Trisha's POV
Isang pagkakaibigan na nabuo ang tila nagkaroon ng katapusan nang may dumating na mga babae sa kanilang buhay. Kasabay nito ang pagtahak nila sa iba't ibang landas tungo sa kanilang mga pangarap.
Nawalan ng koneksyon, komunikasyon, oras. Ngunit isang bagay lang ang hindi nawala sa kanila.
Ang pagmamahal.
Pagmamahal na nagbuklod sa kanilang anim mula umpisa pa lamang.
Pagmamahal na naging sanhi kung bakit dumating sina Julie Ann, Nica, Arjane, Rose Ann, Aubrey, at Bea Suzy sa buhay nina Caygee Emdee, Paulo, Christian John, John Gabriel, John Anthony, at Andrian.
Pagmamahal na bumuo muli sa kanila matapos ang ilang taon na walang pagsasama.
Pagmamahal na naging dahilan kung bakit nagkaroon sila ng "forever" at nanatili pa rin silang magkakaibigan sa kabila ng mga nangyari sa kanila.
Distance is never an issue for true friends.
Nakakatuwa silang makita na sabay-sabay silang naka-graduate.
Oo, nakatapos na sila. Maliban kay Bea na patuloy na nagpapagamot.
Parang dati mga totoy lang silang anim. Puro laro ang inaatupag. Nang ma-in love, aba! Nagsipag sa pag-aaral!
At ngayon, kasalukuyan na silang nag-aapply sa mga companies. Malapit na nila maabot ang kanilang mga pangarap.
Kung hindi pa na-in love ang six guys, hindi sila matututong magsipag, maghintay, mag-alaga, at magmahal ng tunay.
Sila Caygee Emdee Da, Paulo dela Peńa, Christian John Seming, John Gabriel Balabat, John Anthony Chavez, at Andrian Rosario ang nagpatunay na may forever. Hindi kailangang minamadali. Hindi kailangang puro pag-ibig.
Kahit anong mangyari, wag mong kakalimutan ang mga tunay na kaibigan mo. Dahil ang tunay na kaibigan ay laging nandiyan. Laging handang damayan ka.
Sila ang SIX GUYS IN LOVE.

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...