Andrian's POV
Nasa baking class ako nang biglang mag-vibrate ang phone ko.
Tumatawag si Tita Bella.
Tae. Kinakabahan ako.
"Sir excuse lang po, emergency."
"Go ahead."Niligpit ko muna ng mabilisan ang mga gamit ko bago ako lumabas ng kitchen at sinagot ang tawag.
"Hello po Tita?"
"So, si Bea!"Hindi maganda ang tono ng boses ni Tita.
"Ano pong nangyari?!" Naglalakad na ako palabas ng school.
"Hinimatay nanaman. Kadalasan ten minutes nagigising na siya pero ngayon dalawang oras na wala pa rin siyang malay!"Halos mabitawan ko ang phone ko sa narinig ko.
"Sige po papunta na po ako diyan ngayon."
"Okay. Ingat So. Pasensya na."
"Okay lang po."Hindi ako mapakali habang nasa biyahe. Paano kung lumala ang sakit niya? Paano kung hindi na siya magising? Paano kung mahuli na ako ng dating? Paano kung . . .
. . . hindi na siya bumalik?
Tigilan mo ang mag-isip ng ganyan, So. Magigising si Bea. Tiwala lang.
Nakarating ako sa ospital ng 6:30 pm. Nakaramdam ako ng gutom nang madaanan ko ang canteen pero isinantabi ko yun dahil kailangan kong makapunta kay Bea.
Kaso gutom na gutom na talaga ako 😭
Kaya ayun, bumili muna ako ng veggie steak at vegetable salad. Sinamahan ko na rin ng carrot juice.
Siguro nagtataka kayo kung bakit puro gulay ang binili ko. Natikman ko 'to nung huli kong bisita kay Baebea eh. Dinamay ko na rin siyang bilhan.
Kumatok ako.
Walang nagbukas ng pintuan.
Mas lalo akong kinabahan.
"So."
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Tita Bella.
"Good evening po Tita."
"Good evening din. Tinawagan ako ng secretary ni Sean, nadulas daw sa hagdan."Grabe.
Si Tito Sean ay papa ni Bea.
Ang hirap ng kalagayan ni Tita. Si Bea, may bone cancer. Si Tito, nahulog sa hagdan.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang hirap ng ganito, ang anak ko walang malay tapos ang asawa ko nawalan na din ng malay."
Nilapitan ko si Tita at niyakap ko siya.
"Tita alam ko pong mabigat ang pakiramdam niyo ngayon. Pero tandaan niyo po na magiging ayos din ang lahat balang araw. Pagsubok lang po yan sa inyo. Kailangan niyo maging matatag."
"Salamat So. Buti nga hindi pa ako bumibigay."
"Kaya niyo po lampasan yan. Kain po tayo, gusto niyo?" Inangat ko ang binili kong pagkain.
"Wag na. Ikaw na lang ang kumain niyan para mas lumakas ka. Salamat sa pagbabantay sa anak ko. Aalis na ako ha? Kailangan din ako ng asawa ko."
"Okay po Tita. Ingat po. Sana po gumaling kaagad si Bea at sana wala pong nangyaring masama kay Tito."
"Salamat. Pasok ka na."Hinintay kong makasakay si Tita sa elevator bago ako pumasok sa room.
Pagkapasok ko, nakita ko si Baebea na sobrang payat. Mas payat sa huli kong kita sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.
"Baebea. Kamusta ka? Nandito ang gwapo mong boyfriend. Haha. May dala akong pagkain para sayo. Kaso tulog ka eh, pwede bang gumising ka na? Nami-miss na kita. I love you." Hinalikan ko ang noo niya. Hayys.

BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...