Chapter 23 : Focus

185 7 0
                                    

Anthony's POV

Monday. Hayy simula noong birthday ko iniwasan ko si Aubrey lalo na nung nalaman na ni So na siya ang gusto ng babaeng mahal ko.

Nakakatawa ako noh? Hindi ko pa siya masyadong kilala pero minahal ko kaagad. #PogiTriviaNiAnthony : Ang mga lalake ang unang na-iin love kesa sa mga babae, pero mas halata sa babae pag in love sila. Kami kasi hindi showy, karamihan pala, kasi yung iba sandamakmak na lakas ng loob ang taglay 😂

Ayun, nakakahalata na ata.

From Auburszxc :

"Thony hindi ka na nagpaparamdam 😢 may nagawa ba akong mali?"

"Pupunta ako sa Mapua mag-iinquire. Ayaw ni Papa sa Perps Calamba eh . Sama ka?😀"

"Anthony haha bakit di ka nagrereply?"

Kung alam mo lang Aubrey. Una palang kasi wala na pala akong pag-asa na magustuhan mo. Gusto mo yung malakas ang dating parang si So.
Sana kasi hindi kaagad kita minahal para hindi ako nasasaktan ng ganito. Pero okay na rin na si So ang gusto mo kasi mabait si So at kilala ko siya.

"Ipagpapatuloy natin ang ating talakayan bukas. Paalam sa inyong lahat."
"Paalam at salamat po Ginang Edena."

Uwian nanaman. Feeling ko nga simula noon nawalan ako ng gana sa mga bagay-bagay.

Umayos ka nga Anthony.

Pinapaaral ka ng magulang mo para hindi ka lumaking umaasa sa iba. Pinapaaral ka nila para may matutunan kang maraming bagay. Pinapaaral ka nila para matutong mabuhay.

Simula ngayon, magseseryoso na ako sa pag-aaral. Hindi pwedeng dahil sa isang babae ay magpapabaya na ako.

Pagsakay ko ng jeep. . .

Tae.

"Anthony?"

*lingon sa labas*

"Ui Thony ikaw nga!"

"Uh, hi Aubrey."

WALA NA. BWISET NA JEEP TO.

Umiiwas nga ako sa taong to pinagtagpo pa kami. Nakaka badtrip lang.

"Bakit hindi ka nagrereply? Nagpalit ka ng sim?"
"Oo eh, hindi ko pa nga kabisado kasi hindi ko masyado ginagamit."

Alam ko na yang style ng mga babae na yan eh, automatic pag nagtanong ng ganya at umoo ka tiyak na hihingiin number mo.

"Ah ganon ba, hihingiin ko sana para matext kita eh."

O diba? Hahaha.

"Next time ko na lang ibibigay sayo kapag kabisado ko na ha."
"Sige."

Nagkakwentuhan kami saglit. Sabay kami bumaba sa jeep sa may Jollibee Banlic.

"Namiss kita Thony. Ang tagal mong hindi nagparamdam."
"Eh medyo busy nagsisipag sa acads. Sige mauuna na ako ha may gagawin pa ako eh ingat ka ha."
"Okay sige ikaw ang mag-ingat walking distance lang bahay ko dito ikaw dalawang tricycle pa."
"Kaya ko na sarili ko ikaw ang mag-ingat babae ka pa naman."
"Salamat uwi na ako Thony!"
"Sige bye Aubrey!"

Hayy. Mapapabuntong hininga ka na lang sa mga pangyayari.

TUESDAY.

WEDNESDAY.

THURSDAY.

FRIDAY.

SATURDAY.

SUNDAY.

MONDAY.

TUESDAY.

WEDNESDAY.

THURSDAY.

FRIDAY.

SATURDAY.

SUNDAY.

MONDAY.

TUESDAY.

WEDNESDAY.

Papunta ako ngayon sa Manila para sa project namin na mag-interview ng isang waiter sa isang restaurant. Kasama ko si Bawee, ka-section ko. Nickname niya lang yan ayaw niya kasi ng tinatawag sa real name niya hahaha!

"Alam mo Thony nakakaasar yung teacher natin dalawa lang per section ang mag-iinterview at tayo ang napili. Grabe lang. Ang laki pa naman ng pamas-"

"Bawee?"

Biglang nawala yung boses kaya lumingon ako sa likod, kakasakay palang namin sa bus, naghahanap ng mauupuan.

Pag tingin ko kay Bawee. . .

"BWAHAHAHAHAHAHA!"
"THONY NAMAN WAG MO NA AKO PAGTAWANAN TULUNGAN MO NA LANG AKO NAKAKAHIYA! 😭😭😭"

HAHAHAHAHA GRABE NAMAN KASI YUNG NANGYARI KAY BAWEE MAY HAWAK KASI NA ANO HAHAHA NA ZAGU TAPOS DIBA NAGSASALITA HAHA UMANDAR YUNG BUS TAPOS HAHAHAHAHA SUBSOB SIYA SA SAHIG PATI YUNG ZAGU SUMUBSOB NAGKAPALIT ATA SILA NG MUKHA!!! HAHAHAH LAUGHTRIP KAY BAWEE HAHAHAHAHAHAHA!!!!!! PINAGTITINGINAN NA KAMI NG MGA PASAHERO!!

"Nakakatawa ka Bawee sayang yung Zagu mo hahaha!"
"Wag mo na ako tawanan may tissue ka ba?"
"Meron hahaha *kuha ng tissue* ito oh."
"Salamat. *punas sa mukha at damit* Buti na lang naka black ako haha nakakaasar kalahati pa yung Zagu ko! Hahaha!"
"Daldal pa kasi hahahaha!"
"Hahahaha!"

Tawa lang kami ng tawa ni Bawee sa bus. Hahahaha!

Nakarating na kami sa LRT Buendia. Hanap hanap ng hotel. . .

"Good morning *tingin sa relo* ay afternoon na po pala sir! Iinterviewhin lang po namin sana kayo kung ayos lang po para sa project namin."

Kumpara kanina, medyo kumalma na kami.

"Good morning dear guests! Sure sige doon po tayo sa lobby."

Sumunod kami sa kanya.

Nagsimula na kami magtanong ng mga dapat itanong.

At kung inaasar ka nga naman ng tadhana.

"Anthony? Ang galing same pa tayo ng hotel na napili!"

Abot tenga ang ngiti ni Aubrey noong nakita niya ako.

Napakamot na lang ako sa batok ko. Hayy.

"Ah oo nga coincidence haha."
"Coincidence? Yan ba yung sinasabi kapag namatayan ang isang tao?"
"Hahahahahaha ang korni mo Bawee! Condolence yun."
"Hahaha katunog nga naman kasi hahaha!"

Kahit na naiinis ako kasi nagkita nanaman kami ni Aubrey. . .

Hayy. Kinikilig ako kahit papano. Hahaha ang abno ko noh.

Natapos ang interview namin mga bandang 1:30 pm. Nauna na kami ni Bawee tutal nauna naman kaming dumating. Kumain kami sa Jollibee.

Kain.
Kain.
Kain.
Kain.
Kain.
Kain.
Kain.

Umuwi na kami pagtapos namin kumain. Wala ng gala tulad noong junior high 'cause we got a lot to do ad we got a busy day todaaaaay. Haha napaghalo pa yung lyrics ng kanta eh.

Pag-uwi namin ni Bawee nagsimula na kami gumawa ng report. This way, nakakalimutan ko ang feelings ko kay Aubrey.

*vibrate*

"Thony, alam kong hindi mo na to mababasa, but I'll send it to you anyway. I miss you. I really do. Alam kong may nagawa ako, siguro manhid lang ako o ayaw mo sabihin kung ano yun. Sorry ha. Sana bumalik yung samahan natin dati."

Di ko siya nireplyan.

Sorry Aubrey. I have to do this iwas iwas thingy kasi ayoko umasa. Masakit. Ayoko din ipagpilitan ang sarili ko sayo. Hindi ko pa kayang manatiling mag kaibigan tayo. Minamahal kita lalo eh. Kaya pasensiya ha kung umiiwas ako. I need to focus sa pag-aaral para mapakita ko kila Mama na isa akong mabuting anak.

Nagpatuloy lang ako sa paggawa ng report habang pilit na hindi iniisip si Aubrey.

Six Guys In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon