Paulo's POV
"Masarap kapag kalabasa flavor." - Maica
"Di kaya, calamansi na lang." - Ralph
"Ano ba kayo! Natikman niyo na ba yang mga flavors na sinasabi niyo?!" Inis na pahayag ni Gab.Kasalukuyan kaming nasa classroom at pinag-uusapan ang magiging flavor ng ice cream na gagawin ang theme. Yun kasi ang ilalaban namin para sa buong high school department. Tapos pag kami ang nanalo, kakalabanin namin ang Main at Phase 2.
"Edi magresearch na lang tayo ng masarap na flavor. Mga nakakasuka eh!" Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Carl. Siya kasi ang president namin.
Makalipas ang dalawang araw . . .
"Testing natin yung Malunggay flavor, masarap daw."
"Sure ka ba diyan Dessa?"
"Kaya nga itetesting diba?"
"Sige magtalo pa kayo Dessa at Ralph." Saway ni Claire sa kanila. Pagkapasok kasi namin sa classroom yan agad ang pambungad nila."Ma'am A. Malunggay flavor daw po." Sabi ni Angie.
"Sige. Gawa kayo ng sample ha? Para malaman kung okay lang ba yung lasa."
"Opo Ma'am." Sagot naming lahat.~Cooking Contest~
"Guys kabado ako! Magugustuhan kaya ng judges yung lasa?" -Angelie
"Oo naman tiwala lang." -Ako
"Kapit bisig mga kapatid!" -Anthony
"Grade 10! Makinig kayo, malapit na ang awardings." Umupo sa tabi namin si Ma'am A.
"Okay, now let's proceed to the most awaited part of the program."*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*
Ganyan kabilis at kalakas ang kabog ng dibdib ko. Nagsasalita na kasi ang principal namin. Sana kami ang manalo.
"The winner in the High School Department is . . ."
*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*
"Grade . . ."
.
.
.
.
"10!"
"Wooooohhhh!!!!" Hiyaw naming Grade 10. Aba, first time ba naman namin manalo sa cooking contest. Lalaban kami sa Main at Phase 2.
"Congrats Grade 10 Hooke! Better prepare for your match with Main and Phase 2 next week."
"Thank you po Ma'am T.!"Pagdating namin sa classroom, kinain namin yung natirang Malunggay flavored ice cream.
Pagkauwi ko, bagsak ako sa kama. Kapagod ngayong araw.
Dumating na ang araw na kung saan lalaban na kami. Sana naman hindi luto ang laban (kahit cooking contest talaga ang laban hahaha).
"Guys andito na tayo sa Main." Sabi ni Ma'am A.
"10 Hooke, walang panghihinaan ng loob ha? Ito na yung araw na hinihintay natin. Kaya natin 'to!" -Alvez
"Kapit bisig lang!" -Angie
"Good luck na lang sa atin." -CarlPagpasok namin, pumila kami at umakyat sa 3rd floor.
Ang daming tao. Shete, nakakakaba!
Pumwesto kami at nilapag ang mga ingredients sa mesa.
Siyempre, di mawawala ang flag ceremony.
Naunang magpresent ang Main. Sumunod ang Phase 2. Tapos kami na.
"Grade 10, kahit hindi kayo manalo basta mag-enjoy kayo, ayos na yun." Sabi ni Ma'am A. bago kami nag-umpisa.
"Okay Hooke, kaya natin 'to guys!" Pagchi-cheer sa amin ni Carl.
Habang hinahalo namin yung ingredients at hinihintay maging "ice cream" yung ginawa namin, hinanap ko muna si Nica. Tagal na rin ng huli naming pagkikita.
BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Fiksi RemajaWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...