! :) Punta ka sa bahay mamaya. Mom and Dad will talk to you. Lagot ka! Haha, 6pm okay?"

Hala, ano kayang sasabihin nila sa akin?

Nagreply ako na pupunta ako, kahit na kabadong kabado ako.

Napagod na sila maglaro (nakaupo lang kasi ako haha) kaya nagpahinga sila sa bahay. Pumunta na ako sa bahay ng aking best friend/ crush/kalaro/ kapitbahay.

ANO DAW?! Never mind na lang haha!

20 minutes early ako. Siyempre dagdag pogi points ang pagiging maaga.

"Tao po."

"Gab pasok, may pag-uusapan tayo." Si Tito Roald ang nagbukas ng gate.

Pagpunta ko sa sala, si Tita Yadghei (a/n: read as Ya-ji.) ay nakaupo at nagbabasa ng magazine. Binati ko siya at ganun din ang ginawa niya.

"Gab, alam naming close kayo ni Rose Ann kaya didiretsuhin ka na namin." Umpisa ni Tito.
"Diba alam mo naman na ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para mag-matured si Rose Ann? Pero imbis na mag-magtured siya, isip bata pa rin. Alam naming responsibilidad ng magulang ang palakihin ng maayos ang anak nila pero pwede mo ba kaming tulungan? Tutal close naman kayo ng anak ko." Woah, haba ng sinabi ni tito.

Akala ko kung anong sasabihin nila, ayos lang sa akin kasi una sa lahat at hindi sa huli, mas magiging close kami ni Rose Ann.

"Sige po. Okay lang sa akin."

"Thank you Gab. Dito ka na lang magdinner." Sabi ni tita.
"Nakakahiya naman po, hindi na po."
"Bawal tumanggi kaya hintayin na lang natin maluto yung ulam." Katakot talaga si tito!

"Dad! Don't scare Gab like that." Nasa hagdan si Rose Ann. Narinig niya kaya yung request ng parents niya?

"Rose Ann, how long have you been there?" Kinakabahang tanong ni tita.

"Ngayon lang po Mommy. Why? Is there something wrong?"
"Wala naman. Tara kain na tayo. I'm done cooking."

Nang matapos kami kumain, nagkwentuhan muna kami ni Rose Ann. Napagdesisyunan pala nila Tito at Tita na ilipat si Rose Ann sa IJMC Phase 3 para maging magkaklase kami. Sobrang bait ko ba kaya ako sinuswerte?

Napatingin ako sa cellphone ko. Naku po! 7:30 pm na pala! Lagpas na sa curfew ko. Hindi pa ako nakapagpaalam kila Mama't Papa.

"Tito, Tita, Rose Ann, thank you po. Uwi na po ako kasi hindi ako nakapagpaalam kila Papa. Baka po pagalitan ako."

"Ay ganun, sige punta ka na lang ulit bukas." Bait talaga ni Tita Yadghei.

Lumapit si tito sa akin at bumulong, "Don't forget your task, okay?" Si Tito Roald naman terror!

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon