CJ's POV
Hinihintay ko matapos ang last subject nila Arjane ngayon. Nakaupo ako sa bench na katapat ng room nila. Sinalpak ko sa tenga ko ang earphones ko at namili ng kanta.
1. Can't Stop The Feeling
2. Get Back Up Again
3. Hair Up
4. True ColorsPistiiii. Hahahaha nakakahiya itong mga kanta dito. Lahat ng bumungad eh OST ng Trolls. Haha. Pero sige, maganda naman eh.
*Tapik sa balikat*
Napalingon ako sa likod ko, sa kung sinuman ang tumapik sa akin.
Teka, namumukhaan ko ito.
Si Brandon.
Tinanggal ko ang left earplug ko.
"Yes?"
"Ikaw yung CJ na best friend ni Arjane diba?"
"Oo, bakit?"
"Gusto ko lang sabihin na nililigawan ko si Jing. Kanina lang ako nagsabi sa kanya kaya ngayon sinasabi ko na rin sayo. Mahirap na, baka may tinatago kang pagnanasa sa kanya."At automatic na napatayo ako dahil sa sinabi niya.
"Teka, BRANDON. Una sa lahat at hindi sa huli, ang FC mo para kalabitin ako at sabihin yan sa akin, pangalawa, wag na wag mong matawag si Arjane ng Jing. Kaya nga Arjane ang pangalan niya. Yun ang itawag mo sa kanya. Pangatlo, wala akong pake kung nanliligaw ka sa kanya. Hindi ka naman niya gusto at hinding hindi siya magkakagusto sayo. Pang-apat, ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin na may tinatago akong pagnanasa sa kanya ah! Anong gusto mong iparating? Manyak ako?!"
"Hahaha ang defensive mo naman. Ang ibig kong sabihi-"
"Tumigil ka na Brandon."Tumabi sa akin si Arjane at pinandilatan ng mata si Brandon.
"Hindi kita pinayagang manligaw kaya lilinawin ko. HINDI KITA GUSTO AT WALA AKONG BALAK MAGPALIGAW SAYO. At anong pumasok sa isip mo para sabihan ng ganon si CJ? Ang kapal ng mukha mo ha! Baka gusto mo ng liha. Bibigyan kita ng libre."
Nakita ko ang pagkabalisa ni Brandon habang pilit na nagpapaliwanag kay Arjane. Hinila ako ni Arjane at nagsimulang maglakad. Hindi niya pinapansin si Brandon kahit na kinukulit siya nito.
"CJ takbo!" Pagkasabing pagkasabi ni Arjane ng takbo kumaripas na kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa Jollibee. Grabe itong babaeng ito. Mukha pang energized. Samantalang ako, puro energy gap na! I need Milo!
"Pwew! Ang bilis natin CJ haha parang it's a matter of life and death ang pagtakbo natin!" Kahit pala energized pa siya hiningal din naman pala konti.
"Ikaaaaw . . . *deep, fast sighs* kasi *deep, fast sighs* bakit ka ba *deep, fast sighs* tumakbo?" Grabe ngayon lang ulit ako tumakbo ng ganon kabilis."Eh naiinis ako kay Brandon. Bakit ka niya pinagsalitaan ng ganon?!"
"O kalma Ajingjing." Pinunasan ko ang pawis niya sa mukha gamit ang panyo ko."Wag ka mag-alala, wala akong sipon. Hahahaha."
"Hahaha ay grabe siya oh wala akong sinasabi ha."Tutal nasa Jollibee kami umorder na rin kami ng pagkain.
Habang hinihintay ang order namin, may bigla akong naisip.
Paano kung isang araw, magkagusto si Arjane kay Brandon?
Paano kung isang araw, maging sila?
Paano kung isang araw, mawala si Arjane sa akin?Parang . . .
Hindi ko kaya.
Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong magkita ulit kami makalipas ang ilang taon. Noong nakita ko siya sa Festival Mall noong Grade 8 kami, laking pasalamat ko kasi hindi pa pala huli ang lahat. Hindi pala mananatiling alaala na lang ang lahat. May pag-asa pa. May pag-asa pang masabi ko sa kanya na mahal ko siya. At . . .
May pag-asa din . . .
Na mawala siya sa akin.
"CJ thank you sa libre ha. Actually medyo sinadya kong dito ka dalhin para mangyari ito. Haha joke!"
"Haha wala yun. Uhm," Ito na ba yun? Sasabihin ko na ba?
"Hmm?"
"Next time wag sa Shakey's o sa Yellow Cab. Hindi ko pa afford eh." Tae, ang layo ng nasabi ko. Hahahahahaha.
"Pfft! *inom ng juice* Hahahahahahaha akala ko kung anong sasabihin mo yun lang pala hahahahaha!" Muntik na niya maibuga ang spaghetti na sinubo niya sa sinabi ko hahahahaha."Hahaha eh alam mo naman, estudyante palang ako. Pag bigtime na sa work kahit sa pinakamahal pang resto sa buong mundo mo ako itakbo at dalhin ayos lang."
"Hahaha di naman ako ganon grabe ka sa akin hahahaha!"
"It's better to say than to pay! Hahahahaha!" Oo, kahit ako di ko masyado gets sinabi ko hahahahahahaha."Wow bagong quote. Haha saan mo natutunan?"
"Wala. Sariling imbento hahaha."Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa nagtanong siya.
"CJ nagka-girlfriend ka na ba?"
This time, ako naman ang nabulunan.
"Ano bang tanong yan, *inom ng tubig* haha wala syempre."
Spell AWKWARD.
"Eh paano nangyari yon?"
"Ha?"
"Yung wala ka pang girlfriend."
"Ah, kasi ano, actually hindi ko talaga ma-feel yung sparks kahit kanino eh. Sayo lang. Haha."Loading.
Hala!
Nakakahiya!!!!
"So sa akin mo nararamdaman yung sparks? Hahahaha." Kung alam mo lang Arjane. Hayy. Baka pag umamin ako hindi na tayo makapag-usap ng ganito.
"Oo."Nag-umpisa siyang magseryoso. Ito na ang kinakatakot ko eh.
"A-a-anong ibig mong sa-bi-i-hin?"
Ito na ba yun? Aaminin ko na ba? Paano kung magaya ako sa iba na hanggang kaibigan lang ako kayang mahalin ni Arjane?
Nilunok ko muna ang huling patak ng pineapple juice.
"Ajingjing, wag kang mabibigla sa sasabihin ko."
Tiningnan ko siya ng diretso sa mata.
"Hindi ko mapapangakong hindi ako mabibigla CJ. Ngayon lang hindi ko na maintindihan ang nangyayari."
"Basta makinig ka lang sa akin, okay? Kung ano man ang malaman mo sana after nito hindi magbago ang samahan natin."Nakatingin na rin siya sa akin, nag-aabang ng sunod kong sasabihin.
"Kaso mukhang out of 100%, 5% na lang ang possibility na manatili pa rin tayong ganito." Ay may pag-ganon pa ako? Hahaha #StatsAndProbNiCJ
Ito na nga. Seryoso na.
Hingang malalim.
"Alam mo kasi Ajingjing . . ."
"Hindi ko alam."-,-
"Haha sige na tuloy mo lang."
Itong babaeng ito talaga nakuuuuu hahahahaha. Natawa na lang ako.
"Ang tagal kitang hinintay na makita o makausap man lang, ilang taon ba tayong nawalan ng communication? 7 years? 8? 9? Hindi ko na tanda. Basta ang tanda ko, ikaw yung Arjane Legaspi na kababata ko, yung best friend ko."
Hindi siya nagsalita, kaya tinuloy ko na ang pagsasalita. It's now or never.
"Bumalik yung closeness natin sa loob ng 3 years after nating magkita sa Festival Mall. Sa loob ng tatlong taon na yun, mas lalo kitang nakilala. At dahil don,"
Huminga ako ng malalim. Woooooohhhhh ito na! Bahala na kung anong mangyayari.
". . . Mahal na kita Arjane. Minahal ko ang best friend kong masaya na sa mga simpleng bagay. Minahal ko ang best friend kong masipag mag-aral, mahilig sa spaghetti, at hindi mahirap patawanin. Minahal kita, at patuloy pa rin kitang minamahal."
Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat ng iyon.
Nanatiling tahimik si Arjane at hindi kumikibo. Mas lalo nga lang lumaki ang singkit niyang mga mata.
Oh Arjane. It's now or never.
BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Novela JuvenilWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...