Gab's POV
Nakita ko mula sa pwesto ko na pagkatapos umamin ni CJ kay Arjane ay tahimik lang sila. Walang nagsasalita, walang kumikibo. Siguro mga dalawang minuto din yun.
Hoy hindi ako stalker ha! Nagkataon lang na nauna akong kumain dito, nakita ko lang na pumasok sila. Dapat nga tatawagin ko si CJ pero baka masira ko ang moment nila. Naiinggit nga ako eh. Ako solo lang huhuhu walang si Rose Ann!
Anywaaaaays, na-witness ko ang pag-amin ni CJ. Ang masasabi ko?
Laughtrip! Hahahahaha kahit ang seryoso ng mukha niya natatawa pa rin ako! Kasi ba naman, sa lahat ng lugar, sa Jollibee pa magtatapat? Pero okay na rin yun at least nakaamin na siya.
Unang umamin si Caygee kay Julie Ann. Aba kahit naman first day pa lang umaamin na yun sa babae, walang hiya yun eh! Hahahaha walang katorpe-torpe yun eh.
Sunod si So. Noong nalaman namin na nililigawan niya si Bea binatukan agad namin. "Kailan pa?!," sabay-sabay naming tinanong yan sa kanya. Di man lang namin nalamang nagkita na pala ulit sila. Malupit magtago yung dalawang yun.
Tapos ito namang si Paulo na may Torpelitis noong una, ayun siya pa nauna sa amin. Naunang magka-girlfriend sa amin. Akalain niyo yun? Haha LDR ang loko, Philippines to Japan.
At ngayon lang, si CJ. Ang best friend niyang si Arjane. Ano kayang mangyayari sa dalawang ito?
At bigla ko ring naisip, kami kaya ni Toning, kailan kami aamin? Haha. Aamin na rin ba ako? Yung kay Toning kasi mahirap eh. Hindi pa siya umaamin nalaman na niyang may mahal ng iba si Aubrey.
Pero mamaya ko na sasagutin yang tanong ko. Mag-aabang muna ako ng sagot ni Arjane.
"Uhm, I don't know what to say CJ. Parehas tayo ng nararamdaman."
SHETENG TAENG DILAW!!!!
KINIKILIG AKO SA DALAWANG 'TO! HAHAHAHAHAHA!
Minadali kong kainin ang sundae ko para mas makapag-focus ako.
"Isusuko na nga dapat eh, kasi yun na nga. Mag-best friend tayo. Baka hanggang doon lang ang tingin mo sa akin. Pero sayo na mismo nanggaling na baka ganoon lang din ang tingin ko sayo so parang nag-aantayan lang tayo kung sino mauuna umamin? Haha. Mahal din kita CJ."
Parang LizQuen lang ah. Tsk. Nakaka-bitter.
"Talaga? Hindi ko ineexpect yun Arjane. Hindi ko pala kailangang makipagkumpitensya kay Brandon."
Ay ang koya CJ naman. May Brandon na kumakalaban? Hahaha.
"Hindi naman talaga, kasi ikaw at ikaw lang naman ang gusto kong mahalin."
*Ubo* Hindi ko na kinaya itong dalawa ito! Sila na may lovelife! Hinintay ko lang sila umalis bago ako umalis. Pagdating ko sa gate ng Executive, bumaba na ako sa tricycle at naglakad papunta sa bahay nila Rose Ann.
Teka, bakit nga ba ako pupunta doon?
"Tao po."
Walang sumasagot. Pero may nagtatawanan sa loob.
"Tao po!" Kinalampang ko na rin ang gate para marinig. Tae, kinakabahan ako sa susunod na mangyayari. May kutob ako na hindi ko ito magugustuhan.
At hindi ako binigo ng kutob ko.
Dahil si TAN ang nagbukas ng gate at winelcome pa ako papasok. Hindi ko siya pinansin kahit na nagtataka ako kung bakit nandito siya sa bahay nila Rose Ann.
Nakita ko si Rose Ann na nakaupo sa sofa nila at nanonood ng Sing. Tumabi sa kanya si Tan.
Ano ito?! Hindi ko maintindihan!
"Oh, hi Gabbie! Bakit ka napadalaw?"
"Wala lang, kukumustahin lang kita."
"Okay naman ako. Ikaw ba?"
"Stressed eh." Dahil sa pagmumukha ng Tan na ito!"Stressed? Why?"
"School." Tumabi ako kay Rose Ann at bumulong. "Bakit nandito si Tan?"Sana pala hindi ko na lang tinanong kung bakit yun nandito. Dahil ang sagot ni Rose Ann?
"He's my boyfriend now. Please don't tell Mom and Dad Gabbie! I just told them we're friends."
Hindi ko maintindihan. Bakit sila na? Sila na agad? Hindi ko namalayang may panliligaw na naganap. Kailan pa? Bakit siya pa Rose Ann? Nandito ako oh, aamin na dapat ako pero bakit nauna yang si Tan?! Bakit hindi mo sinabi sa akin Rose Ann na gusto mo pala yang Tan na yan?! Nakakaiyak naman mga tsong! Hahahaha! Lahat ng iyan gusto kong itanong sa kanya pero ni isa walang lumabas sa bibig ko.
"Ah ganon ba, ang daya mo hindi mo agad sinabi sa akin."
"Last three days palang kami Gabbie. Don't make tampo tampo please. You're still my best friend."Ha-ha. Mukhang mas masakit yun ah. "You're still my best friend." Hahahahaha! Tawa tayo! Hahahahahaha! Bakit yung kay CJ at Arjane kahit mag-best friend sila mahal nila ang isa't isa? Bakit sa amin ni Rose Ann, one-sided love? Unrequited love?
"Ah okay, sige uwi na ako. Basta pag may ibang ginawa sayo yang Tan na yan tumakbo ka sa bahay namin ha."
"Haha opo Gabbie."
"Sige uwi na ako Rosie."The moment na paghiga ko sa kama napaiyak na ako. Haha. Nakakabakla ano? Kalalaking tao umiiyak.
Eh bakit ba? Nasasaktan ako eh!
Nagsisisi tuloy ako. Dapat pala hindi ko na pinanood yung scene nila CJ at Arjane. Masaya ako para sa kanila eh pero sabi nga nila, pagkatapos daw ng kasiyahan ay kalungkutan. Ito na ba yun?
Nagsisisi rin ako sa pagiging mabagal ko. Kainis! Aamin palang ako tapos sila na nung Tan na yun!
Yan. Nalaman niyong kahit lalaki, hindi lang babae, basta nasasaktan, umiiyak din. Wag kayong manakit ng feelings ng lalaki ha. Huhuhu ang sakit talaga! 😭😭😭
After ko kausapin ang sarili ko na parang timang nakatulog na ako.
Pagkagising ko kinabukasan sising sisi ako kung bakit ako nagdrama kagabi.
"Takte! Anong nangyari sa maganda kong mata?!"
Magang maga po. Color gray pa na medyo namumula. Parang hinanginan sa fluffy tingnan. Kaasar naman oh! Pero, hayys. Life must go on. It shouldn't stop unless you let it so. At sa pagkakataong ito, I will never again let the chance pass by na umamin kay Rose Ann. Pero bago ko iyon gawin, magpapa-pogi muna ako. Aamin ako ng may napakalaking eyebags? Haha patawa naman kayo eh. Hindi ngayon! Agad agad teh?
Pagpasok ko sa school, nakita ko si Tan, mukhang may hinahanap.
"Rose Ann!"
Lumingon ako kung saan sumigaw si Tan. At nakita ko ang isang napakagandang babae.
Balang araw, itago niyo yan sa bato, magiging sa akin lang ang mga ngiti mo, Rose Ann. Ako lang ang mahal mo, at kapag nangyari yun ako na ang pinakamasayang nilalang sa mundo.
Pinagmasdan ko lang sila na magtawanan. Ang saya nila. Kitang-kita ko.
Sana sa susunod, ako naman ang makita ng mahal ko.
Kanina kasi, nilampasan lang niya ako at pumunta sa iba.

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...