Andrian's POV
Nakakamiss ang babaeng iyon. Ang huling paramdam niya ay August 16. Parang noon, naulit na ito ah. Ano kayang nangyayari sa kanya at bigla-bigla siyang nawawala? Walang paramdam kahit kanino. Kahit kanino ako magtanong. Pati mga magulang niya hindi ma-contact.
Oo, si Baebea ko. Wala nanaman. Valentine's Day pa naman bukas.
Haha sige tawanan niyo ako. Natatawa din ako sa sarili ko eh. May problema ba sa akin? Bakit bigla-bigla siyang nawawala? Wala naman siyang nabanggit na dahilan kung bakit kailangan niya gawin yon. Tinanong ko nga sa adviser namin kung paano ang pag-aaral niya. Home-schooling na daw siya. Pero welcome pa siya dito sa room namin.
Isang buwan na lang graduation na. College na kami sa August. Grabe talaga ang panahon. Ang bilis. Natatae ata haha.
Hindi ko man lang siya masasabihan ng "Congratulations Baebea! College na tayo."
Ilang beses ko siyang pinuntahan sa bahay nila pero wala eh, laging walang tao.
Baebea, nasaan ka na ba kasi? Hindi mo ba ako namimiss? Isang taon na akong nanliligaw sayo oh hindi ko tuloy alam kung titigil na ba ako o ipagpapatuloy ko pa.
So, heto na nga.
Valentine's Day na.
Ang sarap ipagtatapon ng mga rosas ng mga kaklase kong babae eh.
"Kyaaaaaa! Crush din pala ako ni Crush hihihi!"
"Girls oh! Si Fafa Jeg nagbigay nito with letter pa!"At ito pinakamatindi.
"Guys andyan na si Grettea! Yung pwesto niyo bilis!"
Susurpresahin ni Josh, kaklase ko, yung long-time-crush-na-hindi-siya-pinapansin daw, si Grettea. Pinlano niya 'to last December pa. Pag tinamaan ka nga naman.
Pumwesto na rin ako. Hindi ako dapat mangdamay sa kabitteran ko.
Pagpasok ni Grettea sa room, nanlaki ang mga mata niya kasi puro pictures ng Hello Kitty ang nasa paligid. Yeah, ang korni ni Josh. Eh gusto niya eh, anong magagawa?
Lahat kami kumanta ng "When You Say Nothing At All" tapos inabot kay Grettea ang mga Hello Kitty keychains na may inspirational words na nakadikit kagaya ng "Smile :)", "Cheer up!", "Make today count.", "You're beautiful 😍", at madami pa. Ang effort ng lalaking ito eh, tinalo pa ako hahahaha.
At ang panghuling nag-abot ng Hello Kitty bouquet with chocolates na Hello Kitty ang balot ay walang iba kundi si Josh. Sino ba namang hindi kikiligin sa effort niya? Yung bato na lang siguro.
Nag-speech pa ang lolo niyo bago magtanong ng "Kung maaari, hahayaan mo ba akong alagaan ka bilang kasintahan mo?"
Nakakaloka mga tsong! Ang modern ng setting tapos ang most awaited question ay old Tagalog? Haha kakaiba nga ito.
At ang sagot? Syempre isang matamis na oo.
After ng eksenang iyon lumabas na ako. Hindi sa pagiging bitter kundi para gumawa ng paraan para mahanap ko si Baebea.
Nasaan ka na ba kasi?
Nakita ko si Aubrey na nakangiti, papalapit sa akin.
"Hi So! Happy Valentine's Day!"
"Happy Valentine's Day din Aubrey! Bakit parang mag-isa ka? Wala kang kasama?"
"Wala eh, SAWI. Haha single at walang iniintindi."
"Haha may SAWI pang nalalaman eh. Sige alis na ako may pupuntahan pa ako eh."
"Sige ingat!"At pagkaalis ni Aubrey saktong napadaan si Anthony.
Nakatingin lang siya sa akin at ngumiti ng mapait.
BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...