Bea's POV
January 24. 4 days before my birthday hihi.
"Class dismissed."
"Good bye Sir Santi."Inayos ko na ang mga gamit ko para makauwi na ako agad. Diretso lang ang tingin ko sa daanan kasi gutom na gutom na ako gusto ko na makauwi at makakain haha.
"Hey Baebea."
*tingin sa likod*
"Hi Song. Maaga natapos klase mo?"
Sinabayan niya ako sa paglalakad."Oo dalawang oras na."
"Eh bakit hindi ka pa umuuwi?"
"Hinihintay kita."
"La nakakahiya naman. Edi kanina ka pa naiinip?"
"Bakit naman ako maiinip? Ikaw naman ang hinihintay ko."
"Ah . . . Hehe."I'm speechless. Haha. Ikaw ba naman sabihan ng ganon ewan ko na lang kung hindi ka kiligin.
Andrian's POV
Nakita kong namula si Bea sa sinabi ko. Pati ako nagulat. Saan ko nakuha yon? Haha.
Sabagay, totoo naman kasi.
Nasabi niya sa akin na sobrang gutom na daw siya kaya nilibre ko muna siya sa canteen bago umuwi.
"Song nakakahiya naman babayaran kita bukas ha naubos lang talaga pera ko ngayon eh."
"Ano ka ba ayos lang noh di mo na ako kailangan bayaran."
"Eh nakakahiya talaga Song."
"Sabing ayos lang Baebea haha."Tinitingnan ko siya habang kumakain ng double burger. Yep, double burger haha.
Yung tingin niya nakatutok sa kinakain niya. Yung tuwing kakagat siya ang laki ng buka ng bibig niya, parang bata. Parang laging excited sa pagkagat. Haha oo nga pala, gutom na gutom siya. Ang ganda ganda nitong babaeng ito pero kapag kumakain hindi mo aakalaing maganda. Yung facial expression kasi parang patay gutom hahaha!
"Song may problema ka ba sa akin?"
"Ha?"
"Kanina ka pa nakatingin eh."Ang galing pala noh. Kahit naka-focus siya sa kinakain niya nakita pa rin niyang nakatingin ako sa kanya haha.
"Masama bang tingnan ang babaeng napakaganda?"
"Ang creepy minsan. Honestly. Haha."
"Ah so creepy ako. Okay." Nagtampu-tampuhan ang koya niyo. Hahaha."Hindi ikaw Song. Yung iba. Yung sayo natural lang. Yung sa iba may iba. May balak haha." Napatawa ako sa sinabi niya hahahaha.
"Ikaw talaga. *kurot sa pisngi niya* Kumain ka na lang ha."
". . ."Hahahaha pulang pula ang pisngi ni Baebea.
"Song haha tara na isang oras na pala tayo dito sa canteen. Sorry ha naabala pa kita." Oo, isang oras kasi binilhan ko pa siya ng spaghetti hahaha.
"Hayy nako Baebea kahit kailan hindi ka naging abala sa akin okay?"
"Talaga?"
"Oo naman. Tara na malapit na dumilim medyo traffic pa naman."
"Salamat. Sige thank you ulit."Nagmadali na kami umuwi non. At tama ako, traffic nga.
Buo na ang araw ko hihi.
Bea's POV
I woke up 5 am because of my excitement. 17 years old na ako! Haha. Today is my birthday. Chineck ko ang phone ko. Ang daming bumati. Pero ni isa don wala kay Song.
Hindi kaya niya alam na birthday ko?
O baka nakalimutan niya?
O sadyang wala siyang pake?
Huhu.
Chinarge ko muna yung phone ko bago ako lumabas ng kwarto.
Pagbukas ko ng pintuan . . .
IS THIS REAL?! O.O
SI SONG. MAY DALANG CAKE NA ANG DESIGN AY GIRL AND BOY, SI BOY MAY HAWAK NA PAYONG KASI UMUULAN.
Ah! Tanda ko na. The day na umamin ako at umamin din siya. Hihi. Ang sweet ni Song. 😍😍
At hindi lang yun.
MAY SNOOPY DIN NA STUFF TOY. FAVORITE KO YUN IHHH. 😊😊😊
"Happy birthday Baebea! Sorry ito lang nakayanan ko. Alam mo na, estudyante pa lang ako haha. Babawi ako kapag may trabaho na. Sana magustuhan mo. Haha talagang hindi kita binati kanina kasi gusto ko sa personal kita babatiin."
I was standing at my door speechless with this guy.
Andrian's POV
"Hindi mo ba nagustuhan? Sorry nga pala naistorbo ko Mama mo. Haha pumayag naman siya eh. Sige alis na ako happy birthday ulit." Tumalikod na ako at maglalakad na sana kung hindi lang ako niyakap ni Baebea.
Oo. Niyakap niya ako.
"Song wala akong masabi. Nabigla talaga ako eh sorry wag mo isiping hindi ko nagustuhan. At nakakahiya pa, hindi pa ako naliligo hahaha. Sa totoo ang saya saya ko ngayon dahil sayo. Kahit hindi mo ako i-surprise okay lang. Ang gusto ko lang makita kita ngayon. Thank you Song."
Ngayon ako naman ang speechless.
"Ay sorry Song hawak mo pala yung cake! Haha *bumitiw sa pagkakayakap at kinuha ang cake* Lagay muna natin to sa ref. Tara Song baba tayo."
Bumaba kami ni Bea. Nilagay niya sa ref yung cake at niyakap niya yung Snoopy na stuff toy.
"Salamat din Baebea. Kasi ikaw yung nagpapasaya sa akin. Kahit na ano hahaha." Sa wakas nakapagsalita na ako haha.
"Kahit na ano?"
"Sinampal mo ako noon. Hahahaha! Peace tayooooo. *kurot sa pisngi niya*"
"Nakakaasar ka. Lagi mong pinapaalala yan. Akala ko ba ayos na tayo?" Haha nag-pout pa ang Baebea.
"Sabing peace diba haha joke lang yun ito naman. Ay gusto mo ipaghanda kita ng breakfast?"
"Haha sige ikaw na pumili ng ipapakain mo sa akin. Kain ka rin ha damayan mo ako hahaha."Binuksan ko yung ref nila. Kinuha ko yung Honey Stars at fresh milk.
"Baebea. Honey Stars?"
"Sige favorite ko yan eh hihi."
"Tapos . . ." Sinara ko yung ref nila at nilibot ang aking mata sa kanilang kusina."Buttertoast?" Nakakita kasi ako ng butter at sugar.
"Suuuuure haha ikaw magluluto?"
"Oo naman haha matitikman mo ang bangis ng isang Rosario!"
"Hahaha grabe ha bangis talaga. Tigre ka ganern? Hahaha. Buti na lang Sabado ngayon kundi late na tayo sa school haha."At dahil birthday ng prinsesa ko ngayon, pinagluto ko siya ng buttertoast. Akala niyo mahirap yun ha hahaha.
"Baebeaaaaa luto na po. Enjoy your meal Ma'am." Nag-bow ako bago ilapag sa mesa yung mga pagkain. Haha hinampas ba naman ako sa balikat.
"Ano ba Song sobra sobra na 'to nakakahiya na sayo."
"Isa pang sabihin mo yang nakakahiya na yan."
"Opo hindi na haha."Bago kami kumain nag-pray muna kami.
"Amen."
"Amen."Ang sarap marinig na sabay kami mag-amen.
Kumain kami habang nagkukwentuhan. Hayy. Kita ko namang napasaya ko itong babaeng ito haha.
At di lang doon natapos ang celebration ng birthday niya. Umalis ang mama ni Baebea, may aasikasuhin lang kaya kami lang ang naiwan. Ayun, nanood kami ng Into The Heart of the Sea. Naka-tatlo pa ata kaming palabas bago dumating ang mama niya.
BINABASA MO ANG
Six Guys In Love
Teen FictionWarning: HAVING AN EXTREME EMOTION IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH Pagdating sa kalokohan, kakornihan at pagdadamayan, diyan magaling ang Six Guys! Ang anim na magkakaibigang lalaki na ang tanging hiling ay manatili silang magkakaibigan hanggang sa pagt...