Anthony's POV
Kalagitnaan na ng May ngayon. 2 1/2 weeks na lang pasukan na. Hindi ako makapaniwalang 4th year/ Grade 10 na kami. Time really flies fast.
At habang tumatagal, I'm falling deeper for Aubrey. Kaso feel ko namang di niya ako gusto. Basta, I will do my best to win her heart. Kahit hindi maging kami, basta mahalin niya ako in return. Eh anong purpose Anthony kung mahal niyo ang isa't isa tapos hindi magiging kayo? Hmm kasi hindi yung thought na magiging "kami" yung habol ko. Ang gusto ko mahalin siya at mahalin niya rin ako. Malaman ko lang na nangyari yun masaya na ako.
Okay, ang drama ko. Pagbigyan haha.
"Thony basketball tayo." Pagyayaya ni So.
"Hindi pwede ngayon, aalis kami. Bukas na lang."
"Sige, umaga?"
"Mga 6:30, sa court ng Cluster." Nandito kasi siya sa bahay namin.
"So may load ka?" Tanong ko kay Andrian.
"Meron. Oh, text mo na si Baby Aubrey mo." Sabay hagalpak sa tawa. Loko to, pinagtitripan ako."Baby Aubrey mo mukha mo! Cheap ka So!"
"Hahaha! Ikaw kaya nagsabi dati nun kasi katunog ng Aubrey yung Baby."
"Ah, trip mo ako ngayon ha? Sino kaya yung sinampal ng malakas dati sa mall?" At ngayon, ako naman yung tawa ng tawa."Tawag na ako ni Mama. Bukas na lang." Hahaha! Naglakad na siya pauwi sa kanila.
Pagkaalis ni So, lumapit sa akin si Papa.
"Thony hindi muna tuloy ang alis natin ngayon. May kailangan kasi kaming puntahan ng Mama mo. Para may magawa ka, bumili ka ng gamit mo pang-school. Sama mo si Aubrey kung gusto mo." Ha?! pano nalaman ni Papa ang tungkol kay Aubrey?
"Pa paano mo nakilala si Aubrey?"
"Edi sa mga kaibigan mo." Tawanan ba naman ako ni Papa at umalis?"Pa pera ko!"
"Nasa computer table sa kwarto mo."
"Salamat Pa!"Nag-ayos na ako para pumuntang SM. Sa Calamba na lang para malapit.
Habang nasa jeep ako, nakaramdam ako ng gutom. Hindi pa pala ako nag-almusal at tanghalian.
Pagkarating ko sa SM, dumiretso ako sa Jollibee. Umorder ako ng isang burger, peach mango pie at pineapple juice. Nang matapos akong kumain, nakatanggap ako ng text galing kay Aubrey.
"Do not pray for an easy life. Pray for the strength to endure one.
-Bruce Lee
Magandang araw! Ngayon lang sinipag magtext.
gm#MiFaSo<3 "
Confirmed. May gusto nga siya kay So.
Give up na ba ako?
Hayy nako. Makabili na nga lang ng gamit.
Habang nasa National Bookstore ako, napag-isip isip ko na malapit na pala kami magkahiwa-hiwalay ng landas ng mga classmates ko. Makakakilala na kami ng ibang tao, matututo ng maraming bagay, makakapunta kung saan-saan. Pero sana hindi kami magkalimutan. Sana matibay pa rin ang samahan namin. Sana -
"Hey Anthony!"
"Ay tipaklong!" Tahimik ako ditong nag-iisip at pumipili ng notebooks tapos may manggugulat sa akin? And take note, si Aubrey pa!
"Hahahaha! Ang cute mo magulat." Aba, tawanan pa ako.
"Bigla-bigla kang sumusulpot, nag-iisip ako tapos manggugulat ka?"
"Ano ba iniisip mo?" Pagtripan ko kaya to? Haha."Ikaw." Biglang nawala yung ngiti niya.
"Hahahaha! Joke lang, what a face Aubrey!"
"Che! Nantitrip ka!"
"Ginulat mo ako eh, ganti ko lang yun."
"By the way, ikaw lang mag-isa?"
"Oo, may kasama ka?"
"Nope, ako lang din. Tumakas ako."
"Ha? bakit naman?" Tumakas? may krimen ba siyang ginawa?

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...