Chapter 52 : Last Try

149 7 0
                                    

Anthony's POV

Hayy buhay. Ang init sa bahay.

Ayoko naman mag-swimming mag-isa. Moreno na nga masusunog pa.

Nag-chat ako sa GC naming anim. Ayun, lahat sila may lakad, lahat busy. Hayys. Kailan kaya kami magkakasama-sama ulit?

Nanonood lang ako ng K-Drama. Naging ganon ang routine ko sa buong bakasyon. Kung bakit kasi ang tagal pa bago magpasukan. Next academic year kaya mag-enroll ako sa summer class noh? Para mapabilis matapos ang college at para makapagtrabaho na ako.

Habang nanonood ako ng last episode ng The Legend Of The Blue Sea, naisip ko bigla na bisitahin si Aubrey.

Ewan ko ba. May mangyayari kaya?

Wala naman sana.

Kaya pagkatapos na pagkatapos ng episode 20 nagpaalam ako kila Kuya na pupuntahan ko si Aubrey.

Pagkadating ko sa bahay nila nakita ko siya sa terrace nila na hawak ang phone at naka-earphones. Mukhang nanonood.

"Hi Aubrey!"
"Ay petra!"

Hahahaha! Kung makita niyo lang yung pagkagulat niya haha laughtrip talaga!

"Mukha na ba akong kabayo?" Medyo nag-drama ang koya Toning haha.
"Ano ka ba hindi noh. Nagulat lang ako haha. Pasok ka."

Pagkapasok ko tinanong ko kung anong ginagawa niya at nandito siya sa terrace nila.

"Episode 15 na ako ng The Legend Of The Blue Sea eh. Grabe, ang gwapo ni Min Ho! Hihi!"
"Nako. Tapos ko na yan. Kanina lang. At mas gwapo ako kay Min Ho noh."
"Ehem! Ehem!" Nagkunyari pa siyang inuubo.
"Ano ba Anthony. Nanonood ako ha pwede tumahimik haha."
"Okay. Ayaw mo lang kasi aminin na mas gwapo ako sa kanya haha!"

Aba inirapan ako.

"Manood ka na lang ulit. Kalahati na ng episode 15." Sabi sa akin ni Aubrey at sinalpak sa tenga ko ang isang earplug.

"Salamat."

Natahimik ako bigla. Haha kinilig ako eh.

"Aubrey!"

Napalingon ako sa tumawag kay Aubrey.

Ate niya, si Ate Audrey. Haha ang kulit magpangalan ng magulang nila eh.

"Bakit Ate?"
"Pumasok naman kayo ang init diyan!"
"Okay!"

Pagkapasok namin binati ko ang ate niya. Nagulat ako sa sunod na ginawa ng ate niya.

Lumapit sa akin at bumulong, "Ikaw ba si So?"

So?

Oo nga pala, si So ang gusto ni Aubrey kaya siya ang kilala ni Ate Audrey.

Sakit naman nun.

"Hindi po, ako po si Anthony. Toning na lang po."
"Ah. You know what? Bagay kayo ng kapatid ko. Boto ako sayo kaya wag ka panghinaan ng loob. Makaka-get over din yun kay So."
"Haha salamat po. Opo hindi ko po susukuan si Aubrey."

Umakyat na si Ate Audrey.

"Anong binulong sayo ni Ate?"
"Secret."
"Ang daya."
"Haha ganun talaga. Nasaan nga pala magulang niyo?"
"Nag-date. Haha."

Hindi namin namalayan ang oras. 7:30 na pala O.O

"Hala Aubrey uuwi na ako. Gabi na pala. Spoiler alert : Magkakahiwalay sila Cheong at Joon Jae." Tumayo na ako.
"Kaasar ka bakit mo sinabi? Huhu. Nakakalungkot naman. Sige ingat ka. Salamat sa pagdalaw."
"Pagdalaw? Parang may patay lang ah."
"Hahaha patay na patay ka sa akin."

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon