Chapter 26 : Speechless Choir

207 9 0
                                    

Paulo's POV

Buwan ng Wika namin ngayon. Grabe ang daming tao. Parang tuloy bumalik sa panahon ng mga ninuno natin kami dito haha!

Hakot awards ang section nila Pat. Samantalang ako, kailangan ko kaya mahahakot ang puso ni Nica? Hahaha charrr.

Nagpasama ako sa cr kay Caygee.

"Pau magsisimula na daw yung sabayang pagbigkas nila Nica."
"Sige Intsik lalabas na ako."
"Bilisan mo pwede naman kasing sa bahay tumae eh haha!"
"Bwiset ka ang ingay mo di ako natae noh nagbibihis ako!"
"HAHAHAHAHAHA AMOY TAE KAYA!"

Takte. Di na ako sumagot nakakaasar eh hindi nga sabi ako tumatae. -,-

Paglabas ko wala na si Caygee.

"Cayg? *tingin sa bawat cubicle* Cayg!" Lumabas na ako sa cr di ko pa rin siya mahanap nakakainis iniwan ako. Pati ba naman si Caygee nang-iiwan? Hayys. Sana wag din ako iwan ni Nicaaaaaa.

Ay oo nga pala, hindi kami, magkaibigan lang kaya hindi niya talaga ako iiwan. Haha double meaning ang wala. 😂

Pumunta na ako sa court ng mag-isa lang.

Sanay na ako mag-isa.

Charaught! Haha!

Saktong pag-upo ko nagsalits yung emcee. Magpeperform na daw ang Apostle.

At noong nakatayo na sila sa unahan at nag-umpisa,

Tumigil ang mundo ko.

Speech choir pero tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

Dahil tanaw na tanaw ko mula sa aking pwesto si Nica.

Kung sinuswerte nga naman ako.

Hayahaaaay😍😍😍

"Hoy Choco Martin!"

Nilingon ko yung kung sinuman ang nang-istorbo sa pagtitig ko kay Nica.

-,-

"Who you po?"
"Ako po si Caygee Emdee P. Da ang pinakagwapong nilalang sa buhay mo!"

Anak ng tilapia. BER months na nga pala next week kaya mahangin na.

"O bakit ka nandito?" Binalik ko yung tingin ko kay Nica.
"Hindi na kita hinintay matapos tumae ang tagal mo eh hahaha!"
"Ako'y tigil-tigilan mo babanatin ko yang mata mo."

Nagsalita pa rin ng nagsalita si Caygee. Haha hayaan niyo siya basta ako naka-focus kay Nica. 😊

"Paulo?"

*pikit*
*mulat*

"Are you okay?"

Nakita ko na lang si Nica sa harapan ko.

ANG GANDA NIYAAAAAA!!!!

"Hoy Pau umayos ka nga! *sampal sa kanang pisngi ko*"

Natauhan ako noong sinampal ako ni Caygee.

Nakatulala pala ako kay Nica. Tae nakakahiya!

"Ay pasensiya na Nica may iniisip lang ako. Congrats pala ang galing niyo kanina!" Kung ano na lang mapalusot eh haha.
"Thanks Pau. Kain tayo you want?"
"Sige kayo lang mag-usap hindi niyo ako nakikita." Ah ah nagdrama ang Intsik hahaha!
"Haha of course you can come with us. Let's go na habang intermission number pa lang."

Pumunta kami sa canteen. Waffles.
Waffles.
Waffles.
Waffles.
Waffles.
At waffles ang kinain namin. Hahahaha!

"Sigurado pagtae natin puro waffles -,- "
"Hahahaha yan kasi sumama ka pa eh imbis na solo ko si Nica." Binulong ko lang kay Cayg yan noh aba baka kung ano isipin ni Nica pag narinig yan.
"Oo na tara na sa court."
"Wait iinom lang ako." Pumunta si Nica sa water fountain para uminom.

"Tara na." Bumalik kami sa court para manood.

Pagbalik namin doon nag perform naman yung Mother Most Pure. At ayon, wala nanaman akong marinig kundi ang tibok ng puso ko habang nakatingin kay Nica. Bakit kaya ako nagkagusto sa babaeng ito? Di naman siya katangkaran haha 😂 Oo maganda siya pero hindi lang dahil doon. Kung dahil lang sa maganda siya edi sana na-turn off na ako noong medyo nakikilala ko na siya, pero hindi eh. Mas lalo ko siyang nagustuhan para bang bawat sandali hinahanap hanap ko si Nica. Hayys. Nakakabaliw. Haha!

Pinagmamasdan ko siya habang nanonood at nakangiti. Sana palagi na lang siyang ganyan. Masaya, walang problema, nakangiti, at nagpapakatotoo sa kanyang sarili. Wala akong pakealam kung makita man niya akong nakatitig sa kanya basta nakikita ko ang mukha niyang masaya, ang mukha niyang maganda.

"Pau hindi mo naman ako pinapakinggan eh!"

Hindi ko pinansin si Caygee. Panira talaga ng moment yun hahahaha yan tuloy narinig siya ni Nica tumingin sa akin at pasimple akong tumingin sa ibang bagay.

Muntik na!

"Ano bang sinasabi mo? Siguraduhin mong importante yan ha." Pagbabanta ko kay Caygee.
"Si ano kasi eh."
"Sino?"
"Si Julie Ann sun T.T"
"Bakit? May boyfriend na?"
"Oo daw."
"Weh? Seryoso? Sino? Paano mo nalaman?"
"Nakita ko ngayon lang sa status ng lalake."
"Ano ka ba malay mo yan yung nangtitrip sayo sa text at feelingero lang." Hindi ako magaling sa ganto eh, sa comforting haha!
"Nag-comment si babes ko ayun I love you daw. 😭😭😭😭"
"Boi baka nga trip ka lang di mo ba napapansin si Julie Ann sun mo? Wala mamang nakakasamang lalake yun dito sa school ah tapos magkaka boyfriend bigla? At taga Perps din?"
"Sana nga di totoo. Sige uwi na ako Pau salamat ha." Tumayo na si Caygee at kinuha yung bag niya. Ang lungkot ng mukha nito di ako sanay haha.
"Sige ingat ka Cayg. Wag ka muna maniwala ha trip ka lang non!"
"Sige Pau bye Nica!" Lumingon si Nica.
"Bye Caygee!" Umalis na si Caygee. Hayy may kaibigan nanaman akong nasaktan dahil sa pag-ibig.

Pagtingin ko sa court, hala! Nagliligpitan na sila hahahahaha ganon katagal pala akong nakatitig kay Nica.

"Pau uuwi na ako, ikaw?" Tumayo na si Nica at nagtali ng buhok.
"Oo uuwi na rin. Sabay tayo?"
"Uhm, sige."

Pagsakay namin sa jeep umandar na agad kaya medyo na-out of balance ako pero hinawakan ni Nica yung kamay ko at ayun, kinilig ako haha!

"Salamat." Pagkasabi ko non umupo na ako.

Tuloy tuloy lang ang andar ng jeep. Kakalagpas lang sa tulay nang biglang
. . .

*BEEEEEEEEEEP!!!!*
*PRENO NA PARANG GIGIL NA GIGIL SA BREAKS SI MANONG*

"Hoy bigla biglang sumusulpot at sumisingit eh!" Sigaw ni manong sa naka-single na motor na biglang sumingit.

Ayun singit and run ang loko. Maayos naman na yung sumunod na eksena. Hanggang sa malapit na ako bumaba.

"Nica bababa na ako ha mag-ingat ka pagabi na rin oh."
"Sige Pau ingat ka rin I'll text you kapag nakauwi na ako."
"Sige, para po."

Pagbaba ko tinext ko si Nica.

"Salamat kanina :) Nag-enjoy ako kasama ka. Ingat!"

Nakauwi na ako sa bahay 6:40. Traffic sa bandang riles eh.

7:10 na nung nagtext si Nica.

"Hi Pau kakauwi ko lang. May binili pa ako saglit sa Centro Mall eh, guess what? Haha pagkain lang. 😄"

Haha ang takaw ng babaeng yun pero kahit ganon yun di ako na-tuturn off sa kanya <3

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon