Chapter 34 : The Life

167 7 0
                                    

Rose Ann's POV

We're here at Spring Forest in Pansol. Treat ni Paulo, nakuha na daw niya pera niya sa paluwagan. I'm going to find Nemooooo.

Ay mukhang mahirap wag na lang.

Si Dory na lang hihi.

"Gab oh." I offered my dried mango.
"Ui salamat paborito ko to!" Kumuha siya ng marami and you can really see his ecstatic state.

All I remember before I closed my eyes was the salbabidas along the highway and when I opened them I am in a room. Alone.

"NOOOOOOOO!!!!!!"

Gab's POV

Narinig kong sumigaw si Rosie kaya pinuntahan ko siya sa room.

"Rose Ann bakit?!" Baka kung anong nangyari sa kanya. Paano kung nahulog siya sa kama? Paano kung magka-amnesia siya? Paano kung . . .

"Nasaan ako? Why am I here?!"
"Nakatulog ka sa jeep kanina binuhat kita papunta dito."
"Oh. Hehe sorry! I thought na-kidnapped ako."
"Grabe yang iniisip mo. Mukha ba akong kidnapper?"
"Nope. You look like a surfer. Sunog na balat mo Gabbie!" Napatingin tuloy ako sa braso ko. Oo nga. Haha piniritong Gabbie. Niyaya ko si Rose Ann na mag-swimming, kaya nag-cr siya tapos paglabas niya naka-longsleeves at short siya na red.

Amg cute niyaaaaa 😍😍 Haha may Hello Kitty palang design yon di ko napansin nakita ko lang nung lumapit siya sa akin.

Lumabas na kami sa room at nag-unahan na maligo sa pool. At kahit sunog na ako tuloy pa rin ang pagbababad ko. Ang saya kaya sa tubig haha tapos kasama mo pa yung taong mahal mo.

Mahal? Oo. Mahal ko si Rose Ann.

Hep! Wag kayong kiligin. Wala pa akong ginagawa ha. Hahahaha!

Nagbabasaan kami ni Rose Ann kahit na literal na basa na kami haha.

"Hami. . . Hami. . . Waaaaaave!" At napapikit ako sa impact ng tubig. Grabe tong batang to ang liit pero ang lakas. Hindi kaya isa siyang sirena na nagkatawang tao? O.O

Habang nagbabasaan kami nakaramdam ako ng gutom.

"Rosie gusto mo kumain? Nagugutom ako."
"Sige kain ka muna I'll stay here."
"Sure ka? Kahit konti lang ayaw mo?" Ewan ko, I have a bad feeling leaving her here.
"Oo I'll eat later."

Ayoko talagang iwan siya. Wala siyang kasama dito. Nasa ibang pool sila Paulo eh. Pero pinilit niya akong umalis para kumain kaya yun binilisan ko para makabalik ako agad.

Pagbalik ko . . .

SHETENG TAE!!!!!!!

"ROSE ANN!!!"

Nakita ko siya sa ilalim ng tubig. Hindi siya nag-fofloating. Putek naman kaya ayokong iwanan siya eh bwiset!

Pinilit ko siyang kunin at nang maiahon ko siya tinapik tapik ko ang napakaputla niyang mukha.

"Rose Ann! Rose Ann dumilat ka!" Niyuyugyog ko na siya ng sobra pero hindi pa rin siya gumagalaw. Ni daliri hindi. Kinakabahan ako baka tuluyang mawala si Rose Ann.

Tuluyang mawala ang babaeng mahal ko.

"Rose Ann!" Pinilit kong buksan ang mata niya pero kusa itong sumasara.

ROSE ANN NAMAN 😭😭

Tumingin ako sa paligid ko. Kung minamalas ka nga naman. Wala sila Paulo. Ni isang tao sa paligid wala.

I have no choice. Wala namang malisya ito pag nasa gitna na ng life and death ang isang tao.

Kahit na first time kong gagawin ito, huminga ako ng malalim tsaka binuksan ang bibig ni Rose Ann and I performed the CPR.

The moment I breathed air in her I felt a burning sensation within my chest.

Nako Gab mamaya na yang burning burning na yan iligtas mo muna si Rose Ann!

I breathed three times before she opened her eyes and gasps loudly.

BUTI NAMAN AT GUMISING KA NA ROSIE!

"Rose Ann!" Sa sobrang saya ko niyakap ko siya ng mahigpit.
"Ga—a *chokes* ab!"
"Alalang alala ako sayo akala ko tuluyan ka ng mawawala." Hinagod ko yung likod niya para mahimasmasan siya kahit papaano.
"I'm sorry I didn't listen to you! Sinubukan ko lang naman pumunta sa malalim na part eh tapos I thought kaya ko na so I let go and then I submerged immediately. I tried going up but I can't!"

Pinatahan ko siya sa pag-iyak. Tumingin ako sa paligid at still wala pa ring tao. Nasaan sila?

"Thank you Gab. For saving my life."
"Of course I'll save you! Parte ka ng buhay ko."
"Thank you. Paano pag nalaman ito nila Mommy? They'll kill me for sure."
"No. Kasalanan ko. Kung hindi kita iniwan hindi sana mangyayari sayo ito."
"Don't blame yourself Gabbie."
"Eh totoo naman eh. Kung sana tiniis ko muna gutom ko. Kung sana hindi kita iniwan. Kung sana—"

O.O

Natigilan ako sa pagsasalita. Hinalikan ako ni Rose Ann.

She let go. And she smiled at me.

"From now on, I am ever grateful to you Gabbie. I owe my life to you so this is the way I can repay you."

Grabe naman ang pag-repay ni Rosie.

"Hindi mo naman kailangan magbayad eh. Makita ko lang na buhay ka masaya na ako."
"Ehhhhh! Just let me okay."

Hmm. O sige na nga haha.

"Sige salamat Rose Ann. By the way, lasang mint labi mo. Kumain ka ng Mentos? Haha."

Oooppssss. Awkward. Hahaha nag-blush si Rose Ann.

"Heh! Don't talk about anything about my kiss."
"Opo Rosie haha."
"And yeah. I ate Mentos. Hahaha."

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon